Sumpa

157 3 0
                                    

Mahal, habang ako'y naghihintay,

Habang ang puso ko'y sa'yo nahihimlay

Ako ay gagawa,

Ng isang sumpa para sa ating dalawa.


Sumpa na pangmatagalan,

Sumpang magtatagal magpakailanman

Sumpang Walang Hanggan,

Sumpang Walang Katapusan


Uumpisahan ko ang sumpa, sa pangakong ikaw lang

Pangakong iibigin ka at paglilingkuran

Pangako puso ko'y sa'yo lang

Pangako ika'y hindi ko tatalikuran


Pangako ikaw lang wala nang iba

Pangako hindi magpapadala sa kaba

Pangako ika'y pangangalagaan

Pangako hindi ka paglalaruan


Pangako ikaw lang talaga

Pangakong hindi matutumbasan ng anumang halaga

Pangako ng pag-aalaga

Pangako ng pagtitiyaga


Pangakong hindi ipapako

Pangakong ikaw at ako

Pangako sa hirap man o ginhawa,

Pangakong hindi lamang sinasabi, ginagawa


Ito na ang aking sumpa,

Mga pangako sa ngiti man o sa luha

Mga pangakong para sa'yo,

Pangakong dadalhin kahit saang ibayo.


Sumpa ko sa'yo ito mahal,

At kung palaring magtagal,

Ihaharap kita sa dambana ng Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje

At sisimulan natin ang mahabang biyahe.

Tula ng isang umiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon