Angel's POV
Naniniwala ba kayo kay Cupid? Yung baby na lumilipad na nag aarchery? Alam nyo bang yun ang kinabwibwisitan ko sa lahat ng anghel? Biruin niyo, binibigyan siya ng gold na pana para tuhugin at pag partner partnerin ang mga tao, pero bakit may naghihiwalay? Tss, walang kwenta.
"Hoy! Lumilipad nanaman ang isip mo! Nandto tayo sa classroom hindi sa bahay niyo!" At ito pa ang problema kay Cupid. Kulang at sobra ang pana niya. Kulang kasi, puro one sided love kung minsan naman ay sobra, love triangle ba, ganun. Ayoko sakanya, kasi …… pinana niya ako kay ……
"Putcha! Mark! Wag mong gamitin yan!" Ayan, sa mga simpleng bagay na yan. Dahil diyan sa kakulitan niya na yan! Hay, bakit ka ba ganyan Mark?
"Kala ko hindi ka na magigising!" Tinaasan ko siya ng kilay "At bakit hindi ako magigising?" Nagkamot naman siya ng ulo at umalis, anong problema nun? Tss. Nakita ko naman ang bestfiend kong sira. "Anong nginingiti ngiti mo?" "Kaya ka niya ginigising kasi baka daw hindi ka magising! Nukaba friend! Kinikilig ako, kasi muntikan na magcheck ng papel kaso may gagawin daw pala si ma'am sa baba, kaya ayun. Nagmamadali gisingin ka at baka mapagalitan ka daw, yieee."
Weh? O.M.G! Wag ka ngang assuming! Letse! Magising ka sa katotohanan! Wala siyang gusto sayo!
"Okay class, may mass sa ibaba. Pumila na kayo." "W-wait wala pa si, I mean sila Mark ma'am." Sige, lusutan mo pa, gaga ka talaga kahit kelan. Lokohin mo yang sarili mo.
"Sakristan siya Angel so if you don't mind, tayo nalang ang hinihintay sa ibaba." Sambat naman ni Jhoana. Inirapan ko nga, letse. Bakit ko ba kasi nakalimutan? Aisshhh.
@mass
Since sakristan siya, nandun sila sa unahan at since sakristan nga siya, tumutulong siya sa pari. Pero since nagsasalita pa yung pari, muni-muni muna sila. Kaso may tinititigan siya.
Nakita ko siya na nakatitig sa --- akin? Ayan nanaman, gumagana nanaman ang pagka assuming mo! Hay ./. Hindi ikaw ang tinitignan niya. Nasa likod mo kaya si Annie (ang one and only love ni Mark), wag ka ng umasa. Pero I wonder, alam ko ex nya na si Annie eh, pero bakit nililigawan niya pa din? Martyr lang ang peg? Tss. D hamak naman na mas maganda ak---- sya sayo. Sakit naman isipin nun. Wag mo na nga isipin yun.
@classroom
"Hoy babaita! Ikaw ha. *insert hampas here* Tunaw ka na ba? Ayos ka lang ba? *insert kapa-kapa sa akin here* hihihi." Ano bang problema nito? Kung maka tawa akala mo mangkukulam. "Oo ayos lang, ano bang problema mo? Ha?" Ngumiti siya ng bonggang bongga. "Akala ko tunaw ka na! Hay! Makatitig ah? Feel na feel? Porket tinitigan siya ni Mark? Wew" Ano daw? Ako? Binatukan ko nga. "Tanga si Annie yun! Shunga mo din talaga eh noh?"
"Ewan ko sayo! Manhid!"
Uupo na sana ako ng may kumalabit sa akin. "May problema ka ba? Okay ka lang ba?" Ang weird ng mga tao ngayon. "Oo naman, bakit ba?" "Ahh, wala, akala ko kasi ano, nung tinitigan kita kanina, malungkot ka, parang may problema, wala lang pala, sige"
0___-
-___0
0___0
A-ako? Y-yung? T-tinititigan nya? Shutanginames!! Wahh!! Wehh???
*****
Nakalipas na ang ilang buwan at feel na feel ko kasi parang kami ni Mark. Ang harot harot niya! Lagi na lang niya akong nilalandi ……… sa isip ko. Takte, saklap naman nung huli. Pero halos lahat nililink kami at guess what? Pati mga teachers, kamusta naman yun? Ito pa, parang may gusto na siya sa akin. Hindi naman ako ganun ka manhid para hindi maramdaman yun. Like duhh. Chos! Pero totoo, parang nung nakaraan, nagdala si Jhoana ng nips, kinukuha ko yung violet at kinukha naman niya yung blue, haha mga adik kami sa paborito naming kulay basta yun. Tapos nagulat ako nung pati violet kinukuha nya. Kaya kinuha ko din yung blue kaso nag react siya. "Takte! Akin lang yung blue!" Aba? "Eh bakit mo kinukuha yung violet?" Taas noo, baba, at kilay kong tanong sa kanya. Dahilan para mapatingin siya doon sa kamay niya, at mapangiti. "Hindi naman sa akin to eh, para sayo to. Para hindi ka na mahirapan sa pagpili" Tapos, buong ingat nya hinwakan yung kamay ko at linipat yung nips. Wahh. Manhid nalang ang hindi kukutuban pag nag kataon like, my gaddhh. Tapos minsan, hinihiram niya pa ako kay Jhoana para lang magtanong, ano to lokohan??
Wahh! Hindi talaga ako maka get over. Ang saya saya ko. Biruin mo yun? Wahh, pinaka swerte na ako sa pinaka swerte. At hindi na ako makapaghintay sa plano namin ni Jhoana.
"Mark! Laro tayo Mark!" Sigaw ni Jhoana. "Anong laro?" Wahaha. "Sasabihin lang naman natin ang crush natin tas kung bakit, ako na una, si Mattew kasi gwapo, hihi" O diba? Wag ka, plinano namin yan.
"Ahmm, ako naman …… si" Sino nga pala ang sasabihin ko? Nakatitig lang ako sa kanya, at nakatitig naman siya sa akin ng nakangiti. Hindi nya pede malaman. "Si Jerome, mukha lang sira yun pero hindi, marunong din naman yun magpakabait" Nakatungo lang siya sa akin ng …… nakangiti pa din? M-mali ba yung plano? Bakit wala man lang bahid ng selos ang mukha niya? Nakakadismaya naman yun, kung ganun, sino ang crush niya?
"Astig, ako naman si Annie pa din. Kasi kahit alam kong linoko at sinira niya yung puso ko, alam ko pa din naman na mahal niya ako. Hindi naman niya ako kakausapin kung hindi diba? Tapos na ba ang game? Naghihintay na kasi sa akin si Annie eh, sige bye"
Oo tapos na, si Annie na ang nanalo. Nakakabwisit ka talaga Cupid. Sana tamaan ka din ng pana mo, yung tipong katulad sa akin. Yung magmamahal ka ng taong may mahal na iba para ramdam mo yung sakit na pinaparamdam mo sa akin, sa amin. Sa mga taong pinapaasa mo sa love na yan, sa forever, na kailan man hindi totoo at mangyayari.
BINABASA MO ANG
One Shots: Walang Forever
RandomSa panahon ngayon, wala pang ngang boyfriend at girlfiend, bitter na ikaw pa kaya? Wahahaha. Ang teddy bear, nasisira. Ang chocolate, natutunaw. Ang roces, nalalanta. Ang pagmamahal niya, nawawala. Wahahaha, walang forever! Iiwan ka din niya.