13.1: Flashbacks

696 26 7
                                    

A/N: As usual, nagpapasalamat ako sa lahat ng readers ng story na 'to (kahit ano ka man.XD) dahil nai-inspire talaga ako sa tuwing dumarami ang reads, comments, likes at pati na rin ang mga fan ko.  Bilang pasasalamat, I'll start dedicating the upcoming chapters to you.  Paki-comment na lang dito (o kahit saan man na mababasa ko) kung sino ang favorite character niyo and I'll dedicate a chapter of them to you.  Anyway, just enjoy this chapter at marami pang mga darating na new characters.  Ginawa ko nga palang dalawang part ito kasi ang haba eh.  Pakihintay na lang nung next part.  ^_^

__________________________________________________________________________

RITZ's POV

Monday morning.  Nasa kotse ako ni Lass ngayon and we are on our way to my school.  It was supposed to be a normal morning but, something was bothering me.  Something that I haven't figured out.

"How's the sleep over?" tanong ni Lass sa akin as he glanced at me.  He was still oozing with sex appeal but something was off about him.

"I had fun."

"Halata naman sa'yo kahit poker face ka pa rin but..." he said as he trailed on his sentence.  "...nevermind."

I know he has something to say pero hindi niya itinuloy yon.  Kanina pa siya ganyan.  Ano kayang nangyari dito?  Mayamaya pa'y nasa tapat na kami ng university.

"As a manager, you can talk to me anytime you want.  I can be a friend, a consultant or whatever you want me to be."  He genuinely smiled at me, walang halong kaseksihan and such.  Just a pure one.  And I've only seen it today.

"You too." 

Yun lang at bumaba na ako ng kotse, only to face a familiar redhead standing a feet or so away from me.  He possesses an angelic face yet there's a hint of playfulness in his eyes.  He smiled at me.

"Hi Ri-chi.  Hi Manager Lass."

"Jan."

I was surprised to see him this early in the morning yet it came out like I was expecting to see him now.  Bahagyang nagulat siya nang banggitin ko ang pangalan niya.  Marahil ay hindi niya inaasahang makikilala ko siya.

"Well, then, ikaw na ang bahala sa kanya.  Ritz... take care." sabi ni Lass bago niya pinasibad palayo ang kotse niya.  

"Mind if I accompany you to your class?  Don't worry.  Maaga pa naman kaya makakarating ako kaagad sa klase ko."

I looked at him.  Mukhang desidido na siya so I let him.  It's not like it was a bother to me though it was on his part.  Inakbayan niya ako at iginiya papunta sa XOXO building.  As usual, masama na naman ang tingin ng mga kababaihan sa akin.  Isa ba namang member ng IP sector ang kasama ko.  Well... I'm too disturbed to mind them now.

"Hindi ka na ba ginugulo ni Silvanus?" tanong niya nang makapasok na kami sa building ng sector ko.

Bigla kong naalala yung nangyari noon sa orchard.  Yung pagtulong niya sa akin upang makalayo kay Gelo.  His affectionate and protective gestures.  His sweetness and gentleness.

"May iba na siyang pinagkakaabalahan."

"I'm glad to hear that."

Sa sinabi niyang yon, biglang pumasok sa aking isipan yung something na bumabagabag sa akin kanina.  It was all clear now.  That something was the thing that happened last Saturday sa labas ng restaurant.

*FLASHBACK*

Kalalabas lang namin ng restaurant noon.  Mabuti na lang at hindi ako napansin ng dalawang lalaking iyon.  I wonder why they were there.  Presently, Rath was holding my hand, never wanting to let me go.  Madalas naman siyang ganito kapag magkasama kami.  Kung hindi ganito, nakaakbay naman siya sa akin.

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon