1st day up to 1st week in Rehab *
Ang unang araw ni Greyson sa Rehab ay hindi ganoon kadali . Halos hindi siya makausap ng mga tao , May pagkakataon pa nga nanununtok siya ng walang dahilan .
Kumakain ito sa tamang oras ngunit tuwing gabi ay umuungol ito . Ibig sabihin lamang ay hindi kaya ng kaawa-awang binatilyo na hindi makatikim ng droga .
Halos mahirapan na rin ang kanyang mga taga-alaga dahil kahit anong pilit dito ay ayaw nitong maligo . Masangsang pa ang amoy nito sa patay na daga .
Dahil sa hindi na matantsa ang binatilyo ng kanyang mga tagapag-alaga , may oras na kinukulong ito sa saradong balkonahe ng halos isang buong araw na walang kain at walang ligo .
Sari-saring nakakadiring sakit sa balat na rin ang nakuha ng binatilyo . Isa na dyan ang gasgas . Idagdag pa ang mas lalong paglala ng kanyang Skin asthma .
Laging tamang hinala si Greyson . Isang kulbit lamang ay magugulat na siya at magiging histerikal . Dumating na nga sa puntong muntikan na siyang makapatay dahil sa sobrang paghihinala .
2nd week ( The last week)
Hindi na kaya ng kanyang mga tagapag-alaga ang binatilyo .Imbis na gumaling ito ay lalo lamang itong lumalala .
Lagi itong kabado na animo'y parang may masamang gagawin ang mga tao sa paligid nya . Isang pagaspas lamang ng hangin ay magugulat na ito at magsisigaw ng " Wag kang lalapit ! Wag kang lalapit ! " Paulit ulit nyang sinasabi ang mga katagang iyan hanggang sa mapagod ito .
Malnourish ? Iyan ang tamang salita na pwede mong ilarawan sa katawan ni Greyson . Halos wala na siyang balat ! Buto na lahat ! Kapag nakahubad ito ay kitang kita ang bawat buto sa kanyang katawan .
Laging nakatulala si Greyson , Minsan ay iiyak ito ng walang dahilan minsan din naman ay tatawa .
Walang makalapit sa kanya sapagkat nagiging marahas ito kapag may lumapit na tao sa kanya .
Naging mas lalong matatakutin si Greyson ,Lalo na tuwing sasapit ang kalaliman ng gabi . Nagigising na lamang ang lahat ng tao dahil sa kanyang malakas na pag-iyak sa kalagitnaan ng gabi .
" Wag nyo kong lalapitan ! Wag nyo kong lalapitan ! Natatakot ako sa inyo ! " Yan ang mga katagang laging sinasambit ng binatilyo tuwing siya ay umiiyak sa hatinggabi .
Inamin ng mga taga Rehab center na sa mga awtoridad na hindi na nila kayang tiisin pa ang mga inaasal ng binatilyo .
At sinabi pa nito na sa kalagayan ngayon ni Greyson , ay hindi sya sa Rehab nababagay . Kung hindi sa Mental Hospital .
Kinaumagahan din , Pagkatapos ng ikalawang linggo nya sa Rehabilitation Center ay itinurn-over ito sa isang Mental Hospital .
Nagpadala ang Hospital na pagdadalahan kay Greyson ng mga Nurse na susundo dito , Pero hindi naging ganun kadali ang lahat .
Pahirapan bago pa nila makuha si Greyson . Sa tuwing lalapitan nila ito ay binabato sila ng binata ng kung ano mang gamit na madampot nito , naibato na nito lahat , maliban lang sa kanyang ballpen at notebook .
Nang makakuha ng tsempo ang mga Nurse ay sinunggaban nila ito at tinurukan ng pampatulog .
Ilang saglit pa ay bumagsak na ito . Sa maniwala man kayo o sa hinde , ito ang unang beses na nakatulog siya ng maayos sa loob ng mahigit dalawang buwan !
Hindi man sabihin ng mga taong nakakakita sa mga nangyayari , bakas na bakas sa mga mata nito ang awang nararamdaman sa binatilyo .
Napansin ng isang babaeng Nurse na On the Job training pa lamang ang notebook at ballpen na nasa ulunan ng higaan ng binatilyo .