Chapter 7 : I Dare you

33 1 0
                                    

Michelle's POV

Sabi mo mich ayaw mong makinig? Anong ginagawa mo ngayon?loka-loka na kung loka-loka. Di ko mapigilan ang mapatingin sa direction ni Ethan. Siguro dahil ngayon ko lang sya narinig o dahil siguro magaling sya? Ang gulo. Habang nakikinig ako sa boses nya parang masarap sa tenga na parang hindi mo pagsasawaan. No!..No!... Mich ginagayuma ka lang nya yata eh. Gising!

"Kain na tayo pwede?"sabi ko pagkatapos kumanta ni Ethan.

"Mamaya na lang. Kakakain mo lang din naman di ba? Wag mong sabihing nagugutom kana naman?"dadaldal pa 'tong si Laurene e.nakakainis.

"Matakaw kasi. "bulong pa ng katabi ko.alam naman siguro ninyo kung sino tinutukoy ko diba?kung di nyo alam edi alamin nyo ako pa ba ang magsasabi?sawang-sawa nakong bigkasin sa utak ko ang pangalan ng kumag na yun.



"Like DUHH?sino kaya satin ang mas matakaw?masyado kang judgemental."i rolled my eyes na lang.wag na kayong magtaka kung bakit lalong lumala ang kamalditahan ko.

O!nakakapanibago ah.di sya umimik.nagpatuloy na lang sa pag spin ang bottle hanggang sa matapat sakin.kumanta ako syempre.hindi naman ako magpapatalo sa kumag na 'to noh.kala nya ba sya lang ang magaling kumanta?

Nagspin sila ulit ng bottle at natapat na naman sakin.problema ng bottle na 'to?alam ko na maraming nagpapa-pansin sakin pero please lang wag sa ganitong sitwayon.nakakapagod kayang kumanta.

Nagspin ulit ang bottle at natapat kay Laurene.kumanta sya blah!blah!blah!.nakakainis lang kasi na dapat kami lang ng mga kaibigan ko ang nandito.bakit pa kasi pumunta pa sila dito e. Ito namang si Kate alam naman nyang kalaban ko ang kumag na yun pero ininvite nya pa rin. Ano ba ang gusto nila magka world war B?tss.

"Mich?"

Sigro kung di lang ako mabait malamang pinaglalamayan na 'tong tatlong to.iwan ko basta naiinis lang talaga ako sa kanila.sa tuwing sasama sila samin.magkukwentuhan.churlala ek ek.basta naiirita ako g makita ang pagmumukha nila lalong lalo na ang kumag na to.

"Mich?"

Nagtataka lang talaga ako kung bakit lumipat ng school ang kumag na to. Maybe di natiis ng mga guro ang kayabangan ng taong to.kaya siguro walang mapagdiskitahan at ako ang nakikita.


"MIICCHHHH!"sigaw ni KAte.

"Ano ba.ang lapit lapit lang natin kung makasigaw ka naman parang nasa ibang planeta ako"sabi ko.

"Akala ko nga na abduct kana ng mga alien e.kanina ka pa namin tinatawag nakatulaley ka naman.ano bang iniisip mo at di ka maistorbo?"si Laurene yan.naiimbyerna nako sa baklang to ah.

"Wala bakit nyo ba ako sinisigawan?"tanong ko.

"Nakikita mo yan?malamang nakikita mo may mata ka naman diba?ayan tignan mo ulit.it's your turn girl."si Kate yan.panira talaga ng moment.syempre kumanta ako .wala naman akong choice araw nila ngayon e.

"Ito na ang huling spin pag isa sa atin ang natapatan ng bote sya na ang e didare at kung sino ang magsi spin ay sya ang magbibigay ng dare.deal?"dagdag pa nya.

"DEAL"sabay sabay nilang sabi pero syempre di ako kasali dun.

"Ok majority wins.kahit mag no ka pa mich."sabi nang matakaw nilang kasama.infairness din sa kanya?di sya tumataba.

"Ok. si Ethan ang hindi pa nakakapagspin ng bottle kaya ibibigay ko sa kanya ang pagkakataon.pag isa sa amin ang matapatan ng bottle na yan.ay syang edidare mo.ayos ba yun?"sabi ni Kate sabay wink kay Ethan.

"Sige"mahina nyang sabi.sinimulang nya ng e spin ang bote.

Nako wag lang talaga sakin.pag nagkataon magkakaroon kami ng world war B.(B stands for BANGAYAN).

Stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon