9: One Sweet Afternoon

809 24 19
                                    

A/N: Every week lang po ang update ko.  Kung sisipagin, baka dalawa sa isang linggo.  So please bear with me.  Thank you sa lahat ng suporta ninyo.  Hope you enjoy this. ^_^  Pakitingin na lang po ng translation sa pinakababa.

____________________________________________________________________

DESTINY's POV

Yo!  Kauna-unahang POV ko ito so be nice to me.  Joke!  Anyway, I'm Destiny Montez and 4th year high school nang maging magkaibigan kami ni Ritz.  Actually, freshmen pa lang kami, kilala ko na si Ritz.  Ipinakilala siya sa akin ng isang kaibigan ko na kaibigan din niya.  Hindi nga lang niya iyon natatandaan.

So much for the introduction.  Nandito kami ngayon sa school cafeteria at nagfo-foodtrip.  Ganito kami kapag walang ginagawa.  Syempre may kasamang daldalan at asaran.  Si Ritz naman, kain lang ng kain.  Ganoon talaga yon kapag kaharap ang pagkain.  Parang may sariling mundo sila ng pagkain.

May secret nga pala akong ise-share sa inyo about kay Ritz at hindi niya ito alam.  Almost lahat ng lalaki sa previous school namin ay may crush sa kanya.  Mas maayos ang hitsura niya noon.  Anyway, ilag lang sila sa kanya dahil may pagka-snob ang friend ko.  Muntikan pa nga siyang isali sa isang beauty pageant kung hindi lang siya absent ng almost isang buwan noon.  Nagkasakit daw siya.

"So Ritz, kailan ba kami uli makapupunta sa inyo?  Nami-miss ko na ang younger bro mo." -Shinee

Ang lakas talaga ng tama ni Shinee sa younger brother ni Ritz.  Naaalala ko pa noong unang punta namin sa bahay nila.  Naramdaman lang namin ang kanyang presensya nang maghatid ito ng merienda sa amin.  Nagulat pa nga kami noon dahil hindi ito nagpapakita sa amin.  

Ang sabi pa ni Shinee noon sa akin, baka nahihiya daw ito sa hitsura niya kaya hindi ito makapagpakita sa amin.  You know what I mean, right?  Pero kinain niya ang mga sinabi niya tungkol dito nang ihatid kami nito hanggang sa gate nila.  Doon lang namin nasilayan ang mala-Diyos na kagwapuhan nito.

"Oo nga, Ritz.  Naku-curious na talaga ako sa kapatid mong yon." -Shawn

"Sisiguraduhin ko munang wala siya sa bahay bago kayo pumunta." -Ritz

"Ay ang mean!" 

"Masyado ka namang selfish sa kapatid mo.  I-share mo naman." 

"Yuck Shinee!  Ano ba yang mga pinagsasasabi mo?  Kilabutan ka naman." -ako

"Nagsalita ang banal.  Eh sino ba ang unang nagnasa sa katawan niya?  Di ba ikaw?"

"Kaya nga tumigil sa'ko, di ba?  At saka, mahiya ka naman kay Ritz.  Umay na umay na yung tao."

"Oh yeah!  Sino ba kasing nagsimula nito?"

"Ikaw!"

Sabay pa kami ni Shawn.  Ito talagang si Shinee, basta't lalaki, walang palalagpasin na kahit sino.  Maging ako rin naman ay nabighani sa angking kagwapuhan ni Rath.  But I have limitations.  Kaya hanggang paghanga lang ako.

"Ok.  Ako na ang pasimuno.  Kaya para sa ikabubuti ng lahat, let's change the topic, ok?"

"Yung matinong topic naman." -ako

"Hm... let's see."  Saglit itong nag-isip.  "Ok.  Ritz, ano na palang nangyari sa 1st suitor mo?"

"Suitor?"

"Si Angelo Silvanus.  Remember him?  Dati parang laging nakabuntot yon sa'yo.  Ikatlong araw pa lang, sumuko na agad siya?"

Nagkibit-balikat lang ito.  Mukha naman kasing hindi ito interesado sa Angelo na yon.  Kunsabagay, mahirap paniwalaan na magkakagusto ito kaagad sa kanya dahil na rin sa popular ito.  Hindi ito ang tipong mala-love at first sight.  I do think he has a motive.  Kaya wala akong katiwa-tiwala sa lalaking iyon.

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon