[MARGARETTE VERA]
Habang nangingig ako sa galit ay muli kong sinariwa ang mga pangyayari nung kabataan ko.at isang malaking sikreto ang nakapaloob dito..
simula ng maghiwalay kami ni William ay VERA na ang pinagamit kong apelyido kay Jaemiee para mailayo siya sa mga tsismis na kumakalat ka isa akong kabit. Dahil nasa amerika si Jasmine ay nanatiling PARK dahil ito'y nasa Amerika.
[FLASHBACK] (27 years ago....)
kailangan mapasaakin si William!! hindi dapat siya mapunta kay Ellen!! AYOKO!! AYOKO!!
kinuha ko ang telepono at tinawagan si William Park.
*ring
*ring
*ring
"hello? William Park speaking"
"William?" umiiyak ako
"Marga?"
"William kailangan natin mag-usap asan ka? magkita tayo!"
"sige,antayin mo ko sa tagpuan..mamaya 6pm"
*end
Hinintay ko siya sa tagpuan namin,6:15pm ng dumating ito
"Marga! anong nangyari? bakit ka umiiyak?"
"kasi....william..." at umiyak na ko ng todo
"Ano? anong problema?"
"b--buntis ako!"
(Oo buntis ako pero kahit hindi siya ang ama kailangan panagutan niya ko! kailangan ko ang yaman niya para maiahon sa pesteng buhay to ang sarili ko!)
"Ano! hindi pwedeng mangyari yan Marga! may pamilya ako! manganganak na si Ellen at di ko pwedeng pabayaan iyon!"
"at ako paano?! mag-kakaanak din tayo! hindi moko pwedeng iwan! kilala mo ang tatay ko!"
"p--pero Marga!"
tumalikod at nag-isip si William kung paano niya aayusin ang problema.
"okay...ganito Marga...ihahatid ko papuntang amerika si Ellen para dun na manganak..andun naman ang mama't papa niya saka kita babalikan dito..."
tumango lamang ako.
Pulis ang tatay ko kaya naman takot dito si William.
Ako ang kanyang sekretarya sa kanyang kompanya.
Naguumpisa palang itong lumago ang "Elle limited Co." isa itong clothing company na pinaghirapan itayo ni William para kay Ellen.
Dahil gusto niyang mapantayan ang estado nito. mayaman at kilala sa buong amerika ang kompanya ng mga magulang ni Ellen.
kaya naman ng makilala ito ni William ay nagsumikap siya para matanggap ng pamilya nito.binigyan siya ng papa ni Ellen ng konting kapital para maitayo ang kanyang sariling kumpanya.
ako ang naging sekretarya niya simula nagumpisa ang negosyo at di nagtagal ay naging magkarelasyon kami dahil narin walang oras sa kanya si Ellen noon.
ilang buwan na ang nakaraan ng lumipad na patungong amerika sina William 4 na buwan na ang tiyan ko noon. bumalik siya sa Pilipinas ng malaman na nanganak nako.
"Ang ganda ng baby natin Will..." sabi ko
"yes..she's indeed beautiful.." tugon niya
"Si Ellen? paano na sila?"
"Wala na kami ni Ellen iniwan ko sila ng anak ko para syo..."
"ano ang sabi niya?"
"masyadong mabait si Ellen, hindi niya magawang magalit at kasuklaman ako...pero ang mga magulang niya ang nagpaaalis sakin ng malaman nila na nabuntis kita.."
hindi nagtagal ay nabiyayaan ulit kami ng anak si Jaemiee..pero sa pagkakataonna iyon ay hindi na naging maganda ang relasyon namin.
6 na taon si Jasmine ng pinadala namin siya sa kanyang tita sa Amerika para doon mag-aral samantalang naiwan samin si Jaemiee na siyang nakakita sa madalas na pagtatalo namin ni William
"Ano William! lasing ka nanaman! yan nalng ba aatupagin mo ha! halos ako na nag papatakbo ng kumpanya!"
"Wala kang pakialam! isa pa hindi kita asawa!"
"mama,papa,wag na po kayong magaway" sabi ng batang si Jaemiee na umiiyak"
"Oo! hindi tayo kasal! pero sakin sa sumama!"
"yun na nga e! napaka tanga ko! bat ikaw ang pinili ko! bwiset!"
Makalipas ang 4 na taon ay tinapos ni William ang pagsasama namin.
"Marga...ayoko na....gusto ko ng bumalik kay Ellen mahal na mahal ko siya maawa ka..."
pagmamakaawa sakin ni William
"ibibigay ko ang lahat ng gusto mo..susuportahan ko ang mga bata..palayain mo lang ako..."
"ibigay mo sa akin ang kumpanyang pinaghirapan mo at makakaalis kana" tangi kong sinabi
Sinunod iyon ni William binigay niya sa akin lahat ng ipinundar niya saka ito umalis. Dahil sa alam ko naman ang palakad ng kumpanya ay ako na ang humawak nito at pinalitan ko ng panngalan ang "M Limited"
---------
----------
[WILLIAM PARK]
Kasalanan ko ang lahat ng ito....kundi ko iniwan si Ellen sana hindi nahihirapan si Dave...sana masaya kaming pamilya...kami lang...hindi dapat namatay ang bunso ko...nuon paman dapat iniaayos ko na ito ng walang nasasaktan ngayon!
[FLASHBACK]
17 YEARS AGO...
Bumalik ako sa amerika para makipagayos kay Ellen. Noon pa man ay siya na ang pinaka mamahal ko.tinanggap parin niya ko ng buong puso at pinatawad. di nagtagal ay pumanaw na ang kanyang mga magulang at sa kanya pinamana ang lahat ng yaman nito. sa akin niya ibinigay ang kanilang kumpany. ako ang nagpatakbo nito. habang ang anak ko naman na si Dave ay malayo at mailap sakin.
"Son I'm your dad..."
"okay"
"let's play son!"
"no! i hate you!"
yan ang laging sagot sakin ni Dave sa tuwing yayayain ko itong maglaro di rin niya dati ginagamit ang pangalan na "Dave" dahil ayaw daw niyang maging katulad ko at dahil Dave William ang pangalan ko.
*********************************************************************************************************
SALAMAT SA MGA SUMUSUBAYBAY!!!!

BINABASA MO ANG
Innocent Fate
RomansaA story of Love that will be changed by Fate..are they willing to give up or fight till the end...