19: The New Girl

605 24 22
                                    

A/N:  Sorry kung minadali ko.  May pupuntahan pa kasi ako.  Hope you like it and enjoy!  Vote and comment na lang. ^___________^

___________________________________________

Presently, nasa shooting ako ng BLW.  Nandito kami sa... ahm... Denver University yata ang name ng campus na’to.  And right now, I think balik na kami sa pagiging civil ni Jin, meaning, magpapansinan lang kapag kinakailangan.

Ewan ko ba sa taong yon.  Minsan, parang close kami.  Like that time.  Then all of a sudden, parang hindi na kami magkakilala.  So I chose to not mind him nang hindi na ako naguguluhan.

As of now, officially friends ko na sina Via and Suzy, Azusa’s nickname.  I have learned a lot about them at naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganun ang ikinikilos nila.  Kahit na ako ang pinakamatanda sa aming tatlo, parang bata naman kung itrato nila ako.  Well... they are more experienced than me in a lot of fields kaya sila ang nagpapayo sa’kin.

“Totoo ba talaga yung sinabi mo kanina?” tanong ni Azusa.  We’re on a break right now.

“Yah.  1st year nangyari yon kaya di mo alam.” –Via

“So tama talaga yung hinala ko noon.  Pero... bakit ganun ka niya tratuhin?”

“Ewan ko.  As far as I know, siya ang may kasalanan sa’kin, hindi ako.”

“Baka naman may feelings pa rin siya para sa’yo and he’s just too stubborn to admit it.” singit ko.

“You mean, he’s doing that para magpapansin kay Via?”

“Wel... baka lang naman.”

“Nah.  Habit lang talaga nun na sirain ang araw ko.  At isa pa, hindi makikipag-flirt yun sa iba kung may nagugustuhan na siya.”

“Paano ka naman nakasisiguro diyan?” –Suzy

“We’ve been together for a year and a half, remember?  Halos kabisado ko na ang ugali niya, especially his weaknesses.”  She gave us an evil grin.

“Cool.”

By the way, we’re talking about Via and Jiro’s past.  Kaya pala parang aso’t pusa sila ay dahil sa bitter past nila.  Via said she has moved on, as well as Jiro, at wala na daw pag-asa na magkabalikan uli sila.  But I do think may feelings pa rin sila sa isa’t isa and their big ego are the ones stopping them.

“Enough of me, ok?  Umiinit lang ang ulo ko kapag naaalala kong pinatulan ko ang siraulong yon.”

“Bitter.” –Suzy

Via rolled her eyes.  “Like I am.  Anyway, bakit nga pala secret ang relationship ninyo ni Tim?”

Actually, nadulas lang naman si Suzy nang mabanggit niyang si Timothy ang boyfriend niya kaya ayun, napilitan siyang magkwento sa’min.  Kahit kailan, hindi ko nahulaan na may relasyon silang dalawa.  They looked like simple friends to me.

“Hindi naman secret yon.  We just want a peaceful environment, yung walang mga intriga, so we’re keeping our relationship as quiet as it can be.  Pero kung malalaman man ng iba, well, ok lang din yon.”

“Wow showbiz!”  Then  binalingan ako ni Via.  “Ahm... Ritz, ok lang namang magtanong kami ng something personal sa’yo, di ba?”

“Of course.”

“Well... we’ve been wanting to ask you this so...”  She twiddled her fingers for a while.

“So?”

“What’ your score between the twins?”

“Ha?”

“Oh c’mon Ritz!  Alam naming may something sa inyo nung kambal.  So... what is it?”

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon