Nagising si Greyson na walang saplot sa katawan . Nakatakip lamang sa maselang bahagi ng kanyang katawan ang kanyang damit .
Pinilit bumangon ng binatilyo kahit na kakaibang sakit ng ulo ang kanyang nararamdaman . Iginala ni Greyson ang kanyang dalawang mata , napansin niyang malinis na ang kubo na kagabi ay puno ng mga alak at pagkain .
At ang babaeng kasiping nya kagabi wala na rin . Napansin ni Greyson ang isang kalakip na sobra na nakapatong sa lamesa .
Minabuting kunin iyon ng binatilyo at tiningnan kung ano ang laman ng sobre .
Salamat sa isang gabi ng kasiyahan kaibigan , sayang at hindi ako nabigyan ng pagkakataon na malaman ang pangalan mo , kung binabasa mo man ito ngayon , sana'y masaya ka na . Hanggang dito na lamang , nawa'y sumaya ka pa lalo sa mga bagay na iiwan ko sayo kalakip ng sulat na ito
- Aliza
Napansin ni Greyson ang ilang pakete ng droga ang kasama ng sulat na iyon . Tuwang tuwa si Greyson , sa buong buhay nya ay ngayon lamang siya ngumiti ng ganoon . Para sa kanya , wala ng mas hihigit pa sa nararamdaman nyang tuwa ngayon .
Napabalikwas si Greyson sa pagkakaupo ng tumama sa mukha nya ang sinag ng araw , mataas na pala ang araw .
Dali-dali niyang isinuot ang kanyang damit at kaagad na umalis sa kubong iyon .
Habang naglalakad siya ay pagala-gala ang kanyang mata , nagbabakasakaling makita nya ulit si Aliza .
Pero nabigo siya , ni anino ni Aliza ay hindi man lamang niya nasulyapan .
Nalungkot siya ng bahagya sapagkat ang babaeng nagpasaya sa kanya , ay biglaan na lamang naglaho na parang isang bula .
Binilisan ni Greyson ang paglalakad , Naalala nyang nasa bahay nga pala ang kanyang Ama , pati na rin ang kanyang dalawang kapatid .
---
Kabadong ipinihit ng binatilyo ang Door knob ng pintuan . Hindi muna siya pumasok , Isinilip muna niya ang kapirasong mata sa siwang ng pintuan .
Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita . Nakaabang na ang kanyang Ama na hawak ang sinturon nito , at ang kanyang kuya na inuunat unat ang kamay . Ang ate naman nito'y may dalang walis tambo .
Gusto nyang umatras at tumakbo na lamang pero hindi maaari , wala siyang titirahan at wala din siyang dalang pera .Walang nagawa ang binatilyo kung hindi pumasok na lamang .
" Ang lakas din naman ng loob mong umuwi ! " Wika ng demonyong ama nito na sabay suntok sa binatilyo .
Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok nito ay napahiga ito sa sahig . Nagaganap na naman ang kinatatakutan nya .
Hinahampas siya sa hita ng sinturon ng kanyang ama , may pagkakataon namang ang kanyang kuya ay tinatadyakan sya kanyang ari .
Sa sobrang sakit ng palo , suntok at tadyak na kanyang natatamo ay napapapikit na lamang siya .
" Yan ang bagay sayong bata ka ! Malas ka sa pamilyang ito ! " Galit na wika ng kanyang demonyitang ate .
Pinipilit din ni greyson na isara ang kanyang tenga upang hindi marinig ang mga salita ng kanyang ate . Para sa kanya , mas masakit ang mga salita nito kaysa sa mga suntok at tadyak na natatamo nya sa kanyang ama at kuya .
Hindi pa nga gumagaling ang mga sugat nito sa mukha at hita ay meron na namang panibago .Namumula na ang hita ni Greyson , Pero wala pa ring tigil ang kanyang ama sa pagpalo dito .