CHAPTER 8

52 2 0
                                    

[DAVE]

9:45 pm Manila

nang makalabas ako sa airport hinahanap ko siya pero di ko na makita si Jasmine.

"malamang kanina pa nakauwi yon...."

sandali pa ay lumapit na sakin ang driver ko para ihatid na ko sa aking condo sa makati.

habang nasa byahe ay di parin siya mawala sa isip ko para bang namagnet na ko sa kanya.

nagdesisyon ako na tawagan si Jas.

ilang minuto ko ng tinitignan ang pangalan niya sa cellphone ko pero parang meron parte sa aking isip na nagsasabing di ko ito dapat ginagawa.

sandali pa ay huminga ako ng malalim at tinawagan ko na. (wala na kong choice sadyang namimis ko na siya)

*ring

*ring

*ring

{tulog na yata...}

"y-yes..hello?..." sa mahinang boses na parang tulog na talaga

"Jas? it's me...Dave"

"Dave! O nakauwi kana ba?" biglang saya ng boses niya

"yup! I'm on my way home..chineck ko lang kung nakauwi ka ng safe...e mukhang Oo naghihilik ka na yata hahaha" 

"grabe ha! pagod lang...."natatawang sabi niya

"Ah ok..sige pahinga kana...Goodnight sweetie..."

"sweet naman...sige goodnight din..."

*end

hanggang makarating kami sa condo ay di parin mawala ang ngiti ko. (siguro tinamaman na talaga ako sa kanya...)

pagpasok ko sa lobby ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Honey!" sigaw ni kaye at excited na yumakap sakin

"Kaye? what are you doing here?"

"I've told you I'm in manila right!" sabay halik sakin

"wait! kaye you don't have to do this...tapos na tayo..sige na ipapahatid na kita sa driver para umuwi"

"NO!!!" naparang bata nanaman ito kung umarte

"No kaye! Go home!" awtorisadong sabi ko alam ko kasing yun ang kinatatakutan niya ang may sumisigaw sa kanya

hindi na ito nakapagsalita lumabas kami ng lobby at hinintay ang driver na makabalik galing sa pad ko.

"kaye..we'll talk some other time okay"

nakasimangot lang ito at di sumagot

"Oh ayan na si manong...manong paki hatid po..saan kaba nagiistay?"

"Sofitel" tanging sagot niya"

"paki hatid na po muna sa Sofitel manong pasensya na po.."

"ok lang sir...tara na po maam"

inakay na siya ng driver at isinakay na ng kotse.

"wooh! that was close"

pumasok na din ako sa elevator at pumunta na sa aking pad

pagpasok ay gad nakong humiga sa kama pagod talaga kaya naman di nako nakapagpalit pa ngdamit.

[JASMINE]

{Nanaginip bako kagabi? o talagang tumawag si Dave?}

kinikilig ako nung naalala akong tinawagan ako ni Dave kagabi, para tuloy akong teenager na kinikilig!

Innocent FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon