16: After Party

791 33 20
                                    

A/N:  Hope you enjoy this. Pa-vote tsaka pa-comment na lang po.  Wanna know what you think of this story. ^_____^

---->Kung may extra time pa kayo, pabasa na lang po ng Break it even... ni AyuKanmuri at  A Thousand Reasons ni ayaamamiya.  On-going pa po yan pero maganda po yung stories nila.XD

----->Dedicated to sa kanya for always waiting for my updates.  Thanks a lot. ^_______^

____________________________________________________________

Nakakailang pindot na ako sa doorbell pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.  Hay... bad trip.  Hinila ko na palayo sa lugar na yon ang kapatid ko but she didn't even move a bit.  When I looked at her, she seemed a little...dazed?  What the heck?

"Ate... wala bang pangit sa school niyo?"

Ha?  Ano bang pinagsasasabi nito?

"Or am I just dreaming right now?"

Tsk tsk.  Binatukan ko nga siya nang matauhan.

"Still dreaming?"

"Aray naman!" sabi niya sabay-himas sa ulo niya.  "Kailangan ba talagang may ganun?"

"Aalis na ba tayo o iiwan na lang kita dito?"

"Eh kasi Ate---"

"RITZ!!"

Ha?  Napalingon ako sa tumawag sa'kin.  It was... Gelo?  Anong ginagawa niya sa bahay ni---?  I looked at him from top to bottom.  Hm...

His hair was sticking at different directions and his polo was left unbuttoned.  Hindi naman masyadong halata na kagigising lang niya. (note the sarcasm)  Hay... siya pala ang dahilan...  Lumapit ako sa kanya with my lil sis following after me.

“Si Destiny?”

“Andun, tulog pa yata.”  He glanced at my back.  “Kapatid mo?”

“Hindi ba halata?”

“Actually, she looked like your mini version.  Minus the emotionless face.”  He grinned at me.

“Yeah right.”

“Ahm… tuloy muna kayo.  At pasensya na rin kung magulo ang madadatnan niyo.”

He led us to the living room.  Like what he said, sobrang gulo nga doon.  Animo’y may naglarong mga batang paslit sa lugar na yon.  What the heck really happened here?  I walked towards the sofa at nakita kong nakahiga sa paanan nun si… Jiro?

“Oh!  May bisita pala tayo.”

It was Timothy.  And he was shirtless kaya kitang-kita ko yung tattoo sa left arm niya.  Galing siya sa kitchen at may dala pa siyang pagkain.

“Hoy!  Laway mo.” sabay-siko sa kapatid ko na nakatunganga kay Timothy.

Aw!  Sorry naman.  Ang hot niya kasi eh.”

Tsk tsk.  Nakakahiya talaga ‘tong kapatid ko.  The guys just gave her a soft smile.

“Sinu-sino kayo dito?” tanong ko.

“Ah… the girls at kaming tatlo nila Jiro.” -Gelo

“Yung parents ni Destiny?”

“Nasa ibang bansa sila.  Business trip.  Tapos day off naman ng mga maid nila.”

“Hanep!  Parang boyfriend lang ah.”

I shush my lil sis.  Minsan talaga ang hilig niyang magkomento sa mga bagay-bagay.  Pero parang ok lang yun kay Gelo.  Hm…

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon