Chapter 3: Camp John Hay

315 8 0
                                    

Afternoon na nang dumating sa Baguio sila Hans, Yaya Pearly at ang maid na si Precy.

Sumakay sila ng taxi patungong Camp John Hay. May bahay bakasyunan sila doon. 

Nakakapanibago.

Hindi mainit.

Sariwa ang hangin.

Tahimik.

Ang bahay bakasyunan nila Hans ay dalawang palapag na cottage.

May pitong kwarto ito na may kanya-kanyang comfort room, patio, veranda, garden, game room, den, surround sound movie theater at library.

Si yaya Pearly ay may sariling kwarto.

Mula ng ipinanganak si Hans, si yaya Pearly na ang nag-alaga sa kanya. Sya na ang tumayong magulang nito dahil ang daddy ni Hans ay laging out of the country dahil sa business nila.

Ang mommy naman ni Hans, walang oras para alagaan ang bata.

Lumaki si Hans ng maayos dahil sa paggabay ni yaya Pearly, hindi spoiled brat si Hans. May disiplina sa sarili.

Sa mansion ng mga Nakamoto, si yaya Pearly din ang Mayordoma. Lahat ng mga tauhan sa mansion, sya ang may "say", sya lang ang sinusunod.

Hindi pinapakialaman ng mag-ama kung paano i-handle ni yaya Pearly ang mga tao nila.

Workaholic tong si Mr. Nakamoto.

Nagkakasama lang ang mag-ama twing breakfast and dinner, swertihan pa yun at hindi pa araw-araw pero naiintindihan naman yun ni Hans.

"Precy, gusto mo ba na may sarili kang kwarto?"

Tanong ni Hans sa kasambahay.

Tumingin si Precy kay yaya Pearly.

Tumango si yaya Pearly.

 "Opo"

"Yaya, kaw na bahala kay Precy ha. Akyat muna ako sa kwarto ko"

"Sige ako na bahala dito"

 ______

Hans unpacked her bags. Then suddenly, her phone rings...
Si Nervin...

{Dude, bakit hindi ka pumasok? Okay ka lang ba? May sakit ka ba or something? You want us to get you anything? Send ko na lang sa email mo yung mga notes for today that you missed}

"Andito ako sa baguio ngayon"

{Ano?! Kelan pa?}

"Kadarating lang namin"

{Bakit?}

"I need this dude. To get away from it all... for now..."

{Janna?}

"yup"

{Hindi mo na mahintay ang sembreak? Two weeks na lang oh. Pagkatapos ng exams pwede ba kami umakyat din ng Baguio dyan kami stay ni E.J.?}

"Sure! Walang problema! Kaw Snickers, nagpaalam pa talaga sa akin"

{Syempre naman dude! para ka namang others. hehehe}

"See you in two weeks, then?"

{yup!}

"Laters, Snickers!"

{Laters dude. Bye!}

CALL ENDED

Pinagpatuloy na ni Hans ang ginagawa nya bago tumawag si Nervin. After unpacking, humiga muna si Hans at umidlip saglit. Napagod sa byahe. Seven hours ba naman kasi mula Manila to Baguio. Kahit na sa Deluxe pa sila sumakay.

The Billionaire's Daughter (GxG) [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon