CHAPTER 2

96 3 2
                                        

Lumipas pa ang ilang minuto ay breaktime na. Agad na niyaya ni Anthony ang Bestfriend na si Peter.

"Tol! tara canteen tayo!"

"Sige! Sige!" sabi ni Peter

Pagdating sa canteen ay agad na bumili sila ng pagkain at umupo. maya-maya pa ay nagyaya ng umalis doon si Anthony dahil dumadami na ang tao.humiwalay sa kanya si Peter para kausapin ang isa sa kanilang guro.

"Bro mauna kana sa classroom may itatanong lang ako sa faculty" sabi nito

"Okay sige tol" sabi ni Anthony

Habang naglalakad si Anthony ay bigla syang natamaan ng isang 2nd year student,dahilan kung saan natapunan sya nito ng royal sa polo.

"O, my......shit!!" sigaw ng binata

natulala ang babae sa nagagalit na si anthony kaya naman di na ito nakakilos agad.

"Ano ba ha?! tignan mo nga tong ginawa mo!" sigaw ni Anthony

sa pagsigaw ulit ni Anthony saka lamang nakagalaw si Jaemiee at pinunasan ng panyo ang polo nito.

"Sorry po kuya! Sorry!"

"Sorry?! wala ng magagawa sorry mo!" galit na sabi ng binata

agad na umalis si anthony at nagpunta ng C.R. para linisin ang nabasang polo.

Sa inis ay nagdesisyon nalang ito na umuwi.at nagpaalam sa principal ng school.

"Sir, please payagan mo na po ako umuwi ayoko pumasok na ganito damit ko..." pagmamakaawa ni Anthony

"Ok! but don't tell your classmates about this ha?! baka sabihin masyado ka namin pinapaboran" sabi ng principal

"ok po sir thankyou!"

at agad na lumabas ng gate ng school si Anthony at pumara ng taxi.nagtataka naman ang mga kaklase nya kung bakit bigla itong umuwi.

kinahapunan ay hinanap pa ulit sya ni Jaemiee para humungi ng Sorry pero bigo itong makita ang binata.

Paguwi ng bahay ay sinalubong sya ng magiliw nyang butler na si Adam tinanong nito si Anthony kung bakit maaga ito umuwi.

"Young Master, bakit po kayo maaga umuwi? hapon pa po ang labasan diba?

"Wag mo nga akong tawaging young master! di ako katulad ni dao ming ze ah!" sagot ni Anthony

"hayy! tinapunan ako ng royal ng isang highschool student kaninang break kaya heto tignan mo ang dumi ko!" pahabol na sabi nito

"O sige po akin na po yang polo ninyo, magpalit na po kayo ng damit,nandoon po na mommy nyo sa my pool area sabayan nyo na po sya magmerienda." sabi ni Adam.

Innocent FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon