8: One Crazy Morning

865 23 39
                                    

A/N: Salamat sa malande kong kaibigan (kilala mo kung sino ka, wag ka ng umilag.XD), nadagdagan ng kalandian ang chapter na 'to.  haha. Dami mong binigay na idea sa'kin. Salamat din sa mga bumabasa nito.  Hope you enjoy kahit super late akong mag-update. ^_^

___________________________________________________________________________

RITZ's POV

So tired... parang tinatamad akong pumasok.  Ang bigat ng katawan ko.  Well... puyat ako.  As in sobra.  Katutulog ko pa lang because of various things, including my manager.

Lass... he's really a mystery to me.  Mabilis kong nakapalagayan siya ng loob which is quite new to me.  Probably because may mga pagkakapareho kami, like what happened in the restaurant.

Usually, inuuna ng iba ang appointment nila bago ang pagkain.  But he acted the opposite.  Kaya natuwa ako sa ginawa niya.  Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit ako pumayag sa proposition niya kahit pwede naman akong gumawa ng counter plan doon.

Ngayon lang ako nakatagpo ng tulad niya.  Quite similar to me.  Exotic kasi ako.  Katulad na lang nung pangba-bribe at blackmailing niya.  Gawain ko rin yon.  And he knows so much about me that even my closest friends doesn't know about.  

Ngayon pa lang ako medyo nakakabawi ng tulog nang maramdaman kong lumundo ang kama ko.  Medyo sensitive kasi ako.  Hindi ko na sana ito papansinin nang mayamaya'y maramdaman kong may mainit na hininga malapit sa tenga ko.  That scent... it's familiar to me.

"Sleepyhead, time to wake up."

I stirred up a little.  Familiar ang husky voice na yun.  Pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko kaya hindi ko pinansin ang taong iyon.

"I'll give you a wake up kiss if you don't open your eyes."

Aba... astig din ang isang 'to.  Nagpatuloy lang ako sa aking pagtulog.  Bahala siya sa buhay niya.  Inaantok pa ako.

"Gusto mo talaga ah."

Lumundo sa parehong tagiliran ko.  Someone's on top of me.  Nararamdaman ko na yung hininga niya sa mukha ko.  Amp.  Tototohanin nga niya.  Napamulat agad ko.  Sh*t.  Hindi ko nga pala dapat binibigla ang sarili ko tuwing gigising ako.

I'm not a morning person and I have a hypotension, meaning, may low blood pressure ako.  Kaya nahilo ako sa ginawa ko.  Nang umayos ang paningin ko, saka ko lang napagmasdang maigi ang hot intruder ko.

He's wearing a fitted black sando na mas lalong nag-emphasize sa malapad niyang dibdib at sa six pack abs niya.  Pinatungan niya ito ng leopard print na jacket na nakabukas and he paired it up with a white pants.  His tantalizing deep blue eyes are sparkling under the morning sun na nagmumula sa siwang ng bintana ko.

"Good morning, sleepyhead."

He greeted as he brightly smiled at me.  Tinitigan ko lang siya.  His wheat blond hair is also glimmering which gave him an angelic effect.  Parang hindi ko kuwarto ito.

 Unti-unting nagsi-sink in sa akin ang distansiya naming dalawa.  His face was merely an inch from me.  Mabuti na lang at lumayo na din siya.  But he just stayed besides me.  Bumangon na ako.  Ano kayang ginagawa niya sa kuwarto ko?

"How's your sleep?"

"Not good."

"Gusto mo pang matulog?"

"Sure."

Akmang hihiga uli ako nang saluhin ng bisig niya ang likod ko.  He's looking down at me.  Again.

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon