Sa Aking Muling Pagsulat Ng Tula

366 3 0
                                    

Sa aking muling pagsulat ng tula,

Ibubuhos ko dito'y pawis at luha

Sa aking muling pagsulat ng tula,

Pagmamahal ko sana'y iyong madama


Isa nanamang tula ng pag-ibig,

Tula rin ng isang umiibig

Isa nanamang tula ng pagmamahal,

Tula na para sa'yo mahal


Ilalarawan muna kita,

Ilalarawan kita bilang isang babaeng maganda

Babaeng kahanga-hanga,

Pero ang puso'y binasag na ng mahal niya


Ilalarawan ko naman ang sarili ko

Ilalarawan bilang isang lalaking bigo

Pero isang lalaking patuloy pa ring umiibig sa'yo

Kahit iba ang minamahal mo


Lahat na yata ay kaya kong ibigay,

Lahat na yata ay kaya kong ialay

Lahat na yata ay gagawin ko

Kung para sa'yo


Iibigin kita kahit pa ako'y madapa

Iibigin kita hanggang sa ako'y mawala

Iibigin kita kahit pa mawalan ako ng tugma

Iibigin kita ito ang aking sumpa


Marami akong gustong itanong sa iyo

Kaso nahihiya lamang ako

Kamusta ka na?

Ayos ka na ba?


Huwag ka na umiyak,

Tara, ang iyak mo gagawin kong halakhak

Huwag ka na umiyak

Mawawala rin ang sakit ng pusong nabiyak


Marami pa akong gustong sabihin

Tulad ng sana ako ay iyong mahalin

Ngunit di ko na pwedeng pagkasyahin

Pero sana nga ako ay iyong mahalin


Mahalin mo na sana ang pusong aba

Sa aking muling pagsulat ng tula


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula ng isang umiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon