CHAPTER V:
NAGULAT ako dahil pag-labas ko ng bahay ay nakita ko si Jigs na nakatayo sa may tabi ng sasakyan ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Ano ka ba, Cardo Thursday remember? Coding ang sasakyan ko ngayon kaya makikisabay ako sa'yo," sabi naman ni Jigs na sumakay na kaagad sa loob pagkabukas ko palang ng sasakyan. "Para ka namang bago ng bago, bro."
"Pasensya na, nawala sa isip ko. Dadaan pa kasi ako sa bahay nila Maine." Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at pinaandar.
"Oo nga pala," napakamot sa ulo si Jigs. "Kamusta na siya?"
Bumuntong hininga ako. "She's pretending to be alright but I know she's not." Dalawang buwan na matapos ilibing ang Daddy ni Maine at napapansin kong hindi pa rin siya nakaka-move on. Madalas ko rin siyang makitang tulala minsan. Sabi ng Daddy kong doktor normal lang naman daw iyon dahil na-experience rin niya first hand yung aksidente tapos malala pa yung head trauma na natamo niya. "But I'm proud of her because she's so strong. Alam naman natin kung gaano 'yon ka-Daddy's girl."
"Oo nga, eh. Pero naaawa pa rin ako sa kanya."
"Don't be, let's just support her." Binagalan ko ang takbo ng sasakyan ng matanaw ko ang bahay nila Maine.
"Wait, Cardo!" Biglang sabi ni Jigs kaya naapakan ko ang preno ng wala sa oras.
"Bakit? Anong nangyari?" Nilingon ko siya sa tabi ko.
"Kung susunduin mo si Maine, ibig bang sabihin niyan ay kasabay din natin si Leah?" Jigs groaned.
Napabuntong hininga ako bago ko muling binuhay ang makina ng sasakyan. "Akala ko naman kung anong nangyari sa'yo," mahinang sinuntok ko siya sa may braso. "Bakit nanaman? Ano bang problema niyong dalawa?"
"Wala naman. I just don't want to see her."
"And why is that?" Ipinarada ko ang sasakyan sa harapan ng bahay nila Maine. I honk three times.
"She just annoyed the hell out of me," sabi ni Jigs. Hindi nga nagtagal ay lumabas na ng bahay sila Maine at Leah. "Here comes the devil," bulong ni Jigs.
Tumawa lang ako sa kanya. Hindi ko rin kasi maitindihan itong lalaking ito. May nararamdaman pa siya sa dalaga pero ayaw niyang makipag-balikan tapos ngayon masyado siyang apektado sa nangyayari sa buhay nito. Ang gugulo nilang dalawa.
"Hi, guys!" Masiglang bati ni Maine pagka-sakay ng dalawa sa sasakyan.
"Hi losers," bati naman ni Leah na kasunod lang ni Maine. Palaging magkasama ang dalawa dahil sa bukod sa mag bestfriend sila ay ilang bahay lang ang pagitan ng mga bahay nila.
"You're the only loser here," sagot ni Jigs.
Natawa lang ako sa kanilang dalawa. Nagkatinginan kami ni Maine at pareho lang kaming natawa, alam kasi namin na magsisimula na naman ang bangayan nila. Kapag magkasama sila Jigs at Leah ay palagi nalang silang nag-aaway.
"Oo nga pala, Maine. Tapos mo na bang basahin yung libro na hinihiram ko sa'yo?" Tanong ni Leah habang ang mga mata ay nanatili sa hawak na cellphone. "'Yung tungkol sa mga angels?"
Napansin ko mula sa rearview mirror na bahagyang natigilan si Maine bago sumagot sa kaibigan. "I lost it in the accident... binabasa ko kasi 'yon nung mga time na iyon. I ask the officer in charge if they retrive a book but they said that they don't see any book on the scene. I... I guess it was burn on the small fire when the car..." she trailed off.
BINABASA MO ANG
Through Her Eyes
FantasyAnother story about an Angel and Human falling in love ... Paano? Edi basahin niyo ;) slow burn