Trouble

8 3 0
                                    

"Pagpasensyahan mo na talaga yung batang yan ah. Ganyan lang talaga yan pero mabait naman niya." Tukoy ni Untie kay Sachael

"Okay lang po yun. Wala pong kaso sakin. Kasalanan ko din po kasi."

"Okay lang yun Cha. Basta sasabihan mo lang si Untie pag may problema ka" nakangiti akong niyakap nito

"Haha salamat Untie.. teka untie. Ang dumi ko po haha" hiwalay na ako sakanya. kakahiya naman kasi, ang dumi ko pa. Kakasara lang kasi naminng Shop. Kaya eto, haggard!!! 

"Tama na yang pag lilinis mo dyan. Pumasok ka na sa bahay para makapag pahinga kana din."

Tango nalang ang naisagot ko. Nag paalam na din si Untie pag katapos niya i-check ang buong Shop.

Dahil na rin sa pagod ay umupo muna ako.

Ang dami na naman kasing palpak na nagyari! :/

"No way Alice! Tigilan mo na nga ako!!" 

Nakita ko nalang si Sachael na papasok ng Shop galing sa loob ng bahay. May kausap ito sa phone niya at halatang kong naiinis na ito. Buti nalang talaga nandito ako sa may counter. Baka kasi pag napansin niya ako,baka ako pa pagbuntunan ng galit niya. Aba! Masyado na siyang quota!

"Ilang beses ko nabang sinabi sayo na wala!"

Ayyy. Ang sungit talaga. Pero pinagtataka ko lang sino ba kausap niya? Bakit kaya siya galit?

"I said Stop~~~"

*Toot Toot*
Uy! May nagtext sakin.

Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tiningnan ko kung sino ang nag text.

Bigay ni Sammy to sakin. Hindi na ako tumanggi,bakit pa ako tatanggi kung kukunin ko din naman sa huli sa sobrang kakulitan ni Sam. Tinuraan niya na din ako sa nakakahilong paraan ng pag gamit ng cellphone. Buti nalang nakayan ng mga brain cells ko na yung pag dedemo niya.

"Where are you ate Cha. Tulog na tayo. :*"

Si Sam lang pala. Bakit hindi nalang siya bumaba dito at tawagin ako. Napapansin ko lang medyo tamad si Sam ^^

Magrereply na sana ako ng may magsalita

"Balak mo ba talagang matulog dito sa Shop"

Sasagot na sana ako ng Oo bilang biro pero napagtanto ko na si Sachael pala itong kausap ko.
Tumunghay ako sa kanya dahil naka upo ako dito sa sahig at nakatayo siya sa may harapan ko.

"Nagpapahinga lang sandali" todong ngiti ko sakanya.

Nagka phobia na ata ako sa tuwing siya ang kausap ko. Parang natatakot ako o kung ano ba.

"Kanina ka nandito" dagdag pa nito

"Ahh oo. Naglinis pa kasi~"

"Ano pa ginagawa mo dito. Alis na!" Pagputol niya sa pag sasalita ko

"Nako! Nagtitimpi lang ako sayong lalaki ka aah!" Bulong ko habang patayo na ako.

"Bilisan mo nga!"

Naalerma naman ako ng bigla siya sumigaw kaya biglaan din ang pag tayo ko.

At dahil dun di ko na naalalang naka indian seat pala ako. Kaya plakda ang nagyari sakin..

"Talaga nga naman! Lagi bang minamalas ang mga tao? oh ako lang ang bukod-tangi!"

"Tanga kasi. Ang clumsy mo naman! Tsk!" Walang ano-anoy umalis na siya.

"Bastos talaga! Hindi man lang ako tinulungan. Nakakaasar na ah!"

Pinilit ko nalang tumayo kahit masakit yung paa akong napurahan dahil nga daw sa katangahan ko! Buset!

"Hanggang kailan mo titiisin yan?"

"Nako. Angelo. Tigiltigilan mo ako ha. Ano! Susulpot ka na naman diyan tapos sesermonan mo lang ako? Pwede bukas nalang quotang quota na ako." Masakit man ang kaliwa kong paa pinilit ko pa din makatayo

"Oh! Nagtatanong lang naman ako ah. Hahaha. Binisita lang kita. Tulog na kasi yung binabantayan ko sa taas" tuwang tuwa pa siya

"Tigilan mo yang si Sammy ahh. Makakatikim ka talaga sakin.!"  Banta ko

"Wala naman ako gingawang masama ahh."

"Ang defensive mo naman! Napaghahalata ka ah!" Nakangisi kong sagot

"Wag nga! Basta pag may nanliligaw na kay Sammy sabihin mo agad sakin. Malamang bugbog yun sakin."

"Ang hangin. Bakit kasi ayaw mo pumayag sa deal natin"

"Angela. Kahit gusto ko alam mong hindi naman pwede yun." Malungkot na sabi nito

"Kung gawin mo kaya yung gawin ko. Para makasama mo si Sam.?" Taas babang kilay kong suggest

"Baliw. Alam mong madami kang responsibilidad na iniwan sakin. Kawawa na nga yung kagwapuhan ko. But na lang Baby Sammy.pang stress reliever ko."
Ang yabang yabang talaga nito.

Nagsimula na akong maglakad pa punta sa pinto na nakakonekta sa bahay. Nakalock na din kasi yung main door ng shop. At hussle din naman kung dun pa ako papasok sa front door ng bahay.

Iniwan ko nalang na nagtatatalak yung mahangin na yun dun. Hindi na naman ata ako napapansin dahil sa kanyang mga iniimagine! Bakla ata yun. Tss!

"Ayyy! Bakla!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"Wag ka nga sumigaw, tulog na si Untie at Sammy." Naiirita ito

Malay ko bang nasa gilid lang siya ng pinto. Tambayan ba niya tong pinto?! Kaasar. Siya na nga nanggugulat siya pa galit.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Pinagpawisan naman ako sa gulatang iyon.

"Napag-utusan, kahit ayoko. Kaylangan. Bakit kasi mas mabait pa sayo si Untie kesa sakin." Sabi nito at nagsimula na naman maglakad.

Inilock ko na agad yung pinto ng shop at para maabutan siya binilisan ko naman ang paglalakad ko

"Awww!" Napaupo nalang ako dahil sa sobrang kirot ng kaliwang paa ko.

Totoo nga atang ang tanga ko! ><

"Imbis na natutulog na ako, magbubuhat pa ata ako ng tanga"

Pasalamat kang ugok ka , kung wala lang si Sammy at Untie matagal na kitang pinatay!
Sa isip isip ko.



Fools Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon