Nakita ko siya dto sa playground. Ang saya saya niya habang naglalaro. Napangiti ako ng nginitian niya ako 'Tara Matt, laro tayo.'
*boogsh*tooth*tooth*tooth*
Aray ko po. Ang sakit ng pagkakabagsak ko sa kama. Hay. Panaginip lang pala iyon. Hindi pa rin niya ako binabalikan.
Napagdesisyonan kong lumabas ng bahay. Nagpunta ako ng coffee shop, sa pinakamalapit na starbucks. Pero hindi pa ako nakakapasok, gumuho na ang mundo ko sa nakita ko. Si Erika, ang ex ko. Ang saya saya niya. May kasama siyang lalaki at nagtatawanan sila. May mga taong nakatingin sa kanila pero wala silang paki, parang silang dalawa lang sa mundo. Bakit ganon? Parang ang sakit? Dba ginusto ko naman toh? Ako yung nakipag break? Bakit ako nasasaktan. Ewan ko ba sa sarili ko, pero imbis na umalis ako, pumasok pa ako sa loob. Martyr ata ang tawag sa akin.
And guess what? Dun pa ako naupo sa tabi ng table nila. 'And the most martyr award goes to .... Matt' sige pa saktan mo pa ang sarili mo.
"Uy Matt ikaw ba yan? Wow. Hindi ko inaasahan na dto pa tayo magkikita. Kamusta ka na?" Nakangiting bati niya sa akin. Aray. "Okay lang naman, i guess you've moved on." Natakpan ko ang bibig ko sa mga sinabi ko. Anubayan. "Oo. Ang tagal na kasi nun. Ikaw naka move on ka na ba?" Hindi pa. Hindi pa ako nakamove on, hanggang ngayon mahal pa rin kita.
*kriinngg*
Yes. Saved by the phone call. "Ahh may tawag sa phone ko, may gagawin pa pala ako, una na ako ha? Bye." Bye na talaga. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas. Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Ilang minuto na rin ang nakalipas at nasa labas pa rin ako. Nakita ko siyang lumabas. Nagtago agad ako sa likod ng isang sasakyan. Ang sakit talaga makita na wala pang half year eh masaya na siyang naka move on samantalang ako nagluluksa. Bakit ba kasi ngayon ko lang na realize na mahal ko siya? I hate this feeling na may balak akong gawin. Arghh.
I admit it by myself. Susundan ko siya.
Una siyang pumunta sa isang bahay. I guess nagbago na pati ang bahay nila. Pumasok siya at nakita kong umupo siya sa isang swing sa may garden nila.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita." Sabi niya habang nakangiti. I bet yung lalaki kanina ang sinasabi niya. Ganun niya kamahal ang lalaking iyon? Sino ba iyon?
Pumasok siya sa loob at pagkalipas ng ilang minuto eh lumabas siya. Pakingshyet. Ang ganda niya sa suot niya. Simple dress at heels lang naman yun. Nakita ko ang pagparada ng isang sasakyan sa bahay nila. Nakita ko na lumabas ang isang lalaki. Iba nanaman ito sa kasama niya kanina. Ilan bang tao ang makikita kong kasama niya? Tssk. Bakit ko ba kasi siya sinusundan? Tinignan kong paalis ang sasakyan at naupo sa tabi ng kalsada. Naka move on na talaga siya.
"Kuya!!!" Napalingon ako sa tumawag at nakita ang nakababatang kapatid ni Erika, si Ethan. "Kamusta?" Botong boto siya sa akin nung mga pagkakaraon na liniligawan ko pa lng si Erika. "Ako kuya? Hindi ako okay." "Bakit? Anong nangyari?"
"Kuya may tanong ako, ano bang hinahanap mo sa babae na wala si ate? Bakit mo ba talaga siya iniwan? Sino bang ipinagpalit mo sa kanya?" Nagulat ako sa tanong niya. "H-ha?" Bakit naman niya iyon natanong? "Kasi kuya may alam akong ugali ni ate na hindi mo matatagpuan sa ibang babae. Mahal ka niya kuya. Mahal na mahal. Kung tinatanong mo ko kung okay ako? Hindi kuya. Kasi hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung bakit mo sinaktan ang ate ko. Kuya hanggang ngayon mahal ka pa din niya. Hanggang ngayon iniiyakan ka pa din niya. And it hurts me so much ba makita na nagkakaganun siya sa isang taong katulad mo. Na nangiwan at nanakit sa kanya." Diretso sa matang sabi niya. Ramdam ko ang sakit sa mga sinabi niya. "P-pero, masaya siya. Nakamove on na siya." Totoo naman dba? "Naririnig mo ba ang sarili mo kuya? Bakit? Kapag masaya ba ang isang tao naka move on na? Siguro oo. Pero hindi lahat kuya. Isa na siguro dun si ate. Kung nakikita mo siya kung gaano kasaya ng pagtawa at pagngiti, siyang sakit ng pagiyak at pag alala niya sayo. Ginagawa niya ang lahat makalimutan ka lang niya. Nakikipagdate siya kung kani kanino. Pinapakita niya na masaya siya kasi ayaw ka daw niyang makita masaktan ka kapag nakita mo siyang malungkot. Ayaw niya ring ipasabi na mahal ka pa din niya kasi ayaw niyang bumalik ka dahil sa awa. Kuya mahal ka niya pero tinapon mo."
Totoo ba yun? Na mahal niya pa din ako. Nang iwan ako ni Ethan, nakaupo nalang ako dto hihintayin ko siyang bumalik.
"Anong ginagawa mo dto?" Napatingala ako ng marinig ko ang boses niya. "Umalis ka na." Marahan ko siya ng hinila at niyakap. "Mahal pa rin kita Erika. Mahal na mahal." Narinig ko siyang ngumisi sa sinabi ko. "Sinabi sayo ni Ethan? Well, oo. Totoo yung sinabi niya sayo. Ngayong alam mo na, you may leave." Aktong aalis na siya at tatawid ng may sasakyang humaharurot at nabundol siya. "ERIKA!!"
Nandto ako sa ospital at hinihintay ang pag gising niya. Baldado siya. Ang dami niyang pasa at sugat na natamo. Buong katawan niya ay naapektuhan. At sinisisi ko ang sarili ko sa kagagahang to. Gumalaw siya at nardaman ko ang sakit na nakita ko sa mukha niya. "Erika, anong masakit?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin ng diretso sa mata, nakita kong walang emosyon ang tingin na iyon. Ngumiti siya pero walang saya. "Sakit? Wala. Walang masakit. Infact wala nga akong maramdaman eh. Manhid na siguro ako. Walang ni isang pisikal na sakit akong nararamdaman. Baka emosyonal? Oo. Marami. And you know what? I really really really hate myself. Kung bakit ba naman ikaw pa ang minahal ko. Akala ko
perpekto ka na eh. Bukod sa mabait, sweet, at caring ka, napaka gwapo mo pa. Kaso mali ako. Kasi hindi mo pala ako mahal. Hanggang ngayon naaalala ko pa din yung katagang 'I didn't even love you.' na sinabi
mo sa akin. Ang sakit kasi……… ako, minahal talaga kita eh. As in. Pero ano natanggap ko? Na hindi mo ko minahal? How great was that? Dba incredible? Tapos sinabi mo pa na naaawa ka lang sa akin. Ano bang nakakaawa sa akin? Dapat kasi hindi kita minahal. Dapat iba nalang ang sinagot ko sa panliligaw. Dapat hindi nalang ikaw yung nagustuhan ko. Marami ngang namamatay sa maling akala. Tulad ko, namamatay ako sa sakit. Ewan ko ba kung bakit hindi pa ako namatay eh. Tutal wala naman na akong kwenta sa mundo. Bukod sa isa akong tangang martyr, wala pang nagmamahal sa akin." Naiiyak ako. Kung hindi ko siya hiniwalayan, hindi niya iisipin toh. "Anong wala? Ako. Mahal kita. Mahal na mahal. Past is past kalimutan mo na lahat yun." Nakita ko ang pagbagsak ng isang luha at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Pinunasan niya ang luha at sinabi:
"Oo nga naman past is past. Dapat ko ng kalimutan lahat ng ala ala. Lahat ng ka sweetan. Kasi wala na yun ngayon. Wala na tayo." Huminga siya ng malalim, "Umalis ka na. Hindi kita kilala. I don't know you, siguro hindi ka mahalaga sa akin kaya nakalimutan kita."
Move on? Sya na yun. Tumayo ako at umalis. Ano nga palang karapatan kong bumalik sa kanya. Eh ako ang nagiwan. Isa akong hamak na tangat gago dahil pinakawalan ko ang babaeng may kaisa isang ugali. Ang babaeng mahal na mahal ako.
BINABASA MO ANG
One Shots: Walang Forever
RandomSa panahon ngayon, wala pang ngang boyfriend at girlfiend, bitter na ikaw pa kaya? Wahahaha. Ang teddy bear, nasisira. Ang chocolate, natutunaw. Ang roces, nalalanta. Ang pagmamahal niya, nawawala. Wahahaha, walang forever! Iiwan ka din niya.