Chapter 6: Double Celebration

40 2 0
                                    

Michelle's POV

"Bahala ka.Basta wag mo kong kakausapin di tayo close "

Habang naglalakad ako pauwi nakasunod pa rin ang loko. Matigas din siguro ang bungo ng isang 'to. Sabagay wala namang malambot na bungo. Asan na ba kasi ang cellphone ko. Kung kailan gagamitin dun din mawawala. Di ba pwedeng sa susunod na araw na lang sya mawala? Halungkat ako ng halungkat ng mga gamit ko sa bag. Baka sakaling makita ko pa.

"Teka ano bang ginagawa mo?may hinahanap ka ba?"nagtanong pa. Mga tao talaga no?nakikita na nga tatanungin pa.

"Ano bang pakialam mo?"Pagsusungit ko sa kanya.

"Sungit naman nito. Nagtatanong lang naman baka sakaling maymatulong pako. "

"Ano ba. Di ka ba talaga nakakaintindi o eexplain ko pa sayo?"tahimik kaming naglalakad pauwi hanggang sa makarating nako sa tapat ng bahay namin.

***

"Best!!! "Sigaw ni Laurence na talon ng talon pagkalapit sakin.

"May narinig ka ba Kate? "Pagbibiro ko pa."Palaka lang siguro yun "

"Talaga lang ha!sa ganda kong 'to? At sa galing kong sumayaw nakapasok ako sa 'dance club'!!!!"sigaw pa nya.

"Talaga? Weh di nga? Ikaw nakapasok?"

"Oo nga. Heto tingnan nyo ang nakasulat"sabay abot ng envelope samin.

Ako na mismo ang kumuha at nagbasa nito. "Thank you for selecting our club. We are glad that your in. "

"See? E ikaw Kate 'san ka nga ulit sumali? "Tanong nya kay kate.

"Cheerleading. At good news nakapasok din ako"sigaw ni Kate at napayakap pa samin ni Laurene. Tili pa ng tili ang dalawa na animo nanalo sa loto.At hinarap nila ako.

"E ikaw Mich? Wag mong sabihin na di ka pa nakakapili?"napatakip ng bibig si Laurene at alam na rin naman ni Kate.

"Di ko kasi alam kung anong pipiliin eh."napakamot naman ako ng ulo.

"Ganun ba?sige kami ng bahala ni Kate dun "

"Ha?at ano na naman ang gagawin nyo aber? "Taas kilay at napacross naman ang arm ko.

"Basta kami ng bahala. Teka nga muna. Bakit di mo kami tinawagan kahapon ha? "

"Nawala ko kasi ang cellphone ko "

"Ganun ba?ibig sabihin naglakad ka lang pauwi?"

"Parang yun na nga "

"Teka Mich gusto sana naming magcelebrate. Sama ka ha? "Sabi ni Kate na nakapout pa.

"Sige walang problema. "

"Magkita na lang tayo sa park. Magdala din kayo ng pagkain magpipicnic tayo"sabi ni Kate.

"Oh sige game. "sabi ko.At nag apir ang dalawa. Problema ng mga 'to?

***

"Mich dito"sabay kaway ni Kate sakin.

Inilapag ko ang dala kong pagkain sa tabi ni Laurene at humarap sa dalawa.

"Oh ano na?"pag-o-open ko ng topic.

"Gusto sana naming magjamming ni Laurene"nakatingin lang sila sakin .

"Oh ba't di nyo na simulan?"

"Yun nga eh. Walang kakanta. Panget naman siguro na nag-gigitara ako dito tapos walang kakanta, diba?" Hawak na ni Kate ang gitara pero hindi pa nya sinisimulan dahil sa walang kakanta? Anong gustong palabasin ng dalawang 'to?

"Ba't di mo pakantahin yang si Laurene?"

Napa-cross naman ang arms ni Laurene " no! Masisira vocal chords ko"

"Wala ka kayang vocal chords! Joke lang ito naman di na mabiro" alam ko na kung anong umiikot sa mga utak ng dalawang 'to

"Sus!ikaw ha. Nagmana ka na sa katangahan ko minsan."sabi ni Laurene na kumakain ng dala kung spaghetti.

"Hoy besty mamaya pa yan"

"Sorry nakain ko na eh."

"Sige na Best kanta kana. Please? Please,Please?" Nagpout pa si Kate at umirap irap pa sakin. Nagpapacute lang 'tong isang 'to eh.

"Hi Kate!"b..ba..bakit sila nandito ?

"Hi upo kayo"pagiimbita ni Kate sa tatlo.

"Akin na nga yan"kinuha ko ang spaghetti na kinakain ni Laurene at sinubo ng sinubo sa bibig ko hanggang mapuno.

"Ano ba. Kumuha ka nga ng sarili mo. Pag ako may rabis nako sinasabi ko sayo best ha. Matakot kana"di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Siguro di lang talaga ako komportable sa tatlong 'to. Iwan ko ba. Nakakahinala lang kasi.

"Best pasensya na kayo ha. Di ko nasabi agad sa inyo na..."

"Na ano?boyfriend muna yang mayabang na yan?"ito namang si Laurene makareact wagas! Di pa nga tapos magsalita ang isa dudugtong na.

"Gaga hindi! Ibig kong sabihin 'di ko agad na sabi sa inyo na sasamahan nila tayong magcelebrate. Plano din kasi nilang magcelebrate. So napagisip-isip ko na yayain sila para double celebration"pagpapaliwanag ni Kate.

Sandali lang nabulunan ako.

"Oh tingnan mo 'to nangunguha kasi ng pagkain ng iba eh. Oh heto! Tubig para naman mahimasmasan ka"inabutan agad ako ng tubig ni Laurene .

"Ok ka lang best?"tanong ni Kate.

"Yeah! I'm fine" a lie syempre. Ikaw ba naman ang mabulunan ok lang sayo?masakit kaya sa lalamunan.

"Matakaw kasi"bulong pa ni Ethan na dinig na dinig ng dalawa kung tenga.

"Anong sinabi mo?ako matakaw? Ha! Kaibigan mo nga di mo masabihan "

"Eh ano naman sayo kung di ko sya masabihan?"

"Wow!ang sama-sama talaga ng ugali mo 'no? Mabuti na rin siguro na di tayo maging close. Baka mahawa pa ko sayo"

"Sandali lang ha. Mabait ako sa taong mabait sakin. Masama ako sa taong masama din sakin. So quits lang tayo pagdating sa kasamaan"

"Excuse me? Solohin mo mag isa ang kaitiman ng budhi mo. May quits-quits ka pang nalalaman?"

"STOP!"sigaw ng apat.

"So ok na?pwede na kaming sumingit?"tanong pa ni Kate. Si Laurene tawa ng tawa sa mga nangyari .

"Gusto sana naming magjamming ang problema walang kakanta. May magaling ba sa inyong kumanta?"tanong ni Kate kay Lian.

"Si Ethan magaling yan"sabay turo nya kay Ethan na nabigla sa sinabi ng kaibigan.

"Ayoko nga!"sabay talikod pa nya. May dugong bastos talaga 'tong lalakeng 'to eh. Relax Mich.Relax. Inhale. Exhale. Argh!nakakainis na talaga 'tong kumag na 'to kung di lang talaga special ang araw na 'to sa mga kaibigan ko. Siguro bugbog sarado na 'to sakin.

"Ito na lang"kumuha si Kate ng isang bottle."mag spin the bottle tayo. Kung sino ang ituro ng bottle sya ang kakanta. Kung sino ang maraming turn sa pagkanta ide-dare. Game?"

Sinimulan na ni Kate ang pagpapaikot sa bote. Nang mag-stop kay Lian. Kumanta si Lian at kinilig naman 'tong si Laurene. Buti pa 'tong si Lian may kabaitang tinatago. Itong katabi ko?Arghh! . Oo. Tama. Katabi ko lang sya. Iwan ko ba kung bakit iba ang ugali nito sa mga kaibigan nya.

"O Ethan ikaw na."sabi ni Luke ng mag-stop ang bote sa tapat nito.

"Pass!"

"Kung di ka kakanta mapipilitan kaming e-dare ka?"sabi ni Laurene na kain pa rin ng kain.

"Sige na nga. Tss.Gitara." Inabot naman ni Lian sa kanya ang gitara. Nagsimula na syang magstrum. Ayokong makinig baka mahawa pa ko sa kasamaan ng taong 'to.

Stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon