CHAPTER 11

48 1 0
                                    

Nanginginig ako sa galit pero pinipigilan ko ito. ng makita ko na pababa na si Mrs. Vera ay agad akong tumayo at huminga ng malalim.

"Tess....Sino ba yung---" nagukat ito ng makita niya ko at di na nakapagsalita.

"Mrs. Vera"

"Sinong nagpahintulot sayo na pumasok dito!"

"wag kayong magalala di rin naman ako magtatagal may gusto lang akong liwanagin!"

"patay na ang anak ko! tumigil kana!"

"hindi! bakit di niyo sinabi sakin ang katotohanan! bakit hinayaan niyong mamatay si Jaemiee!" sigaw ko

"eto! basahin niyo!" na halos ibato ko na sa kanya ang sulat

ilang sandali pa ay binasa na niya ito at nagsimulang ngumid ang luha..

iniayos niya ang kanyang sarili bago humarap sakit at binigyan ako ng matalim na tingin

"So alam mo na pala! tama ka! kapatid mo si Jaemiee! anak siya ng daddy mo sakin!"

di na halos ako makapagsalita

nang biglang....

"Ma! anong nangyayari dito?" sabay kaming napatingin ni Mrs. Vera sa gawing hagdanan para tignan ang nagsalitang babae...

"J---Jasmine??" hanang sinusundan ko ng mata ang pagbaba niya

"Dave! what are you doing here?" papalapit na siya sakin ng tinawag siya ng kanyang mama

"Jasmine!"

"Ma? anong nangyayari, bakit ako nagsisigawan"nagtatakang tanong nito

halos mapako ako sa kinatatayuan ko.hindi ko na alam kung anong sasabihin ko

nakita kong kinompost ni Mrs. Vera ang sarili at nagsalita

"Anak....meet your brother." taas noong sinabi nito

"h-ha?? brother?!"

"yes! he's the son of your dad"

"Ano to!" tanging nasabi ko

"Jasmine....kk--kapatid mo si Jaemiee??"

"y--yes! s--ya ba yung sinasabi mo sakin?" umiiyak na tanong nito

"Now..alam mo na ang katotohanan makakaalis kana!" pagtataboy ng mama ni JAsmine

Umalis ako sa bahay nila na maraming katanungan.....gusto kong kausapin si dad para maliwanagan ako.

[JASMINE]

"Anak....meet your brother." paulit ulit na naiisip ko

kinausap ko si mama para himungi ng paliwanag

"Ma anong ibig sabihin ng nangyari? totoo ba?" nanginginig na boses ko

"Anak,(humugot ito ng hininga) sila ang  unang pamilya ng Papa mo. Iniwan sila ng papa mo dahil ipinagbubuntis kita." sabay umiyak si mama

umiiyak ako dahil sobrang sakit na malaman na ang taong pinakamamahal ko ay kapatid ko pala,at ang taong minahal niya ay kapatid namin.

"Noong pinag-aral ka namin sa amerika. nagsimulang naging magulo ang relasyon namin ng papa mo 6 na taon ka noon at 4 na taon naman si Jaemiee ng maghiwalay kami at bumalik siya sa kanyang pamilya. sa galit ko ay kinuha ko sa kanya ang kompanyang kanyang pinaghirapan at hinayaan ko siyang bumalik kay Ellen na walang pag-aaring kahit ano kinuha ko iyon lahat para makaganti ako sa pag-iwan niya satin." umiiyak na paliwanag ni Mama

"yun ba yung oras na pinuntahan ako ni papa kay auntie clarice sa amerika?"

"Oo anak...nasa amerika din noon sina ellen." hagulgol nito

Innocent FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon