Ballpen

137 5 2
                                    

Kylie's POV

Nakakainis siya. Sa lahat ng tao, siya ang pinaka kinakainisan ko. Bakit sa lahat ng pwede kong makakatabi, siya pa?

"Okay class, let's have a short quiz on the back of your notebook, no 1, what is the benefit of getting hurt?"

Hmm, ano nga ulit yun? Ahh. When we get hurt, we practice our self to be more brave and strong to handle bigger probl -----

"Psssst. Kyle! May extra ballpen ka?" Arggghh. "Wala! Wag mo nga kong tawagin ng Kyle. Hindi tayo close." Ngumisi siya na akala mo kung sino. "Hindi pa ba enough na closeness toh? Seatmate na tayo't lahat lahat hindi pa rin tayo close, ano bang dapat kong ga-asdfghjkl, thanks." Binato ko nga sa kanya yung ballpen ko, ang ingay aish, buti sana kung malayo siya sa akin.

@break

"Guys tignan niyo yung ballpen ni Kylie oh. May saranghe! Ayyieee. Crush mo siguro si Kevin noh?" Napatingin ako sa sumigaw. Shyet na malagkit. Napatakbo ako at kinuha agad yung ballpen. "Bakit?   ^.- may nakalagay bang Kevin?" Napailing iling siya at nginitian ako ng may meaning.

"Bakit sa lahat ng ballpen mo sa loob ng pencil case mo, yan ang pinahiram mo sa kanya?" Pati ba naman yun may meaning?

"Kasi ang ingay ingay niya! Kaya ibinato ko sa kanya kung ano man ang nahugot ko. Malay ko ba na yan pala yun." Naramdaman ko ang braso ng kung sino man sa balikat ko. "Wag niyo ng bigyan ng meaning. I'm sure wala naman meaning yun eh. Dba Kylie? Besides si Brixelle ang crush ko. Never akong magkakagusto sa kanya." Ouch. Bakit naman ako masasaktan? Siguro kasi parang pinaparating niya na hindi ako karapat dapat mahalin.

Nagdaan ang ilang araw at paulit ulit lang ang scene sa school na panghihiram niya ng ballpen.

"Class make sure to copy all your notes. That will be your requirement to pass my class." *boogsh* Tinignan ko ng masama si Kevin. Ibinato ba naman yung pencil case niyang lata. "Oh ano? Wala na kayang kwenta yung pencil case na yun. Tssk. Wala namang laman. May extra ballpen ka pa ba?" Hay. Ewan ko kung paano siya nakakapasa ng walang ballpen. "Oh! Yan iyo na yan, ha!? Isang color black, blue at red. Nakakahiya naman kasi sayo. Oh yan, may remembrance pang lettering ng my ballpen." Nakita ko ang pagngiti niya. "Salamat."

Simula noon, hindi na niya ako kinukulit tungkol sa ballpen. Wow lang. Pagkatapos kong magpahiram at magbigay, hindi na niya ako kakausapin. Aba!? Ano toh? Lokohan? Pagkatapos ng lahat lahat? Ayos ah. Natapos at nagdaan na ang iba't ibang subject pero takte, wala pa rin akong maintindihan! Bakit ba niya ako hindi pinapansin!? Bawiin ko kaya ang ballpen ko? Para atleast hindi ako masiraan ng ulo.

Pagkatapos ng break, balik nanaman ako sa pagka tulala. Napansin ko lang na marami akong napapansin, tulad nalang ng hindi ko naisuot ang bracelet ko,  hindi gamit ni Kevin ang bigay kong ballpen at nagiba ang kulay ng make up ni ma--- ano!? Hindi gamit ni Kevin ang bigay kong ballpen!? What the!? Tinitigan ko ang hawak niyang ballpen. Kulay orange ito na parang basketball sa pagkakastripe ng black. Walang wala ito sa plain color ballpen na ibinigay ko. Parang nakakapanghina naman ng loob yung nakita ko. D hamak na mas maganda kasi yung ballpen na hawak niya. Sino kaya ang nagbigay noon? "Ayos ba ang tinta?" Tanong ni Brixelle kay Kevin. "Ah oo. Thank you ha? Ang ganda, kasing ganda mo. Haha. Oo sign pen pa." Kita ko ang saya sa mata niya. Siguro dahil galing kay Brixelle, ang crush niya, ang nagbigay. Hay. Nung uwian na, pauwi na ako ng may mapansin ako sa basurahan, ang ballpen na bigay ko kay Kevin?

Linapitan ko ang basurahan at pinulot. Tama nga ako. Hindi ko alam pero bigla tumulo ang luha ko. Ang sakit. Ewan ko pero simpleng ballpen lang to diba? Anong kaso kung itapon niya? Eh mas maganda

naman talaga yung bigay ni Brixelle. Binalik ko ang ballpen sa basurahan, dun naman talaga dapat yun eh. Diba?

Nanlulumo akong pumunta sa CR. Tssk, tumingin ako sa salamin. "Hindi ka talaga niya magugustuhan. Aminin mo man o hindi, mahal mo na siya. Kung hindi dahil sa ballpen na yun, hindi mo pa siya mapapansin. Thanks sa ballpen, nasaktan ako. Ha ha haha."











Paglabas ko, nakarinig ako ng footsteps ng nagmamadali paakyat ng hagdan. Sino naman kaya ang paakyat? Uwian na ah? Nagtago ako ng likod ng pader nung makita ko na si Kevin yung umakyat. Bakit? Kasi naiwan niya yung ballpen niya na galing kay Brixelle? Tss

"Tinamaan! Hindi yun pwede mawala! Yun na nga lang ang binigay niya eh! Tsk!"

Inisip ko na eh! Si Brixelle nanaman. Argh.

"Ayun!" Sinilip ko kung ano yung hinahanap na nahanap na nya. Hindi ako makapaniwala. Y-yung b-ballpen? Y-yung b-bigay k-k-ko?

Napangiti pa ako sa pinaggagawa niya. Yinakap at hinalikan niya ng paulit ulit ang ballpen na binigay ko. "Naku! Bwisit kang ballpen ka! Muntikan ka pang mawala! Buti at walang nakakita at nagtangkang kumuha sayo! Alam mo naman na never kong naging crush ang amo mo dba?" Aray naman. Akala ko, tapos na eh. Akala yun na. Takte. "Kasi never ko siyang nagustuhan. At nung una pa lang ……… mahal ko na siya. Na love at first sight na ako. Kaso hindi ko naman pwedeng sabihin kasi, (lumungkot siya) hindi naman niya ako magugustuhan. Kinakainisan pa nga niya ako. At ikaw na ballpen lang ang saksi sa pagmamahal ko, dahil ikaw ang daan kaya nabigyan ako ng remembrance." Ngumiti siya. "Mahal na mahal kita Kylie." Tssk. Hahaha. "Oo na nga. Haha i love you too Kevin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots: Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon