Michelle's POV
Sige na ako na ang tatanga tanga na sumunod din. Bahala kayo kapag gumulo ang bahay. Nakarating na kami agad sa bahay ko. Narinig siguro ng mga kapatid ko ang ingay kaya nag silabasan sa mga lungga. Iwan ko ba!
"Dyan mo na kayo sa sala kukuha lang ako ng panggamot dyan sa bukol mo"sabay turo ko kay...ano nga ba pangala nun ulit? Efren? Edward? Ah iwan tatanungin ko na lang sya mamaya.
Kumuha ako ng first aid kit sa kusina at agad na ibinigay sa kanila. Problema ng mga to? Dito na nga gagamutin sa bahay ako paba ang gagamot? Spell ASA.
"Hala ate anong nangyari dyan?"umupo si zoey sa tabi ko habang tinitingnan nya si... sino nga ba pangalan nito?
"Ate sino sila?"tanong ni Zach na tinuro turo ang mga kalalakihan."Siguro boyfriend mo yan no?kuya boyfriend ka ba ng ate ko?"bago pa sya makasagot inunahan ko na baka gumawa pa ng istorya.
"No Zach it's ate's friends. Tapos nyo na ba homework nyo?"
"No ate hinihintay po kasi namin kayo. "
"Busy si ate ok?"habang kinakausap ko ang mga kapatid ko di ko na namalayang nanunuod na sila ng sine. Feel at home lang ang peg?
Nagamot na ang sugat ng guy kaya umuwi na rin agad sila. Alangan naman manatili pa sila dito. FC lang?si Laurene na ang humatid para siguro masolo ang tatlong boys.
***
Ethan's POV
Mataray,masungit,mainitin ang ulo. Yan ang katangian ng kaibigan ni Kate.
"Tol andyan ka pa ba?" Sigaw ni Luke.
"Oo naman bakit?"
"Oy! pre OK ka lang? kanina ka pa namin tinatanong kung bakit kako kailangan pa nating magpanggap na nasa kabilang subdivision pa ang bahay natin?"pailing iling na sabi ni Lian.
"Alangan namang sabihin ko na 'wag nyo na akong alalahanin kasi magkatabi lang naman bahay natin' Hello gising pa ba yang utak nyo?dapat nga magpasalamat pa kayo kasi mas nagiging close na tayo sa kanila"
"Ang baduy mo 'pre!San mo yan nahuhugot? "Sabay subo ng kinakain nya. Ang takaw takaw talaga kahit kailan nitong si Luke. Pero ang mas nakakapagtaka ay bakit di sya tumataba? Sya na siguro ang pinagpala saming tatlo.
***
"Ethan ano na ang napili mong club? "Singit ng kaklase ko habang nag uusap kami ng mga kaibigan ko.
"Di ko alam. Bahala na si batman kung san ako papalaring matanggap dun na lang siguro ako. Ikaw Luke san mo gustong sumali ?"
"Sa foot ball club siguro, niyaya nako ni coach kanina"
"E ikaw Lian?"
"Kung san gustong sumali ni Kate dun na din ako"nakapagdesisyon na pala silang dalawa na di man lang ako sinabihan na may gaganapin na pagpili ngayon.
Nag iingay na ang buong klase. Wala kasi kaming Prof.dahil sa anniversary ng school kailangan naming mamili ng club na sasalihan.Napatingin ako sa lugar nila Kate na napakaingay.
"Hoy!Mich sumali kana dun. Please?"kinakausap nya ang tulog. Goodluck na lang sa kanila kung magising pa yan."Isusumbong kita kay tito pag di ka pa dyan gumising !"
"Ano ba naman Mich hindi ka ba talaga sasali o wala kang sasalihan na club?"tanong ni Laurene .
"Mich hindi ka talaga gigising dyan? Isang pindot ko lang isusumbong na kita kina tita."sabi pa ni Kate habang hawak hawak ang cellphone at pipindutin na sana nya ng agawin ni Mich ang cellphone na hawak nya. At naghabulan na parang bata.
BINABASA MO ANG
Stalking my crush
Ficção Adolescentewhat is love? Love is blind ang sabi ng karamihan satin. Pero for me panggulo lang yan sa buhay ko. Kasi nagsisimula muna yan sa tinatawag nilang "CRUSH" Maniniwala ka ba kung ang crush ko ang dahilan kung bakit ako nagbago? Ang isang NBSB na katula...