Aanhin Pa?

218 5 2
                                    

Mahal, naghihintay pa rin ako.

Naghihintay na sagutin mo ang tanong ko sa'yo

May pag-asa pa nga ba ang isang pusong aba

Kung ang tinitibok nito ay nahulog na sa iba?


Ngunit mahal sa aking paghihintay,

Puso ko'y sa'yo pa rin nakahimlay.

At ang aking tanong sinta,

Susundan ngayon ng dalawang salita.


Dalawang salita,

Dalawang salita para sa'yo sinta.

Dalawang salitang para sa akin ay mahalaga.

"Aanhin Pa"


Aanhin pa ang ballpen kung ito'y hindi na sumusulat?

Itatapon na nga lang ba ito at ikakalat?

Aanhin pa ang ballpen sinta?

Aanhin pa kung wala na itong tinta?


Aanhin pa ang libro kung wala ka namang matututunan?

Aanhin pa ito? Ipampupukol sa kalaban?

Pagpapatung-patungin at tutuntungan?

Aanhin pa ang libro kung wala naman itong laman?


Maraming bagay ang pwedeng ikabit,

Maraming salita ang pwedeng ilagay.

"Aanhin Pa" ang aking isasambit,

Dugtungan mo na lang ng kahit anong bagay.


Aanhin pa ang utak kung ang tanging iniisip nito ay wala na?

Nawala na lang na parang bula.

Aanhin pa ang mata kung ang tanging nakikita nito ay naglaho na?

Naglaho at hindi na ulit makita.


At huli mahal, aanhin pa ang puso kung ang nag-iisang laman nito ay wala na?

Kung ang itinitibok nito ay meron nang iba?

Maghihintay ako ulit sinta,

Sumagot ka sana.

Tula ng isang umiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon