Epilogue

102 5 4
                                    

Pagkalipas ng isang oras , nagising si Charlotte mula sa mahimbing na pagkakatulog .

Pero sa kasamaang palad , Hindi na muling naimulat ni Greyson ang kanyang mga mata .

Labis na galit at inis sa sarili ang naramdaman ni Charlotte dahil sa pagkamatay ni Greyson .

" Greyson ! Gumising ka pakiusap ! Gumising ka ! Gumising ka ! " Sigaw ni Charlotte sa malamig na bangkay ni Greyson . 

Pero kahit na ano pa mang lakas ng sigaw niya , malabo ng marinig pa ni Greyson ang lahat ng mga hinaing nya .

Nakatingin lamang sa kanya ang mga kasamahan niya habang humahagulgol siya sa pag-iyak .

Halos mabasa ang puting sapin ng kama ni Greyson dahil na rin  sa dami ng luha na ibinuhos ni Charlotte .

" Charlotte , kailangan na naming takpan ang katawan ni Greyson , Magpaalam ka na " Wika ng isa sa kanyang mga kasamahan .

Walang sali-salita ay kaagad na niyakap ni Charlotte ang malamig na bangkay ni Greyson . Hindi alintana para sa kanya ang mabahong amoy nito .

" Greyson ! mapatawad mo sana ako sa kapabayaan ko !  " Malakas na sigaw nito habang nakayakap sa malamig na bangkay ni greyson at walang patid ang kanyang mga mata sa pag-iyak .

Ilang saglit pa ay kinakailangan ng takluban ng puting kumot ang katawan ni greyson .

Wala ng nagawa si Charlotte kung hindi  ang  umiyak ng umiyak .

Pinili na rin ng mga kasamahan nitong nurse na itapon at sunugin ang lahat ng gamit ni Greyson dahil na rin sa mga amoy nito .

Nang mapansin ni Charlotte na hawak hawak ng isa nyang kasamahan ang notebook at ballpen ni Greyson ay kaagad niya itong pinigilan .

Ibinigay naman sa kanya ito ng kanyang kasamahan pagkatapos ay lumabas na ito .

Siya na lamang ang tao ngayon sa kwartong iyon . . 

Niyakap ng sobrang higpit ni Charlotte ang notebook na parang si Greyson na rin ang kanyang kayakap .

Wala pa rin itong tigil sa pag-iyak pero sinisigurado niyang hindi mababasa ng kahit na isang patak ng luha ang notebook na iyon .

Sa pangatlong pagkakataon , nagpasya muli itong buksan ang notebook . Pero hindi tulad ng dati , ngayon ay mayroon ng nakasulat sa notebook .

Im a blacksheep .

 My name is always involve in a trouble 

 I have a girlfriend , but she broke up with me .

 My mother was die after i born .

 My father always hit  me with his belt since when i was a child .

 My brother always punched and kicked me behind my back .

 My sister always throwing bad words to me infront of other people .

 Im tired living in this cruel life . I want a friend , a true friend .

 Anyone , Please ! Im begging you , please comfort me .

 I need a shoulder to cry on . 

 I can't take this problem anymore 

 So Please , Help me .

 I dont want to be alone anymore .

 I want to escape in this Hell !

 Please ! take my hand and lead the way to heaven ,

 Before its too late . . .

Lalong napalakas ang iyak ni Charlotte ng mabasa ang mga sinulat greyson sa kanyang notebook .Kahit na iwasan nyang mabasa ang notebook , nabasa pa rin ito dahil sa tuloy tuloy na  pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata .

Muling binuklat ni Charlotte ang notebook .

its not too late , 

because charlotte hold my hand ,

and lead the way to heaven 

Napayakap lalo ng mahigpit si Charlotte sa notebook , hindi na napigilan nito ang sumigaw dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman .

Halos mabasa na rin ang ilang pahina ng notebook dahil sa walang patid na pagpatak ng luha nito .

Muli nyang binuklat ang kasunod na pahina , pero nakita nyang wala na itong sulat .

Nagpasya syang isarado na ang notebook ,

ngunit bigla na lamang umihip ang isang malakas na hangin .

Kinilabutan si Charlotte sa naramdaman . Halos magtayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan dahil sa hangin na dumaan sa kanyang batok .

Dahil papaano nga naman papasok ang hangin sa isang kulob na lugar ?

Napansin ni Charlotte na nakabukas ang notebook samantalang kanina lamang ay isinara nya ito .

Napansin rin nyang iyon na ang ikahuling pahina at may isang maikling mensahe na nakasulat .

" Ti'll we meet again , Charlotte "

---

AN : Hello ! Maraming maraming maraming salamat sa lahat ng bumasa ng istoryang ito ^____^

Salamat sa inyong lahat ! Godbless !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confessions Of A Drug AddictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon