Chapter 5

83 4 0
                                    

Isang linggo ang nagdaan na si Charlotte ang  nag-aasikaso kay Greyson . Unti unting nabawi ni Greyson ang kanyang nawalang lakas .

Hindi na rin siya kasing dumi ng dati . Mahimbing na siyang nakakatulog  kapag katabi si Charlotte .

Hindi na siya ang dating tamang hinala . Hindi na rin nya sinisisi ang diyos sa mga kamalasang nangyari sa kanya sa halip , natuto itong magdasal .

Unti-unting umaayos ang kalagayan ni Greyson . Unti unti nang bumabalik sa kanya ang kanyang katinuan .

Pinuri si Charlotte ng kanyang mga kasamahan at nakatataas na doktor . Labis naman ang tuwa ni Charlotte dahil unti-unti ng umaayos ang kanyang pasyente .

Hanggang sa isang araw , ay may natanggap na text si Charlotte sa pamilya nila sa Cebu , namatay ang kanyang pinakamamahal na ina . Kailangan nitong makauwi sa madaling panahon kaya naman agad itong nagpaalam sa kanyang Doktor .

" Ma'am , kailangan ko pong umuwi ng Cebu , pumanaw po ang mama ko . Pinapangako ko pong pagkatapos ng isang linggo ay babalik din ako " Pagmamakaawa ni Charlotte sa kanyang among doktor .

" Eh paano naman si Greyson ? " Kunot noong tanong ng doktor sa kanya .

Napaisip naman ng ilang segundo ang dalagita sa sinabi ng doktor .

" Ipaubaya nyo po muna sya sa iba , dun po sa mas magaling at sa may experience " 

" Oh sige , lakad na . Umalis ka na , mag-ingat ka sa biyahe " 

Noong araw din na iyon ay nilisan ni Charlotte ang Hospital at pumunta ng Cebu na hindi nalalaman ni Greyson  .

At ganoon nga ang ginawa ng Doktor . Pagkaalis na pagkaalis ni Charlotte ay nag-assign kaagad ito ng mag-aalaga kay Greyson . Ang pinili ng doktor ay yung mas batikan at malaki na ang experience sa pag-aalaga ng mga taong wala sa tamang pag-iisip .

Pero ang batikan na nurse na iyon , ay nagmukha lamang baguhan pagdating kay Greyson . Hindi nya ito maalagaan ng ayos . Mahawakan man nila ang dulo ng daliri ng binata ay siguradong magkakaroon muna siya ng sugat sa mukha .

Labis na ikinagulat ng doktor ng sabihing napaka-agresibo kumilos ni Greyson , Sapagkat nung si Charlotte ang nag-aalaga dito ay daig pa nito ang isang maamong tupa .

Napilitang ayawan ng Nurse na ipinalit ng doktor si Greyson . Dahil sa nangyaring iyon , Napilitan siyang humanap ng panibago . Sunod nyang pinili ay ang pinakamatandang nurse sa kanilang hospital , marahil ang nurse na iyon ang maituturing na  pinakamagaling mag-alaga sa mga taong may kakulangan sa pag-iisip .

Pero ganoon din ang nangyari . Hindi nito kayang pakainin si Greyson , lahat ng pagkaing pinapakain nya dito ay sinusuka lamang ng binata . May pagkakataon pa ngang itinatapon nya ang plato .

Ganun din sa paliligo . Hindi ito mapaliguan ng ayos , mabuhusan mo man ito ng tubig , siguradong basa ka na dahil sa sobrang gaslaw ni Greyson . At mas lalo pa itong nagiging agresibo , nagtamo ang matandang nurse ng malaking sugat sa braso dahil sa kalmot ng binata .

Tulad ng nauna . Hindi rin  kinaya ng matanda ang ugali ni Greyson , Labis nilang ipinagtataka kung paano napapaamo iyon ni Charlotte .

Wala ng pagpipilian ng doktor , Kailangan ay siya na mismo ang mag-alaga sa binatilyo .

Pero katulad ng nauna at pangalawa .  Hindi rin nito kinaya ang asal ni Greyson . Habang dumadaan ang araw ay mas lalong nagiging agresibo si Greyson .

Dumating pa sa puntong limang nurse na ang nagtulong tulong upang pakainin lamang siya , Pero tulad ng dati , hindi pa rin epektibo . Sinusubukan nila itong turukan ng pampatulog para paliguan pero hindi nila magawa .

Confessions Of A Drug AddictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon