3: Weird Guy

838 20 13
                                    

A/N:  Pa-vote, pa-like tsaka pa-comment na lang po.  Keep reading. ^_^

______________________________________________________________________________

RITZ's POV

Kasalukuyang naglalakad ako dito sa orchard dahil bored na bored na ako nang may tumawag sa phone ko.  Si Mama!  Bakit kaya?

"Ritz, umuwi ka agad ng bahay after ng klase niyo."

"Bakit po?"

"Humihingi ng favor yung tita mo.  Pakidala daw ng papers niya sa GBS."

GBS?  Yun yung pinakakilala at pinakasikat na TV network dito sa bansa ah.  Bigtime pala itong tita ko.

"Hey Ritz!  Andyan ka pa ba?"

"Ah opo.  Sige po.  Uuwi po agad ako."

Ibinaba niya agad yung phone.  Hay... hindi pala ako makakagala ngayon.  Kung bakit naman kasi hindi na lang siya yung magdala eh.  Anyway, naramdaman ko na lang na bumagsak na pala ako sa ground face down.  Hindi naman ako clumsy.  Ganyan lang talaga ako ka-oblivious sa surroundings ko.

Hindi ko napansing may paa palang nakatago sa may bush sa tabi ng dinaraanan ko.  Umupo ako at pinagpag ko ang damit ko.  Nasugatan tuloy ang kamay at tuhod ko ng itukod ko iyon para hindi tumama ang mukha ko sa lupa.  Kahit papaano ay mabilis pa rin naman ang reflexes ko.

Mukhang nagising naman yung taong nakatago dun.  Bigla siyang bumangon at napatingin siya sa'kin.  Ang dami palang gwapong nilalang sa school na 'to.

"Sorry.  Hindi ko sinasadyang gisingin ka."

Eto na naman ako.  Nagso-sorry kahit ako na yung nasaktan.  Habit ko na kasi yun eh.  Para walang away.  Tinitigan niya lang ako.  I felt awkward kaya akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako.  Naglabas siya ng panyo at pinunasan yung mukha at kamay ko.

"Sorry."

"It's ok.  Kasalanan ko naman 'to."  Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko eh.  Tinatanggal niya yung mga tuyong dahon sa buhok ko. 

"Kaya mo ba?"  I nodded at him.  Tinangka ko uling tumayo pero napaupo rin naman ako kaagad.  Mukhang malala yung tama ng tuhod ko.

"Dalhin na kita sa clinic."

"Wag na.  Kaya ko ang sarili ko."  Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.  Syempre, hindi niya nakita yun because of my poker face.  Dinala niya ako sa clinic at ginamot naman ako nung nurse.  Tinawagan ko si Shinee.

"Asan ka na ba?"

"Nasa clinic ako."

"Anong ginagawa mo diyan?  May naghihintay kaya sa'yo dito."  Mas inalala pa niya talaga yun kaysa sa'kin.

"Nagalusan lang ng konti.  SIno ba yan?"

"Yung na-meet mo kaninang umaga."

"Si Angelo?"

"Sino pa ba?"

"Ano raw kailangan niya?"

"Malay ba namin.  Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

"Nadapa ako."

"Ay sus!  Ang clumsy mo talaga.  Diyan ka lang.  Pupuntahan ka namin." At binabaan na niya ako ng phone.  Hay... Ang disastrous naman ng first day ko.

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon