CHAPTER II

21 4 0
                                    


CHAPTER II

NAPABUNTONG hininga ako sa inis dahil hindi ako makapag-basa ng maayos. I'm currently in my room this morning, we don't have classes every Saturday because we're already senior so our class are not full loaded. I'm really trying to read this old book that I found in the atic but the noises in my younger sister's room are really distracting me. Urgh!

I flipped another page and furrow my brow in concentration while reading. "He open his white pair of wings and offer his hands to me. He has a blank expression on his face but his green eyes are calm as ocean. I don't know him but I just saw myself reaching for his hands. I trust him. I don't know how or why but I trust him..."

Naputol nanaman ang pagbabasa ko nang maka-rinig ako ng isang malakas na pag-sigaw galing sa kuwarto ng seven years old kong kapatid. I groaned and turn to my sides to continue reading pero naputol nanaman ang pagbabasa ko nang makarinig nanaman ako ng isang malakas na pag-sigaw na may kasamang mura kaya napatayo na ako kaagad.

"Oww! It f*cking hurts!" Narinig ko sa likod ng pintuan. May kumalabog na bagay na parang may inihagis na kung ano.

"Shhh! Ate might hear you!"

Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ng kapatid ko. Naghiwalay kaagad silang dalawa ng makita nila ako. Mabilis na tumalikod ang kaibigan ng kapatid ko habang siya naman itinago ang mga kamay sa likuran at ngumiti sa akin ng inosente. Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Camila?"

"Yes po, ate?" Inosente niyang tanong pero napapansin ko na hindi siya mapakali sa pagkakatayo niya.

"Anong ginagawa niyo?" Umiling lang siya. "Lauren? Bakit ka nagmura?" Tawag ko naman sa kaibigan niya na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin.

"H-Hindi ko po sinasadya. Hindi ko na po uulitin," sabi niya habang nakatalikod pa rin.

"Humarap ka sa akin habang kinakausap kita. Isusumbong kita kay tito Mike." Nakapameywang na sabi ko sa makulit na bata. Kapit bahay lang namin ang batang ito, nakatira sila sa katapat ng bahay namin. We know their family since.. I was born and they're practically best of friends ever since they are still in our mother's womb. "Lauren?" Nang hindi pa rin sumagot ang bata ay binalingan ko si Camila na ngayon ay parang maiiyak na. Tinitigan ko siya ng masama. Hindi ko na kailangang mag-salita dahil alam kong bibigay na rin siya.

"I-It's her idea.." sabi ng kapatid ko at inilabas niya ang dalawa niyang kamay na nakatago sa likuran niya. May hawak siyang karayum kaya nag-salubong ang mga kilay ko. "She...she.."

"Camila, shut the f*ck up or I swear—"

"Lauren! Can you please stop cursing while your in this house?" Hinilot ko ang sentido ko. Hindi ko kakayanin ang kakulitan ng batang 'to. Napansin ko na namumula ang ilong niya kaya nilapitan ko siya. May gasgas siya sa may kaliwang bahagi ng ilong niya. "Anong nangyari sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na tinakpan ng mga palad ang ilong. "N-Nothing."

Lumingon ako sa kapatid ko nang masiguro na walang planong mag-salita si Lauren. Tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto mo bang isumbong kita kila Daddy?" Our Dad is very strict and we never want to disappoint him.

"She said she want to have a nose ring," my sister's tiny voice said. Hmm, so that explain the small gash in Lauren's left nose.

"You're still a kid girls, that can wait. At isa pa, hindi mo puwedeng gawin ang bagay na 'yan nang walang consent ng magulan mo, Lauren. Kakausapin ko mamaya si tito Mike." Tumango lang ang bata na halata pa rin na masama ang loob. Napabuntong hininga nalang ako. Yumuko ako sa harapan nilang dalawa para maging kapantay nila ako. "Naiintindihan niyo naman siguro kung bakit ko kayo pinapagalitan 'di ba?"

Through Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon