Bestfriend

258 7 3
                                    

Vanessa's POV

"Huy. Mine! Bestfriend!" Bestfriend? Alam nyo bang may 2 klaseng bestfriend? Una yung mabait, maalalahanin, yung laging iniisip na may pag asa, yung babae. Pangalawa, yung laging poging pogi sa sarili, yung joker at tagapagtanggol, yung lalaki.

At kadalasan isa ang na fafa fall.

"Wala Mine! Halika na pasok na tayo"

Ako nga pala si Vanessa, bestfriend ko naman si Kyle, Mine ang tawagan namin, sya lang ang bestfriend ko, at ako lang ang bestfriend nya. Oo ako lang. Gusto ko akin lang siya kahit hindi talaga. Kahit hanggang ngayon lang na wala pa siyang girlfriend. Kasi alam ko naman na balang araw, hindi ko na siya maaangkin.

"Huy! Ano ba? Nakikinig ka ba?" Pitik niya sa noo ko. "Malamang!" "Sige nga, anong sinabi ko?" "Hindi ako memorizer, siyempre hindi ko na memorize." Dba? Sino ba namang makaka recap nun? Abno rin to eh no? "Ang sabi ko, samahan mo ko kay Jessica! Lintek! Sabi ko may gusto na ako sa bestfriend mo! Tulungan mo ko manligaw! Nakuha mo na!?"

A-ano daw? Ma-may gusto siya k-kay Jessica? Ang bestfriend k-ko? Kailangan ba talaga niya ipagdiinan at ipagsigawan yun. Tss. "Oo! Narinig ko! Hindi ako manhid! Alam ko na may gusto ka sakanya! [At sa akin wala!] Na liligawan mo siya! [At tutulungan pa rin kita kahit alam kong masakit para lang magampanan ang tungkuling maging bestfriend mo.] Tss, hindi mo kailangan ipagdiinan dahil naiintindihan ko na! [Na wala akong pagasa sayo!] Ok!?" "Gets mo pala eh"

@classroom

"Jessica!" Tinawag ko si Jessica mula sa kinauupuan niya. "Bakit?" Linapitan ko siya. Aja! Kaya mo yan Vanessa. Isipin mo na lang na ibang tao si Kyle. Lokohin mo yung sarili mo, kunwari hindi mo siya mahal at kilala. "Jessica. Kilala mo naman siguro si Kyle diba?" "Oo naman, yung mahal mo? Yieee" Kung alam mo lang Jess. "Naku hindi! Iba na ang mahal ko! Zhake na, nukaba! Hindi ka updated!" "Ahh …… ok. So anong tungkol kay Kyle?" "May gusto daw kasi siya sayo, pwede daw ba siyang manligaw?" Kaya mo yan. Saglit na lang. "Weh? Siya? Si Kyle na sikat? Oo naman, sino ba ako para tumanggi." Sinabi nya ng nakangiti. Ikaw na Jess. Ikaw na ang masaya. Kahit ang sakit

sakit na para sa akin.

@dissmisal

"Ok na Kyle! Pwede ka nang manligaw." Sabay ngiti ko sakanya. Atleast nagawa ko ang dapat ko gawin bilang bestfriend dba? Inakbayan naman niya ako. Wag kang ganyan Kyle. "Yes naman! Malakas talaga ako sayo, at dahil malakas ka din sa akin, ililibre kita!    :D" Ang sarap naman sa feeling na makita mo yung taong mahal mo na masaya. Siguro naman kahit masakit makakaya ko to, kasi masaya ka naman, masaya naman si Kyle.

********

Nakalipas ang 2 buwan na panliligaw ni Kyle. Nakalipas na rin ang 2 buwan ng pagmamartyr ko at pagiging bestfriend sa kanilang dalawa, at sa dalawang buwan, pwede na talaga akong mamatay. Mamatay sa sakit. Ewan ko ba, kahit ang sakit sakit, makita ko lang na masaya si Kyle, ok na ako. Martyr na kung martyr pero wala eh. "Best excited na ako! Biruin mo after 2 months, mahal ko na siya, at handa na akong sagutin siya, mygoshh!!"

Ha hahahaha ha ha, handa na daw siyang sagutin si Kyle, naiintindihan mo ba yun Vanessa? Layuan mo na sila kung ayaw mo masaktan! Lintek! Patanggal ko na kaya tong puso ko? Para wala ng sakit, wala ng pagmamahal, at wala na rin magtuturo sa akin ng pagiging martyr at bobo sa pagibig?  Letsugas, barabas, hestas! "Oh? Edi maganda, biruin mo, minahal mo na siya, after 2 months niyang paghihintay sayo."

@dissmisal

"Wahh!! Biruin mo? Sinagot na niya ako!! I can't believe I'm living in reality! Nagkagusto siya sa akin!! Wahh!! Takte ang saya!! Shyete talaga! Naiintidihan mo ba yun Mine!? May girfriend na ako!! Magboyfriend ka na din para masaya! Sino ba gusto mo? Tara kakausapin ko!!" Ngumiti ako ng mapait. Kapag sinabi ko bang ikaw, iiwan mo si Jessica? Dba hindi naman? "Tss, pabayaan mo na yun. Hindi tao yung gusto ko, isa siyang malaking alien. Ubod ng manhid. Atsaka isa pa, may mahal siyang iba. Actually may girlfriend siya. At I'm sure na hindi naman niya yun iiwan kahit sabihin kong mahal na mahal ko siya. Na kahit buhay ko, ipagpapalit ko para lang sumaya siya. Hindi niya yun naiintindihan."

Hindi mo yun maiintindihan

"Ganun ba? Sige libre nalang kita. Ang saya talaga wohh!!" Ang saya, saya niya. Hindi ko sisirain ang kasiyahang yan Kyle, promise.

***********

Lumipas ang ilang week. Halos lagi kami magkasama ni Kyle. Ito ang eksaktong sinabi niya 'Unting panahon nalang tayo magkasama Mine. Sulitin na natin. May girlfriend na kasi ako eh.' Kaya hindi kami mapaghiwalay. At kay Jessica naman, ewan ko dun. Lagi akong iniiwasan. Parang shunga, ni hindi ko pa nga siya nakakausap. "Hoy Mine! Saglit! Naiihi ako! Cr lang ako, hintayin mo ko dito ah?" "Bilis paka bagal"

Pumunta na akong Cr at eksaktong pagkatapos kong umihi, nakita ko si Jess. Nakita niya ako at lumapit ka- agad siya sa pinto at ni lock ito. "I'm warning you Vanessa, stay away from Kyle." Mahinahon niyang sabi. Bakit naman ako lalayo kay Kyle? Anong karapatan niyang pagbawalan akong lumapit kay Kyle? "Bakit ko naman gagawin yun Jess?" Mahinahon ko ring tanong.

"Kasi ako ang girlfriend nya, so back off. Alam ko namang mahal mo pa rin siya. Don't try to snatch him from me. AKo ang girlfriend! Bestfriend ka lang. Pwede ba? Matuto kang lumugar." Alam ko namang lumugar ahh. Edi sana inagaw ko na siya kung yun ang plano ko. "Excuse me? Oo bestfriend nya lang ako. At since birth alam ko na yun lang ang place ko pero wala kang karapatan na tanggalan ako ng karapatan na lapitan siya." Nakakabanas na talaga siya. Lalabas na sana ako, ng bigla niya akong sinabunutan. "Ano ba? Bitawan mo nga ang buhok ko!" Hinila ko rin yung sa kanya. Pero binitawan niya ka agad ang buhok ko ng magbukas ang pinto. Nakita kong galit na galit sa akin si Kyle habang yakap si Jess.

"Ano bang iniisip mo Vanessa!? Ha!?" Ngayon lang nya ulit ako tinawag na Vanessa. Simula nung maging magbestfriend na kami, pero dahil kay Jess, ganun ganun nalang yun?

"Iniisip ko yung pagkakaibigan natin! Kaya kahit masakit, tinulungan kita manligaw! Kasi alam kong wala naman akong pag asa sayo! Na siya talaga ang mahal mo at nakakapagpasaya sayo! Kaya kahit ikamatay ko! Pero nung pinapalayo niya ako sayo!? Pagkatapos ng sakripisyo ko!? Hindi ko tanggap! Siya naman ang nauna eh! Pero ako pa rin yung mali! Alam ko nanng mali na minahal kita eh! Edi sorry!" Singhal ko, pagod na ko magpanggap. Pagod na pagod na pagod na. Kaya pls. "Bestfriend kita! Oo! Pero wala kang karapatan na saktan ang taong mahal ko! Hindi pala kita bestfriend! I'm wrong! Simula ngayon hindi na kita bestfriend, hindi na kita kilala." With that umalis na sila.

Ha hahaha ha ha. Lesson learned. Wag ma fafall sa bestfriend. Kasi hanggang bestfriend ka lang. Kahit anong sakripisyo, kahit anong bait at pag papakitang gilas mo sakanya, hindi niya maiintindihan na mahalaga sya sayo at kayang kaya ka niyang iwan. Dahil ikaw lang ang nagpahalaga ng friendship niyo. Para sakanya, ipagpapalit ka din niya at hindi manlang initindi yun. Samantalang ikaw, nagsakripisyo.

One Shots: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon