Puso, isang napakagandang salita
Puso, panlaban sa pangungulila.
Kaya kung ikaw ay mag-isa,
Puso ang tanging sandata
Ngunit ano pa ang panlaban kung puso ay wala na?
Ano pa ang magtatanggol kung ang puso'y biyak na?
Utak nga ba na pag-iisipin ka ng kalungkutan?
Ano pa ba magagamit kung ang puso'y iyo nang iniwanan?
Ang pangako ko sa'yo lahat ay aking gagawin
Pangako ito upang ako'y iyong mahalin
Ngunit bakit ngayon ang gamit na lang ng Gin
Ay upang sa kalungkutan ako'y pasayahin
Sabi nga nila, "Kapitan hanggang dito na nga lang ba?"
Kung sa pag-ibig ko sa'yo, sagot ko'y hindi
Ngayon tatanungin kita,
OO o Hindi?
Sinisigaw ng utak ko na tigilan ko na
Tigilan ko na ang pagmamahal sa'yo sinta.
Ngunit sabi ng puso ko huwag muna,
Huwag ka munang mawalan ng pag-asa
Heto ako ngayon, kahit nasasaktan ay naghihintay pa rin
Naghihintay na ako ay iyong mahalin
Naghihintay na iyong buoin,
Ang puso ko na naging bubog na kasing dami ng bituin
Ngunit mahal huwag mong pulutin,
Hayaan mong ako ang masugatan
Iyo na lamang pagtagpi-tagpiin
Upang maghilom ang sugat na laman
Pero alam ko na ito ay may sugat pa rin,
Alam ko na ito ay bubog pa rin.
Kaya kahit ako ay iyong mahalin,
Ang sugat sa puso ko'y masakit pa rin
Ngunit mahal alam kong huli na,
Alam kong may kasama ka na
Hiling ko'y maging masaya kayong dalawa,
Pero tandaan mo, MAHAL KITA
Ngunit may isang tanong na lang ako,
Isang tanong na galing sa puso ko
Isang tanong na pinagkasuduan ng puso at isip
Isang tanong na dala ng hanging umiihip
Ngayon, ang oras na ito ay itinuturing kong banal
Dahil sa huling pagkakataon ay itatanong ko sa'yo ito, mahal
May pag-asa pa ba ang isang pusong aba
Kung ang itinitibok nito ay nahulog na sa iba?
Maghihintay ako,
Sana Sagutin mo ang tanong
BINABASA MO ANG
Tula ng isang umiibig
ŞiirMAHAL. (Sa mga babasa nito, sorry sa mga mistakes. Magustuhan at maintindihan nyo sana...)