Losing You 4

27 5 1
                                    

ARIA MARIE EVANGELISTA

Nagising ako ng maramdaman ang matinding kirot sa aking ulo. Pinilit kong tumayo para makapunta sa cr ng kwarto ko. I don't know kung ano ang nangyayari pero parang nahihilo ako sa sakit na aking nararamdaman.

Pagpasok sa banyo ay agad akong kumuha ng gamot sa medicine kit. Kumuha ako ng tubig at ininom ang gamot. Unti unti akong nahihimasmasan, napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin, hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Namumutla ako at di mawari kung bakit naramfaman ang ganong sitwasyon, ipinilig ko ang aking ulo at ng makabawi ay muling bumalik sa aking higaan. Binalewala ko ang aking naiisip at muli humiga sa aking kama. Siguro ay masyado lamang akong napagod. Nitong mga nakaraang araw kasi ay masyado akong bugbog sa trabaho.

Napagpasyahan ko na matulog muli, para makapagpahinag. Nagtext muna ako sa opisina upang makapagpaalam na hindi makakapasok.

Makalipas ang ilang oras ay nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa aking bintana. Medyo maayos na ang aking pakiramdam, bumaba ako para makakain ng agahan.

Nadatnan ko sa hapag si yaya Meding na nagliligpit ng pinagkainan. Siguro ay umalis na sina mama at papa.

Oh hija, kakain ka na? Sandali at ipaghahain kita ng agahan.

Sige po, salamat po ya. Asan nga po pala sina mama?

Naku, umalis na sila. Hindi ka na nila nahintay, hindi ka na rin nila ginising at ibinilin na lang sa akin na ipaghanda ka ng pagkain pagkababa.

Ah ganun po ba, sige po.

Ah hija, wala ka bang trabaho ngayon?

Meron po ya, pero hindi po ako papasok. Medyo sumama po kasi ang pakiramdam ko.

Lumapit sa akin si yaya Meding at agad idinantay ang kanyang palad sa aking noo.

Wala ka namang lagnat, pero maputla ka nga. Gusto mo bang pumunta sa ospital para magpa check up?

Naku ya, hindi na. Simpleng sakit lang naman. Baka puyat lang to at pagod.

Ay siya sige. Kung gusto mo sa taas na lang kita hatidan ng almusal.

Naku sige po ya, salamat po :)

Umakyat na ako sa aking silid, tiningnan ko ang aking cellphone at nakita ang mga texts doon. Tiningnan ko ang kay Jared, binati lamang niya ako ng good morning at tinanong kung nagustuhan ko ang bulaklak. Agad akong nag panic ng maalalang hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang pag absent ko. Agad kong dinial ang kanyang numero.

Like I'm Gonna Lose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon