Ethan's POVDingdong... Dingdong...(doorbell)
"Ako na ma"at binuksan ko na ang pinto.
" Hello?"tingnan mo kung sino ang nandito. Ang dalawa kung kaibigang loko loko.
"Ba't kayo naligaw dito?"at hindi ako pinansin. Dirediretso silang pumunta sa sala at umupo sa sofa. Problema ng mga 'to?
" Ba't ganyan ang mga itsura nyo? Mga di mapinta pinta. Problema?"sigurado may problema 'tong isang to. Halata eh.
"Lian? Pre! Anong nangyari?" Supportive bestfriend.
"Wala"sabi nya na nakatingin lang sa sahig.
"Alam mo pre masakit mahulog"sabi ko na di tinatanggal ang tingin sa kanya.
" Ba't mo nalaman? Mind reader ka ba?" Sabi nya na nakatingin sakin.
"Masakit mahulog pag sa sahig ka mahuhulog" pamimilosopo ko.
"Alam mo pre kahit na anong papansin ko sa kanya walang epek eh. Minsan nga napapahiya nako at nabubugbog mapansin nya lang ako."
"Alam ko na problema mo. Si Kate yung kaklase natin nung high school?"tumango na lang sya." Sabi ko na nga ba may gusto ka dun eh. Luke talo ka"
"Yun nga din pinunta ko dito eh. Talo ako sa pustahan" sabi ni Luke na napasandal pa sa sofa.
"Aba't pinagpupustahan nyo pala akong dalawa. Grabe naman kayo kung maka support sakin."
"Naaalala mo tol nung high school tinanong kita ng paulit ulit kung gusto mo si Kate. Pero ang sabi mo wala kang gusto sa kanya. Kaya napagisipan namin ni Luke na pagpustahan kung hanggang college magkakagusto ka pa rin sa kanya.Kaya nanalo ako"
"Pre hindi naman sa pinaglalaruan ka namin pero parang ganun na rin." Sabi ni Luke na umiinom ng tubig sa kusina. Ang bilis nya namang pumunta ng kusina parang kanina lang andito sya kaharap namin.
"Mga ugok wala talaga ako mapapala sa inyo pag kayo kinausap ko. Makaalis na nga lang." Sabay tayo nya at hahakbang na sana paalis.
"Sige na nga tutulong na kami"
"Totoo? Walang pustahan?"
"Di mo ba alam na magkapitbahay lang sila ni Ethan dito?"sabi ni Luke na bumalik na sa pagkakaupo.
" H...hindi"pautal utal na sabi ni Lian.
"Pupunta punta ka dito tapos di mo alam kung san nakatira si special someone mo? Tol minsan kailangam mo ring maging stalker." Pamimilosopo ni Luke.
Binatukan naman sya ni Lian." Sige isampal mo pa sakin yang pag eestalk na nalalaman mo. Marami pa kong baon na ganyan."napahawak naman si Luke sa ulo nya kung saan sya binatukan ni Lian.
"Mas mapapadali ang trabaho." Sabi ko na nakatingin sa labas..
"Ha?anong sabi mo?" Nabingi na ba 'to o ano?.
"Sabi ko mas mapapadali na lang ang pagpapapansin mo kasi malapit lang ang bahay nya rito. It means mas makikita mo na sya palagi. At syempre welcome ang bahay ko para sayo. Kami lang naman ni mom dito eh."
"Salamat 'tol. Life saver ka talaga"
"Ba't Life saver?"
"Life ko na kasi si Kate eh. Kaya your my life saver."
"Eh ako welcome din ba ako dito pag nagkataon na liligawan ko rin si Kate?" Sabi ni Luke. Itong lalaki na 'to walang kadaladala sa bunganga. Ayun nakatikim ng batok ulit mula kay Lian.
![](https://img.wattpad.com/cover/58868471-288-k392619.jpg)
BINABASA MO ANG
Stalking my crush
Teen Fictionwhat is love? Love is blind ang sabi ng karamihan satin. Pero for me panggulo lang yan sa buhay ko. Kasi nagsisimula muna yan sa tinatawag nilang "CRUSH" Maniniwala ka ba kung ang crush ko ang dahilan kung bakit ako nagbago? Ang isang NBSB na katula...