Not too late

158 9 0
                                    

Kinnah's POV

Alam niyo yung sakit? Yung pain sa english? Yun ang lagi kong nararamdaman tuwing magkasama sila, tuwing ikwekwento niya yung saya. Martyr? Ako siguro yun. Actually that's my second name and I'm damn serious. Sinasaktan ko yung sarili ko pero masaya ako. Sinasaktan ko tuwing tinutulungan ko siya pero nababawi ng saya. Ikaw? Pipiliin mo nga ba malaman ang lahat? O wag nalang?

"Hoy! Ikaw talaga, tara, puntahan natin gf ko!" Ayan nanaman yung sakit. It comes back and back and back. Gf NYA? Pwede ba ako nalang yun? Ako nalang! "Bakit? Wala ba siyang paa?" Naiinis ako, kami nalang lagi nag eeffort. Oo, KAMI, kasama ako. Siguro nung naging bestfriend ko siya, kakambal na rin nun ang sakit na maluwag sa utak kong tinanggap at hindi sa puso. Malinaw yan ah. "Sige na! Mag aaniversary na kami next week! Tulungan mo ako sa surprise ha? Da best ka eh!"

Hay oo na! Ako na ang da best sa katangahan! Ako ang nagsasagisag ng katangahan sa pagibig ng mga kababaihan sa buong mundo. Tatakbo ako bilang presidente ng mga katangahan ng kababaihan. Boto niyo ko ha? So yun nga, lahat ng surprises niya, ako ang katulong niya. Oh diba? Kamusta naman yung kamartyran ko? "Alam mo ba? Nung binigyan ko siya ng flowers nung nakaraan, grabe kinilig siya, and guess what? Nag ka prize pa ako ng kiss, ang swerte ko talaga sakanya." Ilan lang din yan sa mga storya niya, minsan mamamatay ka sa kagat ng langgam sa ka sweetan at ako naman mamatay sa pait ng ampalaya.

Grabe! Minsan iprine-prefer ko na wag na malaman para maibsan tung sakit pero bakit nakaka intriga yung mga gusto niyang sabihin. Hay buhay ang hirap, parang life masakit, parang love mapait, parang katangahan ko nakakasawa, pero parang pagmamahal ko sakanya hindi parin tumitigil. Arghhh.!!

"Hi Kinnah! Remember me?" Wait. Hindi ko siya maalala. "Nope. Sorry. Hindi eh. Sinuka ba?" Nagulat naman ako ng bigla siyang humalakhak, omg, sinaniban na ata to ng kampon ng kalokohan at kagaguhan eh. "Anukabanaman, ako to si ------"

"Ano ba naman babe? Sinabi ko naman sayo na wag kang lalayo sa akin eh, babe naman. Sorry? Sino ka nga pala. Ay, do I even have my manners, hindi nga pala ako nakikipag usap sa strangers. Kaya dapat babe ikaw din, tulad ng sinabi mo, hindi mo siya kilala. Halika na nga babe." Kaladkad sa akin ni Sky.

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Heart: Narinig mo ba yun Kinnah!? Ano ba!? Babe! Babe ang tawag niya sayo! Tatanggi ka pa ba!? Lintek! Ako na! Ako na ang nagsasabi sayo na mahal ka niya! Ginagawa niya lang panakip butas ang girlfriend nya. Hindi ka manhid para hindi mapansin yun eh. Wag kang tanga! Mahal ka niya!!

Ha? Totoo? May gusto siya sa akin?

Brain: Ano ba naman Kinnah! Umayos ka nga! Sabi mo nga hindi ka tanga at hindi ka manhid para hindi malaman na mahal ka niya? Nagamalasakit lang siya bilang bestfriend mo! Wag ka ngang shunga! For pete sake's! Bestfriend ka niya. He's just doing his job and playing the role of protecting your heart!! Anubanaman yan!! Hindi ka tanga!! Wag mo nga paasahin yung sarili mo!!

So, wala talaga siyang gusto sa akin? Yung totoo?

Heart: Meron nga! Ang kulit!?
Mind: Ikaw ang makulit! Wag ka ngang magpakatanga at umasa!! Wala! Wala siyang gusto sayo!!
Heart: Meron!!
Mind: Wala!!
Heart: Meron!!
Mind: Wala!!

"Huy!!" Ay tinamaan! "Oo!! Wala na nga!!!" Napatakip ako ng bibig ng marealize ko na nasigaw ko yun for real. "Anong wala!?"

"I-is t-t-this f-for real? Totoo ba y-yung usap usapan na b-b-babe ang tinawag mo sa kanya?" Napatayo siya at akmang sasabunutan pa ako nito. Pero hinarang niya yoon. "Babe, ginawa ko lang yun para layuan siya nung lalaki! Sorry na babe. Pinagtanggol ko lang naman siya kasi bestfriend ko siya. Pls, sana maintindihan mo." "No let's break up" With that umalis na siya at naiwan kami.

"Sorry Sky." Napayuko ako. Tssk. Bakit imbis na masaya ako mas lumungkot ako? Ang tagal na panahon ko ng hinihintay to diba? Pero kasabay ng pagbagsak ng luha nya ang pagbagsak ng sangktauhan ko, para akong isang secret ajent na nabuking, pero isang hamak na taong nagmahal at hindi nasalo lang naman ako eh. "Mahal ko naman talaga siya eh, hindi ba niya naiintindihan na bestfriend kita at kailngan kita protektahan?" Hindi ata. Hindi ata niya maintindihan. Ako din eh. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Bakit kailangan pa niyang mag pa fall? Na protektahan ako? Pero in the first place, may girlfriend na siya. Hibang na talaga ako. "Siguro, hindi. Hindi nya naiintindihan yun. Pero bakit mo ba kasi ginawa yun? Bakit mo sinabing boyfriend kita?" Napangiti siya nun. "Kasi kahit may

girlfriend na ako, responsibilidad ko ang

babaeng una kong minahal. Ang bestfriend ko. Ikaw yun. Feeling ko nga hindi lang bestfriend ang tingin ko sayo. Mahal na siguro kita."

Siguro nga hindi lahat ng bitter walang happy ending. Tss.

One Shots: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon