Losing You 6

19 3 0
                                    

ARIA MARIE EVANGELISTA

Hey, Aria can you please calm down. Kanina ka pang pabalik balik diyan. Seriously, nahihilo na ako sayo.

Natatawang sinaway ako ni Bianca, andito ako ngayon sa office niya sa BGC. Nag absent ako sa trabaho ng buong araw , nagtaka pa nga si Jared kung bakit daw ako nag absent. Sinabi ko na lang sa kanya na may kailangan kaming mga bagay na dapat planuhin ni Bianca for the wedding. Kinulit pa niya ako at sinabi na baka naman pwedeng sa weekends na tapusin at para masamahan daw niya ako. Pero sa huli hindi niya ako napilit.

Okay, okay. Ano ba talaga itong sasabihin mo sa akin, kasi look hindi naman ako si madame Auring na kapag tumayo ka diyan sa harap ko ay mahuhulaan ko na agad ang gusto mong iparating.

Reklamo ni Bianca sa akin.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga, tumigil ako sa paglalakad, humarap ako sa kanya habang kinakalma ang aking sarili. Unti unti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

Yumuko ako.

Geez, Aria. You're creeping me out. Ano bang nangyayari sayo, may problema ba kayo ni Jared.

Oh my god! Don't tell me, b-buntis ka?

Gulat at natatarantang talak niya sa akin, nabigla naman ako sa kanyang sinabi at agad ko siyang hinarap.

Hindi, hindi yun. Bianca, please, just please promise me na wag mo itong sasabihin kahit kanino.

Pero, bakit, ano ba kasi to Aria, kinakabahan ako sayo eh.

Promise me.

Okay, okay. I promise! Now spill it girl, sumasakit na ulo ko.

Pinaghalong lungkot, kaba at takot ang namumuo sa akin ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya minabuti ko na humingi ng tulong kay Bianca.

Bianca, kasi this past few days. I have experience bizaare things on my body.

What do you mean?

Nararamdaman ko na sa pagdaan ng araw, parang nanghihina ang katawan ko. Madalas na maramdaman ko ang mabilis na pagka pagod. Minsan magigising na lang ako sa matinding sakit ng ulo, at kung minsan kahit sa pagbangon sa umaga ay tila ako isang lantang gulay. Natatakot ako, Bianca. Natatakot ako. Huhuhu

Napahilamos ako sa aking mukha, nakaka frustrate. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, ang kaninang takot na nararamdaman, lahat ay bumuhos sa pamamagitan ng tuloy tuloy na pagdaloy ng mga luha sa aking mata. Nakatulala lamang sa akin si Bianca na parang naguguluhan sa aking tinuran. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang aking sarili.

Like I'm Gonna Lose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon