Hindi nakapasok si Greyson ng sumunod na araw dahil na rin sa sakit ng katawan nito at sa mga sugat at pasa sa mukha . Siguradong kapag pumasok siya , Siya na naman ang magiging main topic ng buong section nila .
Pero kahit na hindi ito pumasok , pumunta siya ng eskwelahan para sunduin si Francesca , Ang girlfriend nya .Bukod sa kanyang mga kabarkada , Si Francesca ang rason kung bakit pinipilit nyang mabuhay kahit nakakasawa na .
Matiyagang hinihintay ni Greyson si Francesca sa may ice cream parlor katapat ng kanilang eskwelahan .
" Pare ! Bat hindi ka pumasok ? " Galak na galak na tanong ni James sa kay greyson .
Hindi sumagot si Greyson bagkus itinuro nito ang kanyang mukha na puno ng pasa at sugat .
Nakuha naman iyon ng kanyang kaibigan " Sige pare , alis na ko , kanina pa kasi nakauwi yung dalawa . Sige ingat na lang ! " Paalam sa kanya ni James , Ningitian lamang niya ito .
Lumipas ang 30 minuto ay wala pa ring francesca ang dumadating .
Sigurado si Greyson na pumasok ito dahil hindi pwedeng lumiban ng klase si Francesca , ito kasi ang Top sa kanilang klase .
Ilang ice cream na ang nauubos nya pero walang Francesca ang sumusulpot .
Naubos na ang pera nya kakakain ng ice cream pero wala pa ring Francesca ang nagpapakita .
Tinetext nya ito pero wala , Hindi ito nagrereply . Sinubukan nyang tawagan pero walang sumasagot .
Lumubog na ang araw , nagsarado na ang Ice cream shop pero ni Anino ni Francesca ay wala .
Alas-syete na ng gabi pero nasa tapat pa rin sya ng gate at hinihintay ang pinakamamahal nyang Girlfriend .Inisip nyang baka may ginawa lamang ito kaya ginabi ng uwi .
Kakamot kamot na si Greyson sa kanyang katawan dahil sa mga lamok na kumakagat sa kanya . Medyo naiinis na sya pero hindi nya magawang magalit ng tuluyan .
Isang saglit pa ay may nakita si Greyson na dalawang taong magkahawak kamay na lumabas sa gate .
Hindi nya maaninag ang mga mukha nito dahil na rin sa dilim . Pero ang buhok , hindi sya maaaring magkamali ! Ang buhok na iyon ay kay Francesca !
Kahit kinakabahan ,palihin na nilapitan ni Greyson ang dalawang misteryosong tao para makasigurado .
Halos malunok nya ang lahat ng kanyang laway sa kanyang nakita .
Halos umakyat ang lahat ng kanyang dugo sa kanyang ulo .
" France ! " Gitil na sigaw nito . Napalingon naman si Francesca at ang kasama nitong lalake .
Nanlaki ang mga mata ni Francesca dahil sa kanyang nakita . " G-greyson ? Magpapaliwanag ako " Nauutal na wika nito ng makita ang mukha ni Greyson .
" Babe ? Kilala mo ba siya " Tanong ng lalakeng kasama ni Francesca .
" Oo babe , siya yung Ex ko " Walang kagatol gatol na sabi ni Francesca . Binitawan nito ang kamay ng lalake at pumunta sa kinatatayuan ni Greyson .
Halos ikamatay na rin ni Greyson ang marinig mula sa bibig ni Francesca ang salitang "SIYA YUNG EX KO"
" Greyson , Im so sorry , Pero break na tayo " Walang kautal utal na sambit ni Francesca kay Greyson .
" Ganun na lang ba yon France ? Halos ikamatay ko na ang pangmamaltrato sakin ng pamilya ko tapos lolokohin mo pa ko ? Sana naman sinabi mo agad para hindi ako na ako nahirapan at nagpakamatay na lang ako hangga't maaga pa ! " Wika ni Greyson pero basag ang kanyang tinig . Hindi nya napigilang mapaiyak .