Three

49 2 0
                                    

"BESTYYYYYYY, Gising na at baka malate kapa sa klase mo!!" Pambubulabog sakin ni Ellay sabay katok ng katok sa pinto ko. Hindi ko siya pinansin at nagtaklob ng unan sa ulo ko.

"Ayaw mong gumising ha!" Sigaw niya sabay binuksan ang pinto ko. Nakalimutan ko na may susi pala siya.

"Heyy! Gumising kana!!" Sabi niya sabay yugyog sakin. Dumilat ako saglit at tiningnan siya tapos pumikit ulit.

"Five minutes." Sabi ko sa kanya. At nagtaklob nangkumot.

"Anong five minutes eh late kana nga oh, 7:30 na kaya!" Napabalikwas ako ng bunangon at tiningnan siya ng masama.

"Bakit hindi mo ko ginising ng maaga?"

"Ha? Anong hindi eh kanina pa kaya kita kinakatok dyan."- Ellay

"Grrr , okay fine! Lumabas kana. Hintayin mo nalang ako sa baba."

"Dalian mo ha"

"Oo na" At dali-dali akong naglakad papuntang banyo at mabilis na naligo. Ginawa ko ulit ang morning routine ko.

Namili ako nang damit na malalaki para hindi nila mapansin ang hubog ng aking katawan, sinuot ko ang aking malaking salamin para hindi nila ako makilala at naglagay narin nang wig. Pagkatapos nang lahat ng yan ay bumaba na ako sa sala. At nakita ko si Elay na tapos narin sa kanyang make over para maitago ang totoong siya.

"Nandyan kana pala, kumain kana pinaghanda na kita nang breakfast." Sabi niya habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"O sige, sandali lang to." Sagot ko sa kanya habang nagmamadaling kumain muntikan na nga akong mabilaukan mabuti nalang at nasa harapan ko lang ang tubig. At nang matapos na ako kumain, dahil kunti lang naman ang kinain ko because I need to maintain my sexy body hahaha ay kinuha kuna agad ang bag ko at ready to go na ng mapansin kong nasa tapat pa ng salaman si Elay at kanina pang nakatingin sa kanyang sarili.

"Hindi kaba nagsasawa sa pagmumukha mo? Kanina mo pa yan tinititigan." - Ako

"Bakit naman ako magsasawa sa maganda kong mukha." - Ellay

"Maganda ba kamo? Oh siya! alis na tayo at baka malate kapa at ako pa ang sisihin mo imbis na yong salamin." - Ako

Kinuha na niya ang bag niya at ako naman ay kinuha kuna rin susi ng sasakyan na gagamitin namin. Hindi namin ginagamit ang mga mamahalin naming sasakyan para naman hindi maghinala samin ang mga classmate o schoolmate namin. At dahil sa wala pang licence si Ellay kaya hindi pa siya pwedeng gumamit ng kotse, nakikisakay nalang siya sa akin para narin daw walang gastos.

Nang makarating na kami sa school. Bumaba na kami at dumeritso na sa room namin, at salamat dahil hindi ako late, hindi kami kaklase ni Ellay dahil magkaiba kami nang schedule ngayung araw. At alam niyo ba kaklase ko si unggoy yung si Jhames ngayon. Nang makapasok na ako agad akung umupo sa upuan ko.

Dumating na si Ma'am Caballes ang English Teacher namin.

"Good Morning class!"

"Good Morning Ma'am!" kaming lahat.

"If I call your name just say present, okay?"

"Abella"

"Present"

"Akaen"

"Present"

Haggang sa matawag ang pangalan ng taong kinaiinisan ko. Anyways iba nga pala ang rules ng school namin, boys muna ang unang tinatawag sa attendance bago ang girls.

"Kim?"

Ngayon ko lang napagtanto na wala pa pala siya.Nang biglang bumukas ang pintuan.

Boooogs...

"I'M SO SORRY, I'M LATE!" Hala kung makasigaw, wagas.

"It's okay, You may take your sit." Hala si Ma'am basta gwapo pagbibigyan agad, it's so unfair.

Bigla nalang naglakad si Jhames papunta sa akin. Kaya naman pala sa tabi ko nalang ang may bakanteng silya kaya umupo siya agad.

Pinagpatuloy ni ma'am ang attendance kaya wala na akung pakialam sa katabi ko.

"Psst!" Tawag sakin nga katabi ko sabay kablit sakin.

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Pssssst!" Tawag ulit niya saakin. Hindi ko parin siya pinansin. Pero bigla nalang niyang pinatid ang silya na inuupuan ko.

"Ano ba?" Naiirita kung sabi.

"Anong ano? Nakalimutan muna agad yung pinag-usapan natin. May pa favor favor kapang nalalaman." Sabi naman na saakin. Alam ko naman eh!, pero hindi ba pwedeng pagkatapos nalang ng klase diba? diba?

"Pwede wag muna ngayun?" Sabi ko sabay irap.

"Pwede naman pero bibwesitin muna kita ngayon." Sabi niya na may nakakalukong ngiti.

"I don't care!" Irap kung sabi.

Bwesit tung lalaking to, anung bibwesitin eh nabwesit na nga ako nang makita ko ang kanyang pagmumukha. Sana hindi nalang siya nagpakita.

"Ms. Rata!"

Sana hindi nalang ko humingi nang pabor sa kanya kung bibwesitin niya lang ako. Aanhin kuba ang pagiging mayaman, maganda na walang katulad. Hahaha, ang hangin ko.

"Ms. Rata!"

Bigla nalang kung kinablit ng katabi ko. Nang paulit-ulit.

"ANO BA!!?" Sigaw ko. Ehh nakakairita na siya ha.

Tumingin sya bigla sa paligid na parang sinasabing tumingin din ako, kaya tinignan ko ang nasa harapan.

"MS. RATA!! KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG SAYU HINDI KA MANLANG SUMASAGOT AND WHY ARE YOU SHOUTING!?" Sigaw ni ma'am. Okay, kaya pala saakin nakatingin lahat ng kaklase ko.

Ehh ikaw ma'am why are you shouting too. Di joke lang.

"I'm sorry ma'am." Nagpapakabait ang bida. Hehehe

"Are you day dreaming?" day dreaming, na nakadilat ang mata? Day dreaming nga diba kaya nakadilat ang mata. Ano bato bakit ko kinakausap ang sarili ko.

"No ma'am, I'm just thinking." on how to kill this person beside me. Di joke parin ayaw kong mabahiran ng dugo ang magaganda kong kamay no.

"So you're not listening, your attention is not on me?" Hahay nakakapagod namang mag.explain sa gurong to.

"I'm sorry ma'am, di na po mauulit."

"Okay, you may take your sit."
Sabi niya kaya umupo na agad ako baka biglang magbago ang isip.

Nakinig nalang nalang ko sa guro  hanggang sa matapos ang klase, lunch time na may favorite subject.

Kriiiiiiiing... (bell yan hindi yan telephone)

"Heyyyy!" Tawag ni unggoy. Nandito pa ako o kami sa luob nang classroom, yeah kami nalang dalawa ang naiiwan dito nag-aarange pa kasi ako sa mga gamit ko.

"What?" Walang gana kung sagot.

"Yung kanina."

"Not now! okay? can't you see I'm busy at nagugutom narin ako." Kanina pa siya ha. Hindi ba siya napapaagod.

————————————————————————————————

Sa susunod na kabanata :)

The Nerd is a Secret ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon