Chapter 9:

18 1 0
                                    

Michelle's POV

"Anong ibig mong sabihin kanina?"tanong ni kumag. Nasa loob na kami ng kotse nya at ginagamot na nya ang kamay ko na nasugatan ng string ng guitar.

"Ang alin?"tanong ko sa kanya.

"Yung 'iuwi mo nako' line mo kanina?masyado ka namang mabilis di pa nga kita masyadong kilala e. Pero kung gugustuhin mo bakit hindi diba?"napaka-green minded naman ng lalaking 'to.

"YAHH!!!"sigaw ko ulit sa kanya.            "Sabi ko IUWI MO NA KO SA BAHAY NAMIN HINDI SA BAHAY MO!! Napaka dumi naman ng utak mo."pagpapaliwanag ko sa kanya. At ng matapos nya ng lagyan ng bandage ang kamay ko agad ko naman binawi sa kanya.kanina pa nya nahahawakan ang kamay ko. Ang awkward lang tingnan. Arghh!magkakawrinkles ako nito eh.

"Ihahatid na lang kita sa inyo"at sinimulan nya ng paandarin ang kotse.

"Mabuti pa nga. Sa susunod na pumunta tayo dito PLEASE lang ha. Wag gabi."sabi ko at sinigaw ko pa sa kanya ang word na PLEASE.

Tahimik ang byahe namin hanggang sa makarating sa tapat ng bahay namin. I mean hindi namin dalawa kundi bahay ko at ng pamilya ko ha.baka kung ano anong mga naiisip nyo.

"Thanks for today"at sinirado ko na ang pinto ng kotse nya.

"Welcome.O sa susunod ulit,bye"close na ba kami?NO. NOWAY talaga.

*END OF FLASHBACK*

"Arggh!anong gagawin ko!?last day na ng school anniversary bukas pero ni isa wala pa kong napipili na club na sasalihan. Bahala na nga tutal malapit na rin akong grumaduate."bumangon ako at tumambay sa balcony ng kwarto ko. Hindi na naman ako makatulog dahil sa mga pinagsasabi ni kumag. Napapaisip tuloy ako kung sasali ako o pababayaan ko na lang. Napahawak ako sa kwentas ko habang nagiisip kung ano ba ang dapat kong gawin.

***

Nagising ako nang maaga kaya nakapasok din ako ng maaga sa school.

"MICH!!!!"tawag ni Kate. Papasok na sana ako nang gate ng tawagin nya ako.

"Himala ang aga mo ah?o anong nangyari kahapon? San ka nya dinala?"sunod sunod nyang tanong.

"Pwede ba isa-isa muna ang dami mo namang tanong"magakasabay kaming pumasok ng campus ni Kate at tumungo sa room namin. Kinuwento ko sa kanya lahat ng pinanggagawa ni kumag sakin kahapon.

"Ganun ba. Pero ang bait nya,infairness sa kanya ha!"yun na lang ang nasabi ni Kate matapos kung makuwento sa kanya lahat ng ginawa ni kumag.

"Mabait?san naman nanggaling yun?"

"Uhmm.I smell something fishy?"

"Hoy!naligo ako.sariling amoy mo lang yan!?"

"I mean parang may light kapag magkasama kayo.ano nga ba ang tawag nila dun?SPARK?tama yun nga!may SPARK kayong dalawa"

*sigh*"kate!?tigilan mo nga yan.napaka wierd mo ha"

"MICCCHHH!!!!"sigaw ni Laurene papalapit samin at may ikinakaway na papel." Heto!kailangan mo yan para mamaya"sabay abot ng papel na hawak hawak nya.

"Aanhin ko naman 'to?"tanong ko habang tinitingnan ang nakasulat sa papel."Biodata ba to?"

"Basta!fill upan mo na lang. Bilis ang bagal naman eh"sabay tulak sakin papasok ng room.

"Sandali lang naman. Nagmamadali-nagmamadali?"sabay upo sa upuan ko."Wala pala akong ballpeng dala."

"Heto.alam ko na mangyayari to kaya prepared ako."inabot nya sakin ang ballpen na dinukot nya galing sa bulsa nya."permahan mo na  din dito"turo nya sa bandang baba ng papel.

Stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon