Beat

12 3 0
                                    

Sumampa na agad ako sa likod niya dahil ang sama nang tingin niya sakin.

Pasensya kung nag aalangan. Baka kasi sa sobrang inis mo sakin ibato mo balang ako kung san.

Habang naka pangko ako sa kanya hindi ko mapigilan maamoy ang leeg niya. May ilong naman kasi ako

"Fvck! Stop doing what you're doing right now."
Bigla naman akong napahiwalay sa leeg niya dahil sa sigaw niya. At ayun. Muntikan na ako mahulog.

"Tsk! Konti nalang talaga hahayaan na kitang matulog dito." Banta niya

"Sorry" nalang ang nasabi ko.

Sa kabilang side nalang ako tumingin at wala!!.. naamoy ko pa din siya . Binubuhos kaya niya yung pabango niya sa kanya.

Bakit ganito. Iba ang feeling.
Bukas na bukas hihingi ako sa kanya ng pabango niya.

"Pwede ka ng bumaba. Ang bigat mo!"
Napatigil ako sa mga iniisip ko ng mapansin kong nasa tapat na pala kami ng kwarto ni Sammy -na ang katapat ay kwarto niya

Bumaba agad ako sa sobrang hiya.

"Salamat." Yan nalang ang nasabi ko at iika ikang pumasok sa kwarto ni Sammy.

"Someone is inlove" kanta ni Angelo na nakaupo sa may kama kung saan natutulog si Sammy.

"Makakaalis kana. Tutulog na ako. Baka magising pa si Sam."

Umupo na din ako sa tabi ni Sammy. Malaki naman itong kama niya kaya kasya kaming dalawa.

"Umamin ka muna!" Pangungulit ni Angelo.

Tinulak ko agad siya kaya nahulog siya sa kama.

Nahahawakan ko siya at walang kaso dun kasi hindi naman ako normal na ata. Naging tao lang ako. At ang mga normal na tao lamang ang bawal makahawak ng kagaya namin~~… nila pala.

"Sasabihin lang na oo. Ayaw agad"
Nagtatampo itong tumayo

"Oo na kung oo.basta umalis ka nalang" sabi ko para tumigil na siya

Nagbulangot nalang ako para hindi na siya makaapela.

"Haha. Kahit naman anong tago mo. Kita ko pa din na may something. Unang beses palang. Sa hindi mo pag paslang sakanya. Napatunayan ko na agad."

"Oh? Anong ipinaglalaban mo? Umalis kana . Matutulog na ko" nakabulangot pa din ako

"Ayaw mo lang pansinin. Inlove ka na sakanya. Inlove kana kay Sachael Vega"

Mamaya pa ay di ko na narinig si Angelo. Malamang nawala na naman bigla. Mabuti nga iyon.

Pero hindi ko mapigilan mag isip .

Ganon na ba talaga ngayon. Sa hindi ko pagpatay at pag amoy kay Sachael naka base ang pagka inlove ko sakanya.

Ang weird talaga ni Angelo. Ayaw nalang asikasuhin yunv mga trabaho niya.
Pinapagulo Niya lang yung magulo ko ng utak.

Paano kaya ako bukas. Siguro naman maayos pa akong makakapag lakad.
Buset kasi itong si Sachael.
Wala manlang atang 'GENTLEMAN' na salitang alam.

Pasalamat na din ako . Dahil kung wala siya at niya ako tinulungan makapunta dito, siguradong nandun pa ako sa sala hanggang ngayon.

Ano kayang iniisip tungkol sakin ni sachael.
Malamang nag bubuo na naman yun ng sentence para sa mga katanghang magagawa ko bukas.

Kung yung pag mumura niya sakin o pagbubunga nga sakin ay makakapag balik sakin dati, malamang matagal na akong wala dito.

*****

"D@mn! What's happening to me.!.. bakit imbis na lumalayo ako sakanya ay lumalapit pa ako. Masama siya! Pahamak lang ang dala niya"

"That Crazy girl. Bakit pa ako nag sinungalin na pinapasundo siya ni Untie. Ano bang pumasok sa kokote ko para intayin siya"

Naiinis nalang na napasabunot siya dahil mga nagawa niya.

"This beating inside my body is not normal anymore!"

Fools Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon