Chapter 1 : Confessions of a drug addict
Kasalukuyang Nakaupo si Greyson sa kanyang kama .Dahan-dahan nyang dinidiin ang hawak nyang bulak na basang basa ng alcohol sa kanyang mukha .
Bawat pagdampi nito sa kanyang balat ay hindi nya maiwasang mapangiwi sa hapdi .
bigla na lamang siyang napatigil sa biglang pagbukas ng kanyang pinto .
" P-Papa " Nanlalaking mga mata at gulat na gulat na sambit ni Greyson .
Walang sali-salita ay itinaas ng kanyang ama ang damit na suot at tinanggal ang suot na sinturon . " Walang hiya kang bata ka ! Kung ano-ano na namang katarantaduhan ang ginagawa mo ! Dapa ! "
Utos ng kanyang demonyitong ama na walang ginawa kung hindi pahirapan siya simula pagkabata . Nalaman siguro nito na nasangkot na naman sa gulo si Greyson .
Kahit hanggang ngayong labing anim na taon na siya ay nagagawa pa rin ng kanyang ama na hampasin siya ng sinturon .
" P-pero papa-- " Sinusubukang magdahilan ni Greyson pero wala siyang nagawa . Pwersahan siyang pinadapa at pinaghahampas ng sinturon .
" Aray ! Huhuhu ! Tama na po ! Maawa po kayo ! " Pagmamakaawa ni Greyson , Pero walang habas pa ring pinagpatuloy ng kanyang walanghiyang ama ang paghampas dito ng sinturon .
Damang dama ni Greyson ang bawat pagpalo dahil naka-short lamang siya . Lumalatay sa kanyang mga hita ang bawat pagpalo ng kanyang ama .
Walang nagawa si Greyson kung hindi ang tumungo na lamang habang nakadapa . Pikit mata at kagat labi siyang umiiyak para kahit papaano ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman .
Napamulat si Greyson ng sa isang iglap ay wala na siyang nararamdamang pagpalo .
Narinig nyang may kausap ang sa telepono ang kanyang ama .
" Swerte ka pa ngayong bata ka " Banta ng kanyang ama sa kanya na parang nagsasabing hindi pa tapos ang pagpaparusa sa kaawa-awang binatilyo .
Ilang saglit pa ay umalis na ang kanyang ama . Naiwan si Greyson mag-isa sa kanyang kwarto na humahagulgol sa pag-iyak . Wala siyang kakampi sa bahay na iyon miski ang kanyang ate at kuya .
Kahit ang mga katulong na awang-awa na sa kalagayan ni Greyson ay hindi nila magawang tulungan ang kaawa-awang binatilyo .
Buong pamilya nya ay sya ang sinisisi dahil sa pagkamatay ng kanyang ina . Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipinanganak , kaya naman sanggol pa lang ay hindi na sya kinikilalang anak ng kanyang ama , at hindi rin sya itinuturing na kapatid ng kanyang mga kapatid .
Marangya ang pamumuhay nina Greyson , Ang Ama nito ay isang Supervisor ng kompanya , Ang kuya naman nito ay isang Promotional model ng isang clothing company , at ang ate naman nito ay isang Chef sa kilalang restaurant .
Dahil nga hindi sya tanggap ng kanyang ama , Lumaki si Greyson sa piling ng mga magulang ng kanyang ama , Pero dala na rin ng katandaan , sa Edad na animnapu't pito ay pumanaw ang kanyang Lola sa sakit na Leukemia , apat na taon siya noon . Makalipas ang tatlong taon taon , Sumunod naman ang kanyang Lolo . Wala itong sakit pero dala na rin ng katandaan , Pumanaw ito sa edad na pitompu . pitong taon noon si Greyson .
Dahil walang nais kumupkop kay Greyson , Labag sa loob na kinuha ng kanyang ama si Greyson at pinatira sa kanilang bahay . pitong taon siya ng tumira sa bahay ng kanyang ama at ngayon ay labing anim na taong gulang na siya . Sa madaling salita , siyam na taon na siyang nabubuhay sa impyerno .
" Bakit ba ako na lang lagi ? Bakit ba lagi na lang nila ako sinasaktan ? Kasalanan ko bang mamatay si Mama pagkatapos akong ipanganak ? Sila lang ba ang namatayan ? Namatayan din naman ako eh , Pare-parehas lang kaming nawalan " Tanong ni Greyson sa sarili nya habang nakasandal siya sa ulunan ng kanyang kama at umiiyak .