Zach's POV
"Zach, thank you for taking care of Flo." I looked at Flo na nakipag uusap sa mga kamag anak nila. It's lola's funeral wake. At libing nya na bukas.
"Wala pong problema tita. Ako po muna ang bahala sa kanya."
"Zach-- bakit mo tinutulungan si Flo? Kami? Nililigawan mo ba sya?" Iniabot sa akin ni tita ang isang tray para lagyan ng natimpla kong kape. Fck. Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Ayokong magsinungaling pero I have no other choice.
"I was about to ask for your permission nga ho sana kung pwede kong ligawan si Flo" Ayan Zach. Just go with the flow.
"Aba walang problema sa akin. Pero sakanya-- did you ask her?"
"Yes I already asked her. I just told her that I can wait." I smiled as I return the tray. I am really sorry Flo if I have to lie to you. This is the only way to protect you for now.
"Zach--" It's Flo. Grabe. Magang maga ang mga mata nya. She looks so tired.
"Hey. You look tired."
"I am. Ikaw. Baka hinahanap ka na sainyo. Hindi ka pa ba uuwi?" She said while making a cup of coffee.
"Nah. I will stay here and besides wala namang maghahanap sa akin." Hindi tinanggap ni Flo ang offer ko na pagstay nya sa bahay. I understand naman. Mabuti nga yun at hindi ako mahihirapan sa pagp-pretend.
"Kaya na namin dito, Zach. Kagabi ka pa walang tulog. Bumalik ka nalang bukas." She handed me the coffee she made pero iniabot ko ulit sakanya.
"Mas kailangan mo yang kape. Kaya ko pa naman eh. Mas okay nga na nandito na ako agad para di na ako babyahe pa bukas." 3 hours din kasi ang layo ng byahe mula sa bahay namin saka alanganin na- it's 11:43 pm. Baka makatulog pa ako ng nagmamaneho.
"Okay. Sige. Pero sigurado ka ba talaga? Hindi komportable rito. Wala kang--"
"Yes I am sure. Ikaw. You have to take a rest. Maaga pa tayo bukas." I smiled at her. Ang kulit nya. Ito ba nagustuhan sakanya ng ex boyfriend nya?
"O-okay. Good night Zach--"
"Oh kayong dalawa? Di pa ba kayo uuwi? Maaga pa bukas. Magpahinga na muna kayo." Si Tita Annie. Isa pa ito. -_______-
"Ah tita dito lang po kami. Kahit po sa sofa nalang ako matulog dyan. Si Zach po ayaw umuwi."
"Ano ba. Dun na kayo muna sa bahay. 30 minutes lang naman yun mula rito. Zach, kaya mo pa bang mag drive?"
"O-opo. Kaya ko pa." I looked at Flo na naluluha na ang mata sa sobrang antok.
"Oh Flo. Sumama ka na kay Zach. Magpahinga kayo. Maistress ka lang lalo kunh dadagdagan pa ng puyat." Is this how they care to other people? Sobrang bait nila. I never felt this care mula nung mamatay si mom.
Hindi na nagsalita si Flo at sumunod nalang sa akin hanggang sa makarating kami sa sasakyan.
"Pagpasensyahan mo na kung sobrang insistent namin ha? Nakakahiya na kasi Zach--"
"Ano ba Flo. I told you this is nothing. I understand that you need a companion kaya I will stay as long as I think you need." I hear sobs between my words. Wait? iS she crying?
She hugged me as her response. And I just suddenly feel something-- parang I feel refreshed? No. I feel complete.
What the hell is this.
--
Flo's POV
I cannot find the right words to thank Zach for all he has done. Sobrang buti nya sa amin.
He said he's inlove with me.. paano kaya kung ang tanging paraan para makapagpasalamat sakanya-- is to return his love for me?
"We're here." He unfastened my seatbelt. Bumaba naman na ako agad para buksan ang gate ng bahay para maipark nya ang kotse.
"Zach ako nang bahala rito. Magpahinga ka na. May kwarto pa sa taas."
"Ano ka ba Flo. You need rest more than me. Sige na."
"Hindi. Sige na. Umakyat ka na. Zach nahihiya na talaga ako."
He looked at me saka umakyat sa taas with hesitations.
Zachary Kesselman. How in the world did you know me?
I nod my head para bumalik ako sa huwisyo and started to lock and check all of the windows and doors. Baka mamaya andyan nanaman ang mga pumatay kay lola.
I looked at my watch. It's 12:40 am.
Umakyat narin ako agad nung masigurado kong okay na ang lahat.I went to lola's room. It's locked. Ganun din ang kwarto ni tito George. Malamang si Zach sa guest room natulog. Shit. Saan naman ako pupwesto nito?
"Flo?"
"Holy sh-- Zach bakit gising ka pa?" Nakagugulat naman itong taong to. Bigla bigla nalang susulpot.
"I was just checking the surroundings. You know. Ikaw, hindi ka pa ba matutulog?" Napatingin ako sa doorknob ng kwarto ni tito George. nakay tita ang susi kaya di ko ito mabubuksan.
"Ahh matutulog narin ako. Sige na Zach. Matulog ka na-- sa guest room." Tumalikod ako at kunyaring binuksan ang kwarto pero nakatayo lang sya dun at parang natatawa pa sa akin.
"That room is locked."
"Ahhh ano. Sige na. Ako nang bahala. Matulog ka--"
Hindi na ako nakapagsalita nang hawakan nya ako at saka marahang hinila papunta sa guest room.
"Dito ka na matulog. I will take the floor."
"Tabi nalang tayo Zach!" Mabilis ko namang sabi.
Pero tinignan nya lang ako.
"No. I mean, nakakahiya kasi kung sa sahig ka lang. Malaki naman tong bed space. Kasya tayo. Tsaka alam ko naman na matino ka."
"Pft. Of course I am. Pero komportable ka ba na may katabing lalake?" He asked.
"Ahh ayos lang. Sige na Zach. Matutulog na ako. Matulog ka na rin. Goodnight." Namula ata ako sa tanong nya. Bwisit na to. Ano to? Kinikilig? Like I don't have the right to feel agitated dahil nagluluksa ako. Ah no. Natatanga lang ang utak ko for sure.
"Goodnight Flo." Naramdaman ko ang paghiga nya sa kama kaya natulog na ako.

BINABASA MO ANG
The Day Before You
RomansWhen a promise seems to be impossible-- Would you just walk away? Or would you risk everything to achieve it? What if things are not the same-- Would you just accept and let go? Or would you fight for how it's supposed to be?