Huling Sulat

157 6 0
                                    

Mahal, huling sulat ko na ito.

Titigilan ko na ang pagmamahal ko sa'yo

Tulad ng sinabi ni Juan Miguel Severo,

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sa'yo


Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa.

Tatapusin ko na

Tatapusin ko na ang pagmamahal ko sa'yo

Tatapusin ko na ang katangahang ito


Alam ko namang hindi mo ako mamahalin

Alam ko namang hindi mo ako pipiliin

Alam ko namang hindi mo ako mapapansin

Kahit sa pangakong ikaw ang mamahalin


Matagal na akong may gusto sa'yo

Pero ngayon tutuldukan ko na ito

Kakalimutan ko na ang pangalan mo

Kakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa'yo


Mahal ang puso kong ito,

Na minsan ay ipinangako kong para sa'yo,

Nitong mga nakaraang araw ay nalito.

Pero ngayo'y nakapagdesisyon na ito.


Nakapagdesisyon na ito na tapusin na.

Nakapagdesisyon na kalimutan na.

Nakapagdesisyon na.

Nakapagdesisyon na ang pusong aba


Ito ang magiging tanda.

Tandang ako'y susuko na

Susuko na sa pag-ibig ko sa'yo

Susuko na sa aking pangako


Mahal sa huling sulat na ito.

Sa huling tula na gagawin ko tungkol sa'yo

Nagkasundo ang puso at isip ko

Mawawala ka na sa alaala nito.


Ngayon sa panahong ito

Naghahanap nanaman ang puso ko 

Naghahanap ng ititibok nito

Naghahanap ng muling magpapasaya rito


Umaasa na may babaeng muling iibin

Umaasa na may babaeng ako ay pipiliin

Babaeng pwede kong sabihin

Ang pangakong siya'y aking mamahalin


Pag-ibig ko sayo'y hanggang dito na lang

Pag-ibig na para sa'yo ay kulang

Hanggang dito na lang mahal

Hindi na ito magtatagal


Paalam na mula sa pusong aba

Panahon na upang humanap ng iba

Ibang ititibok ng puso ko

Ibang babaeng mamahalin ko.

Tula ng isang umiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon