CHAPTER VI

13 3 0
                                    


HININTAY ko munang tuluyang makaalis ang sasakyan ni Cardo bago ako pumasok sa loob ng bahay namin. Mabuti nalang at meron akong kaibigan na katulad niyang maaasahan, natutulungan nilang gumaan ang pakiramdam ko. Nang mawala ang sasakyan niya sa paningin ko ay naglakad na ako papasok sa bahay namin. Habang naglalakad ako ay biglang humangin ng malakas kaya bahagyang nagulo ang buhok ko. I huffed in annoyance before fixing my hair. Nakarinig ako ng pagaspas kaya kaagad akong tumingala sa langit pero wala naman akong nakitang ibon. Nagtatakang lumingon ako sa paligid, sa may mga ibong maliliit sa tabi ng bakuran namin sa ilalim ng puno ng mangga pero sigurado akong hindi galing sa kanila ang tunog. Parang galing sa...mas malaking ibon. Kung pagbabasehan ang lakas ng hangin at tunog na nilikha ng pagpaspas ng pakpak nito ay siguradong napaka-laking ibon ang nagmamay-ari nito.

Tumingin ako sa paligid ng bakuran pero wala akong nakita na kahit ano kaya nagkibit balikat nalang ako. I furrowed my brows when I saw a single white feather falling down. I reach out and it landed in my palm. Tumingala ako sa langit pero wala pa rin akong nakita na mas malaking ibon. I just shook my head and decided to forget about it.

Pagpasok ko sa bahay ay tumambad sa akin ang walang hanggang katahimikan, wala nga palang tao sa bahay dahil nasa school pa si Camila at si Mommy naman ay siguradong nasa trabaho pa.

Umupo ako sa may sofa sa sala namin at tumulala sa hangin. Siguradong kung nandito lang si Daddy siguradong magtataka yun ng husto kung bakit ako maagang umuwi, tapos madi-disappoint siya dahil napapabayaan ko na ang mga klase ko. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga, marami na akong lesson na nami-missed, next week na ang midterm kaya kailangan ko nang humabol.

Naisip kong pumunta sa loob ng kuwarto ko at duon magmukmok. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapahinto nang mapa-daan ako sa study room ng Daddy ko. Hindi ko alam kung bakit ako huminto sa paghakbang. Nanatili lang akong nakatitig sa pintuan ng kuwarto

Naalala ko ang mga panahon na minsan ay mas madalas pa siyang manatili sa study room niya na ito kaysa sa sarili nilang kuwarto, madalas din nila iyong pag-awayan nila mommy. Punong-puno ng alaala ni Daddy ang kuwarto na ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto at kaagad sa aking bumungad ang tunog ng isang tahimik na paghikbi. Nakita ko ang Mom ko na naka-upo sa tapat ng study table ni Daddy, nakayuko siya kaya hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha pero base palang sa pag-alog ng mga balikat niya at tahimik na paghikbi, alam ko na kaagad na umiiyak siya.

The scene in front of me reminds me that I'm not the only one who lost my father, my Mom lost her husband and also my sister lost her Dad at a very young age. Hindi lang ako ang nagluluksa, hindi lang ako ang nasasaktan. I felt so selfish for being weak, if that's even possible, because I know I have to be strong for them. Wala naman kaming ibang magagawa tuloy lang ang pag-ikot ng buhay, kailangan lang naming magpakatatag. At least, we still have each other.

I close the door silently and walk straight to my room just to throw myself at the bed and stare mindlessly at the ceiling. I bit my lip as hot streak of tears manage its way through my face. I can't even have the stregnth to approach my mother. I know she needed me, yet I walk away cowardly. Because I know I can't...I can't act strong in front of my mother when I know I'm weaker than her.

HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising lang ako nang maramdaman ko ang marahang pag-alog sa akin ng kung sino. Nakangiting mukha ni Mommy ang tumambad sa akin. "It's dinner time, Maine," sabi niya.

I just bit my lower lip when I remember the scene from this afternoon. I nod my head and get up. "Where's Camila?"

"She's down stairs. Sinabay na siya ni Claire sa pagsunod kay Lauren." Paliwanang ni Mommy, naka-upo siya sa tabi ng higaan ko, "Mabuti nalang at mababait ang mga Jimenez at okay lang sa kanila na isabay si Camila kay Lauren tuwing papasok at uuwi. Kaso may softball practice si Lauren tuwing pagkatapos ng school kaya naisipan na lang ni Camila na sumali nalang din sa softball club para may kasabay pa rin siyang pauwi at hindi ko na siya kailangan pang sunduin. Medyo gabi na rin kasi ako nakaka-uwi galing sa office kaya hindi ko siya masusundo ng maaga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Through Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon