Kailan?

145 4 0
                                    

Paghihintay, isang gawaing nakakapagod

Paghihintay, gagawin ko ng buong lugod

Kahit ito'y nakakapagod, gagawin ko pa rin

Hanggang sa ako ay iyong mahalin


Nakakainip at Nakakabagot,

Pero para sa'yo maghihintay ako kahit hanggang ang hininga ko ay malagot

Para sa'yo maghihintay ako

Para sa'yo, oo, totoo


Pero minsan nakakainip na talaga

Minsan kailangan kong dagdagan ang tiyaga

Para sa pag-ibig mong aking kailangan

Pero minsan napapatanong na ako ng "Kailan?"


Kailan ba mapupunta sakin ang atensyon mo?

Kailan ba matatapos ang paghihintay na ito?

Kailan ka ba mapupunta sa akin?

Kailan ba magsisimula ang biyahe natin?


Kailan ko ba matatapos ang pagsasabi ng akin?

Kailan ko ba ito mapapalitan ng satin?

Kailan ko ba masasabi ang tayo?

Palagi ko na lang bang sasabihin na kayo?


Palagi na lang ba ako maghihintay sa'yo?

Palagi na lang ba ganito?

Pangarap na nga lang ba kita?

Pangarap na nga lang ba sinta?


Sana naman hindi,

Sana naman mapasaakin ka sa bawat sandali

Kailan kaya matatapos ang paghihintay?

Kailan kaya? Lahat ay aking iaalay


Mahal kailan mo tatapusin itong sakit?

Kailan ba tayo magkakalapit?

Maghihintay ako hanggang sa kailanman

Para sa pag-ibig nating pangmatagalan.

Tula ng isang umiibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon