Jazmine's POV
"Hey, wake up!" sabi ko sa nakatalikod na lalaki sa kama ko.
Hindi naman siya kumibo.
Tumayo na ako at inayos ang sarili. Hindi ko muna ginising ng tuluyan si Rayler baka pagod na pagod sa kakasigaw at kakahintay sa akin na lumabas kagabi. Hehe.
"Manang, anong breakfast?" tanong ko sa naglilinis naming kasambahay.
"Ay ma'am. Goodmorning po. Hindi aku nakapagluto ng brikpast. Akala ni ma'am Marie mamaya pa kayu gigising kaya naglinis na lang muna aku."
"E, nasaan si Mama?"
"Lumabas po ma'am."
"Saan nagpunta?"
"Hindi niya po sinabi e."
"Sige ako na lang magluluto ng breakfast namin."
Pumunta naman ako sa kusina at nagprepare lang ng dalawang coffee, apat na pancakes and kumuha ng dalawang cinnamon roll. Tinaas ko siya at nilapag na lang doon sa coffee table ko.
Pumunta naman ako sa may kama para gisingin si Rayler.
"Rayler?"
Nilapit ko konti mukha ko sa kanya.
"Rayler!" Wala pa ring kibo? "Rayler... gising na." Tinapik ko siya sa braso. "Uyyyy..." Wala pa rin.
Pinoke ko naman pisngi niya. Bakit parang ang init niya? Hala... (O.O )
"Rayler?" Sabi ko habang hinahawakan ko noo niya. "Ang init mo!"
"Mmmmm...." sabi niya habang niyayakap ang sarili. Gising siya pero he's so weak, I can tell.
Tinawag ko si Manang at kumuha naman siya ng bimpo at warm na tubig. Kumuha naman ako ng medicine sa kwarto nila mama.
Inalayan ko naman siya uminom ng gamot.
"Ayan kasi... naghintay hintay pa sa akin kagabi." Nakapikit pa rin siya pero feel ko naririnig niya mga sinasabi ko.
Yun na lang muna sinabi ko. Ang sama ko talagang kaibigan, alam kong ako may kasalanan nito siya pa sinisisi ko.
Nakatulog na ata uli siya. Hinawakan ko naman yung kamay niya.
BINABASA MO ANG
Heart Beat
RomanceA romance/humor story (Filipino/Tagalog/English) by NikkaGüzel. I'm this chick who gets anything she wants. I'm also this chick that every guy wanted. But I'm tired of playing games anymore, I want the real thing. I'm sure that HE's just somewhere...