JARED JAKE ALCARAZ
Nagsimula ang opening ng cafe ng bandang 3pm. After ng ribbon cutting at blessing ng cafeteria ay nagpatuloy na ang operation ng cafe. Nagsimula na ding magdatingan ang mga customers at unti unti'y nagiging busy ang lugar, nasa isang table ako kasama si Aria at Bianca, nanonood lang kami sa tuloy tuloy na pasok ng mga diners. Minsan ay tumatayo ako at tumutulong sa aking mga tauhan kapag may mga nagiging problema. Nakakatuwa na ngayon ang pangarap ko ay nasa harap ko na, sobrang saya ko.
Babe. Nakakatuwa ang dami niyo na agad customers.
Sambit ni Aria habang pinipisil ang aking kamay. Kita sa mata ang saya niya, natutuwa ako na nakikita kung gaano siya ka proud sa akin. Mas lalo lamang akong nao-overwhelmed, kapag nakikita ang masaya niyang mukha.
Oo nga Jared. Grabehan na talaga kayong mag jowa. Pak na pak na ang success niyo. Hindi niyo pa ba napaplano kung kelan ang kasal?
Naku hindi pa Bianca eh. Alam mo naman sobrang busy pa ni Jared dito at ako naman babalik na sa trabaho bukas, kaya hindi pa namin maasikaso.
Pero huwag kang mag alala Bianca kapag mag aayos na kami ni Aria ng tungkol sa kasal tatawagan ka namin, alam ko namang ikaw ang expert diyan.
Iyon kasi ang business ni Bianca, may ari siya ng isang wedding planner company. Kaya alam kong matutulungan niya kami. Tumagal pa ng ilang oras ang aming pagkukwentuhan bago napagpasyahan ni Bianca na umuwi, ayaw pa sanang umuwi ni Aria dahil gusto niya pang tumulong dito sa cafeteria pero pinilit ko siya. Since babalik na siya sa trabaho ay alam kong mas kailangan na niyang magpahinga. Inihatid ko na sila sa parking, hindi ko na din ipinasundo si Aria sa driver nila dahil ihahatid na lang daw siya ni Bianca.
Pagkabalik ko sa cafeteria ay napagpasyahan ko muna na i check ang kitchen to see if everything is fine, matapos masigurafo na okay na ang lahat ay pinasunod ko sa office ko si Trixie, my secretary.
Hmm. Trixie, I just want to thank you dahil sobrang hands on mo sa work. I owe you a lot.
Naku, sir wala po yun its my job. Sobrang nakakataba po ng puso na makita yung pinaghirapan mo na magbunga bilang isang success.
Yes. Tama ka! Sige pwede ka ng bumalik sa taas, and please bring me a coffee here. Thanks.
Okay po sir.
And ohh.. Before I forget, gusto kong magpa deliver ng bulaklak bukas sa office ni Aria. Ying favorite niyang bulaklak.
Okay sir. These are all noted.
Umakyat na si Trixie taas bago bumalik dala dala ang aking kape. Nagsimula na ulit akong magtrabaho.
Hindi ko namalayan ang oras sa sobrang busy ko. Magse -seven na pala, tiningnan ko ang aking cellphone at nakita na may iilang mensahe duon. Ang iba ay sa aking colleagues, may isang text si mama na sinabing umuwi daw ako ng maaga dahil gusto niyang mag celebrate. Nag reply ako sa kanya at sinabing susubukan ko. Meron ding text si Aria doon, sinabi niyang kung kumain na daw ba ako. I quickly dialled her number, after ng dalawang ring ay sinagot niya ito.
Good evening babe.
Good evening din, babe. Kumain ka na?
Na-uh. Not yet. Nag text kasi si mama at sabi niya maghahanda daw siya ng dinner sa bahay. Want to come?
BINABASA MO ANG
Like I'm Gonna Lose You
RomanceShe is the perfect woman. He is the perfect man. They are taking the path to forever, but as the saying goes, some good things are never meant to last. Sino ba ang nagkulang? Bakit kailangang may maiwan? Sa pagdating ng bagong pagibig, kaya bang bu...