Mag isa lang ako dito sa bahay nila Sammy at Sachael. Mag aaral daw sila. Pero parang ang tanda nA ata masyado ni Sachael para dun.
Nag ikot ikot nalang ako sa buong bahay nila. Nacurious naman ako sa isang pinto sa may bandang gilid ng living room
Binuksan ko ito at tumambad sakin ang isang cute na kwarto maraming upuan at lamesa ang nakahilera. Mga kung ano anong klase ng ice cream ang naka design sa ding ding.
Kaya naman tuluyan na akong pumasok. Ano kayang lugar to?
"Ate sammy anong gingawa mo dito?" Napatingin naman siya sa nagsalita sa may pinto
"Sammy ikaw pala. Nacurious kasi ako masyado sa pinto na kaya binuksan ko at ito nakita ko. Ano ba to?"
"Our store. Ice Cream Shop to be exactly." Tuwang tuwang sabi nito
"Ahhh. Wow. Sainyo talaga? Pwedeng ako din,magkameron nito?" Manghang maha kong paglilibot sa kwarto
"Yes but. Si Untie nag mamanagd nito since nag aaral pa kami. Natulong din kami dto ni kuya Sachael. Hmm. May naisip ako. Baka gusto mo magwork, dito nalang pero wala pa si Untie. Baka sa next week pa dating nun dito at saka ulit kami mag oopen"
"Ahhh. Sige bA. Gusto ko yun. Diba masarap yung ice cream?"
Nababasa ko lang kasi yun sa libro"Hahahaha. Mapagbiro ka talaga. Alam mo naman lasa nun no. Pero mas masarap yung ice cream namin." Proud pa siya
"Ahh oo. Hehe" okay? ><!
"Ayyy oo nga pala. Una na ako. Umuwi lang ako dito dahil sa report ko. Sige ingat ate. Bye"
Bago pa ako makapag paalam ay bigla na itong nawala.
Pumunta nlang ako dun sa isang sulok na,may nakalagay na "counter" nakita ko naman ang ibat ibang lalagyan. Lalagyan siguro ng ice cream. Nagtungo naman ako sa di kalayuang pinto dito sa counter at binuksan yun. Sumalubong sakin ang lamig ng kwartong yun. Siguro dito nila nilalagay ang mga Ice Cream.
Sila kaya ang nag gagawa ng mga iyon..
Nag kibit balikat nalang ako at umupo nalang sa isang upuan na malapit lang sa counter.
"Mukang masaya ang pagiging tao mo ahh"
Hindi na ako nagulat at nagtaka dahil sakanya. Kabute yan e!!!!
"Anong kay langan mo Angelo?"
"Seryoso tayo jan ahh" biro nito pagkaupo sa tapat na upuan sakin
"Ewan ko sayo. Susulpot ka ng susulpot talos mang aasar lang."
"Si Angel mainit ulo. Haha!" Pang aalaska pa nito sa akin.
"Ee panong hindi. E di ko alam kung anong ginagawa ko dito. Di ko din alam kung anong mangyayari sakin dito. Gusto ko lang bumalik na ako sa dati."
"Then Kill him"
Ayan na naman siya!!"Anong bang pumipigil sayo. Tsk! Basta Angel pag nagawa mo na yun. Wag ka mag alala kay Baby Sammy. Ako bahala sa MyLoves ko. " sabay kindat sakin
"Kung binabatukan kaya kita. Umayos ka nga! Ikaw ata may gusto maging tao, bakit ako pa naging tao. Kainis"
"Haha. Ayoko nga. Basta ilakad mo ako kay Baby Sammy ahh"
"Magtigil ka Angelo! Baka ikaw mapatay ko. Walang kang pag asa kay Sammy. Bwisit to"
"Ang bitter mo ahh. Porque hindi ka lang napahiram ng libro ni Sachael nung isang linggo. Naging bitter ka na."
"Isa nalang talaga! Tumigil ka na aah"
"Gusto mo naba talaga bumalik?" Seryoso siya nakatingin sakin
"sobra! Wala na ba talagang ibang paraan, naguguilty ako para kay Sammy kasi sobrang bait niya sakin."
"Pero pano ka Angela? Habang buhay ka nalang magiging tao?"
"Sige. Gagawa ako ng paraan. Dapat mamatay si Sachael."
"Good. Aantayin ko yan. Ako bahala kay Sammy"
Bago pa ako makasagot at nawala na agad ito."Pero alam ko naman na di ko magagawa yun. Magtitiis nalang ako sa pagiging tao ko kaysa patayin yung taong kumupkop at nagpakain sakin"
"Anong ginagawa mo dito?" Napatayo agad ako sa gulat ng magsalita si Sachael sa gilid ko
"Ahhh. Wala naman. Nacurious lang ako kaya pumasok ako." Nanginginig pa ako habang nagsasalita
"Makakaalis kana" cold nitong sabi. Kaya dali dali akong pumunta sa kwarto ni Sammy
"Naranig niya" salubong sakin ni Angelo pag pasok ko
"Alam ko. Anong gagawin ko?" Nag aalala kong tanong
"Let it be hayaan mong malaman niya kung ano talagang pakay mo sakanya "
"Pero---"
"Diba gusto mo makabalik. Gawin mo kung anong dapat gawin." Seryoso na naman siya nakatitig sakin
"O..oo"
"Tama yan Angel. Intayin kita" nawala na ulit siya
"Sorry Angelo :( hindi."