Mag iisang buwan na din nung marinig ni Sachael yung usapan namin ni Angelo. Hindi pala! Ako lang pala. ><
At simula nung araw na yun naging cold na siya sakin.
ayos nga yun e. Para walang problema. Pero may kulang."Hey! Earth to Ate Charm!"
Napatigil naman ako sa pag iisip ko"Ha? Ano yun Sam?"
"Space out lang?? Ganun?? Sige ka. Matutunaw na yang ice cream.
At oo nga pala. Nagsimula na akong magtrabaho dito sa ice cream shop nila at na meet ko na din si Untie Hana. Sobrang bait niya na siyang nagpapadagdag ng guilty sakin.
"Ahhh sige. Dalhin ko lang to dun. " paalam ko sa kanya at nag punta na sa table na gusto pa dalhin sa kanila yung order nila. Self Service kaya dito. Mga pasaway na babae.
"Thank you po" sabi sakin ng isa
Bago makaalis ay nag salita yung katabi niya
"Ate? Pwede magtanong?" Tumango nalang ako bilang sagot
"Hhm. Ano kasi .. may number ka ba ni Yael?" Halatang kinikilig pa ito. Tss!
Teka. Sino yun? Yael? Wala ata akong kilalang Yael.
"Yael? At anong number?" Naguguluhan ko pang tanong. Malay ko ba sa mga number na yun. 1-100000 lang alam kong number
"Ayaw mo lang sabihin samin e, please Ate, please?" Pagmamakaawa nung isa
Sasagot na sana ako na di ko talaga alam pero biglang sumulpot si Sam.
"Tumigil nga kayo! Anong number ni Kuya Sachael!! Walang cellphone yun! Kung hindi kayo titigil sa pangungulit, umalis nalang kayo sa shop ko!" Maarteng sigaw niya sa tatlong babae na ngayon ay tahimik at nakayuko na
"Sorry Sammy" mangiyakngiyak pang sabi ng isa
"Dapat lang no! Kainis-"
Di ko na pinatapos si Sammy sa pagbubunganga niya sa mga yun. Kawawa naman. Nagtatanong lang naman. OA lang talaga to si Sammy
"Tama na Sam. Kawawa naman mga yun. Nagtatanong lang sila" sabi ko habang nasa counter kami at mag aantay ng mga customer.
"Hay nako. Ate , hindi mo na itatanong pero lagi yang mga yan andito at mayat maya nanghingi ng number ni Kuya" naiinis na sabi nito
"Ano bang number yun. At saka hindi naman yung kay Sachael yung hinihingi nila. Kay Yael daw. Wala naman akong kilala na ganun"
"Feeling Close yang mga yan. Nakiki-Yael kay Kuya, nickname kasi ng relatives namin kay Kuya is Yael." paliwanag nia
"Aaaaah. Ano naman yung number na hinihingi nila?"
"Oo nga pala. Wala ka pang phone. Bukas na bukas ibibili talaga kita. Nawala sa isip ko dahil sa school. Ngayon lang kasi ako nakapagbreak. Saturday lang naman ngayon."
"Ah. sige" oo nasagot niya nga yung tanong ko ><!
"Ano. Magdadaldalan nalang kayo dyan?"
Ang cold niya talaga.
"Ang KJ mo kuya Yael." Sabi ni Sam
"Stop calling me by that name" malamig pa ding tugon nito
"Ay. Ang arte naman nito. Bahala ka nga! Pupuntahan ko nalang si Untie dun sa loob" sabi ni Sam na tinalsik pa ang buhok sa harap ni Sachael at umalis na
"Ikaw? Ano pa tinatanga tanga mo dyan?" Sabi niya ng seryoso
Ang Bad niya ha! Siya palang nagsasalita sakin ng BadWords. Susubong kita kay Lord!!!
"Eto na nga oh! magliligpit na ako." Sabi ko at dalidaling nagpunta sa Dishwashing Area.
Tss. Bat ba dito pa ako napunta. Ang dami kasing huhugasan. Wrong Move! ㅠ.ㅠ
Nasa kalagitnaan na ako ng pagliligpit ko pero ramdam ko pa din ang titig niya sakin. Tss. Siya nga ee. Walang ginagawa! Tapos ako pa papagalitan niya. Sumbong ko si kay Untie Hana.malamang lagot na naman yan. Hindi ko naman kasalanan na mas pabor sakin si Untie. Hehe
"Hello! Hindi mo ba talaga kukunin order ko?" Narinig ko namang may nagsalitang babae dun sa may counter.
"Im sorry Miss. What's order again?" Rinig kong Bati naman niya dun sa babae. Hindi ko sila nakikita kai naka talikod yung pwesto ng dish wasing area sa counter pero tago naman ito
"Pasalamat ka gwapo ka aahhh . blahhh. Blaaah.. blahh.."
Gwapo daw. Saan banda? Bulag ata si Ate. Ewan ko lang kung malaman mo ugali niyan. Madamot. Snobber. Mainitin ulo. Hay.. pangit kaya siya---
*boooogsshhh!!!
Opppsss! Patay!
Napatampal nalang ako sa noo ko kahit may mga bula pa kamay ko.
Sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na si Sachael na galit na galit.
"Ahh. A-ano.. iba..ibawas mo nalang sa sahod ko yung nabasag ko ulit. Pasensya na" sabi ko nang pinupulot ko yung mga bubog sa sahig
"Ano ba! Hindi mo ba talaga kayang ayusin yang trabaho mo! Parang mag huhugas lang. Hindi mo pa kaya! Sa mga nababasag na mga baso mo nalang ba uubusin yang mga sahod mo! Lintik naman yan. Tanga ka na nga, ang bobo mo pa!" Sigaw niya sakin..
Ewan ko, pero sobra akong nasaktan. Hindi pa ba sapat sakanya yung lagi niya akong tinatawag na Tanga. Tapos ngayon Bobo pa.
"Yael ano ba yan? Bakit ka ba sigaw ng sigaw.?" Narinig ko si Untie.
"Pagsabihin niyobyang babaeng yan. Imbis na nakakatulong nakakapurwisyo pa." sabi ni sachael na padabog pang umalis
"Hoy. Sachael. Wag kang bastos ahhh. Mag usap tayo.... Cha pasensya na talaga sa ugali ni Yael. Yaan mot kakausapin ko yung batang yun." Sabi ni Untie sakin at sinundan na si Sachael
"Ayyy! ATE CHARM. ANO NANGYARI?" hysterical na pumunta sakin si Sam
"OA mo Sam ahhh. Okay lang ako. Wala yun." Tunghay ko sa kanya sabay ngiti
Nagulat pa siya ng makita ang muka ko.
Bakit? May kakaiba ba sa muka ko.
Agad ko naman itong kinapa. Wala naman ahh. Maliban lang sa---
"Patay talaga sakin yang Yael na yan. Pinaiyak ka niya!"
Pinunasan ko naman agad yung luha ko. Di ko naramdaman yun ahhh. Siguro naluha talaga ang mga tao pag sobra silang nasasaktan
"Okay lang ako sam. Ano ka ba. Haha" ngiti ko sakanya
"Pinagalitan ka na naman niya no? Patay talaga yun kay Untie" naiinis na sabi nito
"Pasensya na talaga aahhh. Nakabasag na naman ako." Tumayo na ako dahil tapos na naman ako sa pag lilinis ng nabasag ng makaramdam ako ng kirot sa may hintuturo ko.
Awww!naman! Nabubog pa pala ako.
Nilagay ko naman agad ng palihim ang kamay ko sa likod ko at bahagyang pinisil ito para huwag lumabas ang dugo dito. Baka makita pa ni Sam
"Hmmm. Basta! Lagot pa din siya. Sige na . Punta muna ako dun sa counter"
Dali dali naman akong nagpunta sa may lababo para hugasan yung daliri kong nabubog
Mas lalong humapdi dahil sa lamig ng tubig.
Nako naman! Di pa pala ako tapos maglinis ng mga plato.