CHAPTER 13

13 0 0
                                    

Masyado na yata akong nag aalala kay lola. 11:22 pm na, di parin ako makatulog. Okay lang kaya sya? Tinext ko rin sya kanina pero di naman nagreply.


Tumayo ako at kinuha ang jacket saka umalis. Kelangan kong bumalik sa bahay. Hindi talaga maganda ang kutob ko eh.




Swerte naman na paglabas ko ng pension house ay may taxi na nagbaba ng isa sa mga customer namin.

"Oh Ms. Beautiful, gabi na ha. Saan ka pupunta?" Tanong ni Ms. Ablet Kasama nya ang asawa nyang French at baby nila. Si Drake. Grabe, tatlong linggo narin yata sila rito sa Pension House.

"Good evening po sainyo. Uuwi po muna sandali. Mukhang galing kayong beach ah." Sabi ko. Napansin ko kasi ang mga paa nila na may mga buhangin pa.

"Ahh oo. Magaganda pala ang beaches dito no?" Sagot ni Mr. Thibault, asawa nya.

"Opo. Malilinis pa-- ay kuya sandali!" Pagpigil ko sa driver ng taxi. Aalis na kasi eh.

"Mauna na po ako. Bonne nuit!" I said bago lumapit sa taxi.

"Au revoir!" Sabi naman nila. I smiled saka pumasok.






"Kuya diretso lang po." Sabi ko sa taxi driver. At pinaandar nya narin ang kotse. 15 minutes ang layo ng pension house sa bahay kung walang traffic kaya nakarating ako agad.



Nagbayad ako saka bumaba ng taxi.


Bakit mas lalong hindi maganda ang pakiramdam ko? Iba tibok ng puso ko ngayon--




Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ko na sira sira ang mga tanim na halaman ni lola. Yung orchids nyang mamahalin-- lahat sira. Basag din ang mga paso.


Dahan dahan akong naglakad papasok sa bahay at tahimik na nag observe. Ayokong mag isip ng kung ano ano. Ayokong mag isip ng di magagandang bagay. I need to compose myself.




Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ng kwarto rito sa ibaba ay may narinig akong mga kaluskos sa itaas. Wala rito si lola. Baka sya yun.



"Dalian mo! Wag ka nang--" Natigil ang nagsasalita. Hindi si lola iyon. Asan sya?!


Narinig ko ang dahan dahang yapak papalapit sa kwarto na kinaroroonan ko ngayon. Fck. Fck. Fck. Anong gagawin ko?

My vision started to become blurry because of the tears. Umiiyak na ako sa takot. Sana wala silang masamang ginawa kay lola.



Napatakip ako ng bibig ko nang biglang pilit na binubuksan ng tao sa labas ng kwarto ang pinto. Napansin siguro nila na may ibang tao.




Kinalma ko ang sarili ko at nag isip ng pwede kong gawin.

Hindi ako pwedeng tumawag ng pulis dahil nasa labas ang telepono. Wala rin akong pwedeng tawagan. Shit.



Napaupo ako sa takot. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jacket saka naman nahulog ang isang papel.


Ito yung kopya ng information ni Zach. Pwede ko kaya syang tawagan?


I dialed his number pero wala na pala akong pantawag. Shit naman. Bakit ngayon pa?! I texted him as fast as I could.

Zach this is Flo pls tulungan mo ko. May mga lalake sa bahay pls di ko pa nahahanap si lola help me pls zach

I quickly send the message. Hanggang ngayon pilit parin nilang binubuksan ang pinto.



Nakarinig ako ng kasa ng baril sa labas. Shit shit pls wag nyong babarilin ang pinto please.

The Day Before YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon