Sabi ko noong una, hindi ako magmamahal
Sabi ko noong una, hindi ako iibig.
Pero ngayon, mula noong makita, mahal
Naniwala ako sa mahika ng pag-ibig
Naalala ko pa noon, noong hindi pa kita nakikita
Ang sabi ko ay "Ang Love ay isa lamang salita"
Ngunit mula noong makilala kita,
Nakita ko ang tunay na meaning ng love sa iyong mga mata
Noong makita kita sabi ko lahat ay aking gagawin
Lahat ay gagawin, upang ikaw ay maging akin
Iinumin ko kahit ilang bote ng gin,
Aabutin ko kahit high notes ni Regine.
Lahat ng bituin, aking susungkitin
Kahit ilang ibon ay aking huhulihin
Kahit anong bagay ay aking bibilhin
Para ako ay iyong mapansin
Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin
Umaasa na balang araw ikaw ay mapapasakin
Dahil ikaw ang isinisigaw ng damdamin,
Pangako ikaw lang ang iisipin
Kahit ilang contest ay aking ipapanalo
Kahit ilang tula ay aking isasaulo
Lahit ay aking isasakripisyo,
Para lang sa iyo.
Ikaw ang inspirasyon ko,
Ikaw ang pangarap ko.
Ikaw ang laging nasa isip ko
Dahil ikaw ang mahal ko.
Ngunit bakit hindi ko ito sa'yo masabi?
Bakit hindi ko maibuka ang aking labi?
Bakit ako hindi makagalaw?
Bakit ako natutunaw?
Ngunit kung nababasa mo ito ngayon, mahal
Maramdaman mo sana ang aking pagmamahal.
Iniibig kita ng kay tagal
24/7 ikaw lang ang mahal
Kaya tandaan mo ang aking pangako,
Tutuparin ito at hindi ipapako.
Lahat ng santo'y aking tatawagin,
Upang ako'y iyong mapansin
Lahat ay aking gagawin,
Upang ako'y iyong mahalin.
BINABASA MO ANG
Tula ng isang umiibig
PoetryMAHAL. (Sa mga babasa nito, sorry sa mga mistakes. Magustuhan at maintindihan nyo sana...)