A/n: Oh mga chismoso sa mundo tamaan kayo. Mga green dyan oh. Wahaha. Reaction ni Marierlle ----> before: ano toh!? 0•0
After: ahh, wahahaha ^----^Marielle's POV
Nakaupo ako dto sa park ng may narinig akong nag uusap.
"Moo, ulitin natin ulit yung ano ha?"
0o0!! Ano daw yung uulitin nila? Yung ano? Ano yung anong binabanggit nila!?
"Bakit, masarap ba akong mang ano moo?" Mang ano? Masarap siyang mang ano? Lintek na ano yan.
"Oo moo. I-try natin ng ibang ano moo ha?" Ibang version? Position? Anong ano? Ibang ano? Anubato.
"Sige ba. Eh saan naman natin gagawin yung ano?" Yuck. Kadiri naman sila. Ang lalandi. Ang babata pa lang.
"Sa amin nalang moo, pinalagyan ni mama ng aircon yung room ko. Masarap mag ano dun moo." Sa kwarto pa talaga ng babae. Wala ba silang ibang place na pwede pag usapan? Sa park talaga?
"Hahaha. Nasarapan ka talaga. Nakailang rounds tayo dun?" Anubato? Mababaliw ako kapag hindi ko nalaman yung ano. Lintek na ano yan.
"Ang sarap mo kasing mang ano moo eh! Hihihi. Kahit ilang beses natin ulitin." Aba't! Ilang beses na? Ilan!?
"Talaga lang ah. Mamaya may iba ka papalang ina ano." AY MALANDI! May kinakalantaryong iba.
"Wala moo. Ikaw lang S4pH4t Nh@! Buong ingat ka kasi eh." Buong ingat na ano?
"Sabi mo yan ah. Kelan ulit tayo mag aano? Mag aano? Anong ano ba yun? Kanina pa yung ano na yun ah.
"Ngayon na moo. Tara na, punta tayo sa bahay." Ay hindi na siya makapaghintay. Nangangati na si ate. Kung ano man yun, sure akong nakakadiri. Yuck, pwee.
"Masarap ba talaga ako mag bake?" B-bake? Tungkol dun ang pinaguusapan nila?
"Oo. Sobra. Kaya nga kahit ilang rounds eh. Full of care ka kasi sa pag babake. Passion mo yun eh." Ah so, baking pala yun. At bestfriend niya yung babae.
"Next time, magdala ka ng movies para manood tayo habang kumakain sa kwarto ko. At oo nga pala, iba ibahin ko na din yung flavors." Yung flavors pala ang iibahin niya. Akala ko naman ……
"Hahaha. Best bestfriend ka talaga moo. Kaya nga your my one and only bestfriend." Tsssk. Okay. Ako na ang green. Eco friendly ako eh. Wahahaha.
^----------^V
BINABASA MO ANG
One Shots: Walang Forever
RandomSa panahon ngayon, wala pang ngang boyfriend at girlfiend, bitter na ikaw pa kaya? Wahahaha. Ang teddy bear, nasisira. Ang chocolate, natutunaw. Ang roces, nalalanta. Ang pagmamahal niya, nawawala. Wahahaha, walang forever! Iiwan ka din niya.