Chapter 11
Ly's POV
Masyado lang nakapagtataka ang lalakeng iyon. Wala akong ibang alam sakanya kundi ang itsura nya at pangalan.
Hindi ko alam kung bakit nya ako "inililigtas" at kung kanino naman. He makes my head overthink.
Mukha rin syang hindi nagtatrabaho sa tatay ni Teejay dahil wala naman akong napansing connected sya dun.
"We're here." He said. Sabay hinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.
T-teka? Hindi naman sya nagtanong kung san ako nakatira ha? Alam nya ang address ko?!
"P-papaano mo nalaman--" Sabi ko while pointing to our house.
"Saw it on your ID" sabay abot sa akin.
He leaned towards me saka binuksan ang pinto ng sasakyan. Then I unfastened myself from the seatbelt.
"Have a good day ms. Ly." Sabi nya bago ako makababa.
I smiled.
--"Flonasza! Saan ka nagpalipas ng gabi ha? Apo?"
Nako. Ano kaya ipalulusot ko kay lola? Hindi nga pala ako nakapagpaalam sakanya.
"Ah, La-- p-pasensya po. Masyado po kasing malakas ang ulan kagabi kaya nandun lang ako sa p-pension h-house."
"Pero tumawag naman ako dun ang sabi umalis ka na?" Nagtataka nyang tanong.
"Ah kasi-- bumalik po ako La- O-opo, tama po. Bumalik po ako. Kaso wala pong tao sa front desk kaya walang nakapansin sa akin."
Hoooo success!
*knock knock*
Pinagbuksan ko ng pinto ang kumakatok.
O__________O
Si---
"Oh- Zach! Nako salamat sa pagdating ha. T-teka--"
Natulala ako sa nakita ko. Zach?! Anong ginagawa mo rito?! Halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla pang magsalita si lola. Magkakilala sila?!
"Apo, si Zach nga pala. Tinulungan nya ako kahapon habang nasa palengke ako. Zach, si Flonasza- ang apo ko."
He smiled and acted na para bang di nya ako kasama kagabi.
"Apo, bumati ka naman." Bulong sa akin ni lola.
"Ah-- hi- Zach? Tama, Zach. Salamat sa pagtulong kay lola." Bati ko sakanya.
----Ininvite pala sya ni lola para dito na mag agahan. Hindi ko alam kung anong plano nya at bakit di nya sinabi ang nangyari kagabi.
"Oh Apo, balita ko uuwi raw ang tita Annie mo para isama ako sa Los Angeles--" basag ni lola sa katahimikan.
"P-po? Kelan daw po?"
Tahimik lang si Zach na nakikinig sa amin.
"Sa Sabado na."
"Sabado? Mukhang biglaan naman po lola. Huwebes na po ngayon."
"Iyon ang sabi nya. Minsan lang daw kasi magkaroon ng free schedule ang doctor na pagdadalhan nya sa akin."
I did not protest. Pero bakit sobrang biglaan naman kaya- and usually ako ang sasabihan ni tita eh.
Nabaling ang usapan nang biglang magtanong si lola.
"Oh ikaw naman iho, ngayon lang kita napansin dito ha."
"I am from Australia po. At kababalik ko lang dito last week."
"Ah kaya naman pala-- ilang taon ka na?"
"I'm 23."
"Mas nauna ka pala sa apo ko. 19 palang sya." Sabay tingin ni lola sa akin.
Okay. Hindi nya po tinatanong la.
"At ano nga pala ang ginagawa mo sa palengke kahapon? Mukha ka namang--"
"Napadaan lang ho ako--" he looked at his watch saka tumingin muli kay lola.
"Well, I have things to do today po lola. Thanks for the delicious breakfast." Tumayo sya at lumapit kay lola para mag-mano.
Then he looked at me.
"Nice meeting you too, Flonasza."
"Aba, sige iho. Bumalik ka lang anytime ha. Mag iingat ka." Sabi ni lola sakanya and then he went out of the house.
masyado syang creepy- diba pati kayo naguguluhan din? -_______-
---
![](https://img.wattpad.com/cover/57460552-288-k189920.jpg)
BINABASA MO ANG
The Day Before You
RomanceWhen a promise seems to be impossible-- Would you just walk away? Or would you risk everything to achieve it? What if things are not the same-- Would you just accept and let go? Or would you fight for how it's supposed to be?